kwento galing MCDO (di mo to magegets)
Unknown
Thursday, September 01, 2011
XIE just had a conversation with someone close to her heart last day, November 30, 2010, the last date of the month before December comes. She's been with JAH since then; when Xie began to open and started to live a life in the bitterness of this world. Xie is not a typical girl with different kind of thinking, she's platonic. While Jah is like everybody's girl with common ideals in her mind, but she's weak. Everybody knows how close they are, but no one has an idea how deeply they were broken and devastated by LOVE - by their past relationships. Just last day, they were talking and eating sundaes at Mcdo. They were just in their usual tone of conversation and oftentimes they laugh to death. Until one finally, or might as well to say, the two finally began to go deeper... discuss serious matters... argue... reflect... laugh... and save the memory.INTRO:
Interior - sa loob ng Mcdo kung saan 1st floor lang ang ukupado, sakto lang ang tao, at nakaupo sila sa may malapit sa counter.
Exterior - Magulong kalsada at maraming taong naktambay sa labas, iba't ibang repleksyon ang makikita sa bawat mukha.
XIE: dito nalang tayo maupo, ibili mo na rin lang ako ng isang hot caramel sundae.
JAH: Okay! at pahiram narin ng sampung piso kasi kulang ako.
Habang umo-order si Jah, hindi maiwasang tumingin tingin sa paligid ni Xie. Baka may makasalubong ang mata na kakilala at makalimutan na ang kanina lang na kaniyang nakasalubong sa daan. Isang pamilyar na mukha, at mukhang hindi ni Xie makakalimutan malagas man ang lahat ng kahoy sa kagubatan. Nataranta sya sapagkat hindi nya nalaman ang dapat gawin at natural na reaksyon. Maya-maya pa'y nahuli niya ang kanyang sarili na nakatitig sa isang batang lalaki sa may kalapit mesa. Una nyang napansin ang suot na antipara nito na medyo nahuhulog na sa pagkakapatong sa ilong. Para bang nakikita ni Xie ang sarili sakanya sa kabila ng kaibahan ng kasarian. Napaisip si Xie:
*Sana hindi siya matulad sa akin, sana hindi nya tangkain pasukin ang mundo na sa di tamang panahon aking piniling tahakin, mahirap at magulo, higit sa lahat masakit masaktan dahil sa kasakiman ng ibang tao. Kung maaari ko lang syang lapitan at pagsabihan, huwag mo madaliin ang buhay, magpakasaya ka habang bata at huwag hanapin ang bagay na walang kasiguruhan. Sana sana sana huwag syang matulad sa akin na maagang umibig at sawing iniwan ng inibig.*
JAH: *smile* Friend eto yung sundae mo
XIE: Tnx friend *smile*
JAH: Anong iniisip mo Xie di ka masyadong nagsasalita
XIE: Wala tinitignan ko lang yung bata kanina dyan sa may kalapit mesa, ang cute kasi.
JAH: Saan? uhmmmn? hehe ang cute rin nung isang bata parang ako lang, kumusta pala?
XIE: Huh? bakit?
JAH: Wala naman, hahaha
XIE: Wala dina-divert ko lang ang sarili ko para makalimutan yung nakita kanina lang.
JAH: Ehem!
XIE: Maling timing lang siguro, nagbabagong buhay na ako Jah at inaayos ang aking sarili para sa kanya. Na para sa hinaharap kung kami'y muling magkikita ay may ihaharap na akong mukha at kaya ko na syang kausapin ng normal na walang pag-aalinlangan. Di ba nakwento ko na rin naman sayo dati pa.
JAH: Sino ba ang ating pinag-uusapan? haha
XIE: Siya yung alam mo na, yung nakasalubong natin kanina lang.
JAH: Ah akala ko yung isa, di mo naman kasi sinabi agad.
XIE: Hay naku, ewan ko sayo, i'm moving on na friend at ilang buwan na ang nakakalipas, pinagsisisihan ko na ang lahat, kung bakit ko pa binuhay ang mundo na dapat pala hindi ko pinagnasahan. Hindi ko naman kasi alam na ganoon yun nakakatakot at kagulo, hindi mo naman kasi ako binalaan. Sana di na nangyari sa akin ang nangyari pa saiyo.
JAH: *speechless* sometimes you need to experience such pain, aaminin ko nasaktan din ako ng sobra sobra dahil sa letseng PAG-IBIG na yan, ang salitang hindi mo kayang pakawalan sa iyong bibig. Masakit pero tanggap ko na at kailangan ko magpatuloy ng wala na sya, anong magagawa ko kung may mahal na siyang iba, at hindi ako yun. Ibinigay ko naman ang lahat pero kulang parin sapagkat iba naman pala ang kanyang hinahanap. Oo, tanga parin ako minsan pero hindi na ngayon ng dumating ang isang taong muling magbibigay kulay sa aking buhay, mas matatag na ako at marunong na akong mag-isip bago gumawa ng isang desisyon. Sana ikaw din. Bilib nga ako sayo.
XIE: *speechless din* Sana nga nakamove on kana. Kasi MOVING ON and LETTING GO is par different from each other, I must say. Pwedeng nakamove-on kana nga pero ang tanong kung nakalet-go kana rin ba, o pwede naman nag-let go ka nga pero hindi ka naman nag-move on. Sa sitwasyon ko, i've already moved on and as i promise myself, kung ikaw it took you two years to move on and maybe you've already let him go, ako sinabi ko sa sarili ko tama na ang 2 months na sakit ng pag move on at sabay na rin ang pag let go. Actually this is the last day of it, it's been two months since then, dalawang buwan na ang nakalipas ng iniwan rin ako ng isang taong sa tingin ko hindi naman karapat-dapat sa pagmamahal na ibinigay ko pero nagpaloko parin ako, pinili ko kasing maging gago, ibinigay ko ang lahat lahat, hindi ko alam marami pala kami sa puso nya. Isa lang ako sa mga isda na pinagpipilian nya sa isang malawak na palaisdaan. Sh*t ako pero okay lang, kaya kong magbago at maging bagong tao, para sainyo ang ginagawa ko, hindi ko man maibalik ang dating ako, at least i will assure others that i'll become a better person sooner or later. Alam kong hindi na sya maalis sa buhay ko pero naniniwala ako na balang araw katulad mo may magbabago ng mga masasamang karanasan ko at magiging isang aral nalang ito. Hindi pa ako handa umibig at parang ayaw ko ng nga munang umibig. Siguro ang pag-ibig para dun lang sa mga taong manhid at matalino pagdating sa usapang puso. Hindi ako magaling dun, mag-aaral muna ako, at bukas December na, asahan mong nakamove-on at nakalet-go na ako Jah. Ibang-iba siguro talaga ako kumpara sainyo. STROOOOOOOOOOOOONG AKO!
JAH: Hmmmmn para ngang wala naman nangyari sayo, hindi ko halata. Pero pagmamahal ba yun na hindi kaman lang nag-mourn o para bang nawala sa ulirat. Pag-ibig ang pinag-uusapan natin pero parang wala lang talaga nangyari sayo kung hindi ka pa nagkuwento sakin.
XIE: Hindi naman kasi ganun, sa akin tama ng naramdaman mo ang sakit. Huwag mo ng ipakita kasi ikaw lang din naman ang kawawa. Magaling ako humawak pagdating sa aking emosyon. Hindi lahat ng bagay dapat ipakita sa tao. Sapat ng may isang taong nakakaalam ng pinagdaraanan ko at hindi ko lang ito tinatago sa puso ko. Pero ang umiyak para sa sakit, hindi ko ugali yun, ang paniniwala ko kasi, ang pag-iyak dahilan ng sobrang galak, kasiyahan, at kung anong magagandang bagay na nag-uumapaw.
JAH: Sabagay may punto ka dun Xie, o siguro ibang klase ka lang talaga mag-isip. Iba ka sa mga tipikal na tao na nabubuhay dito sa mundo. Strong ka nga at iyan ay napatunayan ko. Sana ako rin.
XIE: Strong ka rin kaya Jah, strong sa inuman.
JAH: LOL, walang ya ka talaga, natatawa na lang ako sapagkat isang pag-uusap na naman na makabuluhan ang nagawa natin at para tayong shongak, balang araw maaalala ko ito, baka ikaw din, at magtatawanan uli tayo. Tatandaan ko ang mga sinabi mo.
XIE: Tara na!
EXTRO:
Interior - Tatayo ang dalawa at aakbay si Jah kay Xie, nakangiting maglalakad palabas
Extro - Naghihintay ang isang grupo ng mandurukot...
END