buset

hindi ako inuusig ng aking conscience ser sa pagpasok ko po ng late
7:30 ang klase namin sayo pero 8:00 na kung dumating ako
matatapos na ang semester wala parin akong natututunan sa philo.
kasi naman hindi ka masyadong interesado kung maturo
may itsura ka ng at ang taas ng ilong, pero aanhin namin yun
ni isang beses hindi ka man lang gumamit ng power point presentation
ngayon nagtuturo ka ng letseng conscience at nakaupo lang
paano ako gaganahan pumasok, kung ikaw mismo nagpopoetry reading lang
oh ayan nagsulat ka naman kunwari "a doubtful law does not bind"
tapos ngayon may isa kang kwento at kung sino ang may pangalan na john
john ang pangalan ko, tamad din ako at hindi ako magtataas ng kamay para sayo
buti nalang tinatyagaan ka ng babaeng epal sa likod ko, gustong maka A sayo
'anong kinalaman mo daw sa utang ng tatay mo?' at ngayon nagkagulo
shit paki ko sa mga utang nyo, mayaman ang nanay ko
haha halos isang oras pa akong magtitiis dito, bagot na bagot na ako
di naman ako makapagrecite sapagkat walang interaction na nagaganap dito
waaah tulungan mo ako! wala na rin ako maisulat, blah blah blah blah
uusigin ka na ng konsensya mo...
TAMAD KA, TAMAD AKO
KAYA LATE KA
MAGPAPALATE RIN AKO
Matatapos ang sem na to magiging kasing gwapo mo na ako
Pagpapantasyahan ng mga babaeng estudyante mo
kunyari lang na nakikinig pero panay lang ang titig sayo
HAHAHA kung saan saan na napupunta
no offense ser, ako yata ang may problema!
_______________________________________________


ang sama sama ko talaga pati mga teacher sinasama ko na sa blog ko, haha okay lang yan di naman nila ito mababasa, anyways thanks pala ser no exam til now, asahan ko ang A ko na marka ah. :DDD