Sh*t Post


Sa mga panahong tulad nito, na sobrang init at walang magawa, gusto ko lang ng isang kaibigan na sasama sakin saan man ako magpunta, pwede mag-mall o manood ng sine tapos kakain ng donut, macaroons na sasabayan ng malamig na malamig na softdrinks, simple lang naman mga gusto ko sa buhay, at ayoko sa lahat yung ako'y napag-iiwanan sa lahat ng bagay.

Tulad ngayon, ilang araw na akong nagpo-procrastinate sa paggawa ng aming Thesis, panay Twitter, monster world, blog at kung ano anong search lang ako sa harap ng aming computer, masakit na nga ang batok ko pero gora parin, tapos ngayon lahat umalis sa bahay at ako lang ang naiwan, the hell gutom na ako wala ring makain na kailangan nalang isubo, ayoko magluto, hahaha umiiral ang katamaran ko.

Asar minsan ayoko talaga ng long weekend kasi kung nandito lang naman ako sa bahay parang walang kwenta ang buhay ko, tulad nito dahil sa sobrang kaboringan nagsusulat na lang ako ng walang kwentang blog, pamapalipas lang ng oras, ayaw ko rin talaga kapag ganitong mahaba ang bakasyo at alam kong mag-iisa lang ako kasi kahit kaharap ko ang world wide web iba ang tumatakbo sa isip ko, ewan puro kadramahan sa buhay at yung mga bagay na pinagsisisihan ko at gusto kong makuha, umiiral ang katangahan ko, ilusyonado at insecurities ko, at kapag bored na bored na talaga ako di ko maiwasang mapatumbling at mag-imagine sa harap ng magic sing na may sariling concert ako, pakialam ko sa bahay na nakakarinig ng boses ko, ang daming oras na nasasayang sa tingin ko.

Waaaah nakakabaliw na, ang maligo nalang siguro sa banyo ng halos isang oras ang sa tingin ko ang magandang ginagawa ko para sa sarili, sa mga oras na to naiisip ko lang sya na sana ganoon parin sya tulad ng dati, gusto ko syang makasama at makipagkulitan ng walang dahilan, alam ko naman sa parte ko may malaki rin akong problema kaya kailanman hindi kami magiging masaya, oh kita mo na di ko namamalayan ako'y nagdadrama na pala, tae na talaga can someone save me from this fuckin' state, tititgil na ako baka ano pang maisulat ko.

SALAMAT kung nagbasa kaman, nagsayang ka rin ng ilang minuto ng buhay mo, medyo patas na tayo.
INGAT KA at sana bukas magbago na ang takbo ng buhay ko, yung sa fulfilling na paraan.


day03

a picture of the cast from your favorite show
i'm not also very particular to shows i am watching on TV because i seldom watch TV
but i prefer watching shows that has content, is witty and is worth spending your time
maybe Jessica Soho or iWitness on GMA TV, but what came to me first when i read day 03
was this cute kiddie musical show on Studio 23 every 9:20am w/c unconsciously i like much...



Tuck, Linny & Mingming
kanya-kanyang trip lang yan
natutuwa lang talaga ako tuwing nanunuod
ng wonder pets, relax at sasabay ka talaga sa pagkanta
Wonderpets Saves PAENG Lyrics

sa telepono, may tumatawag.
ang telepono, sagutin natin!
sa telepono, may tumatawag!
may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,
may humihingi ng tulong kung saan.

“wooaah.”
pakinggan niyo!
isang palaka, matanda na siyaaaa! ilang taon na siya?

basta lolo na siya… yun ang alam ko.
gusto niyang samahan ang mga apo sa paglangoy sa tubig,

at yun din ang gusto ng mga apo niya makasama siya sa paglangoy.
pwede naming makita? syempre naman!
ang maliliit na buteteng yan ang mga apo ng matandang palaka.

hindi makalapit sa kanila ang lolo nila.mukang nahihirapan siyang gumalaw!

ang matandang palaka, nahihirapan gumalaw.problema nga ito! tulungan natin siya.
iligtas ang palaka, iligtas ang palaka, iligtas ang palaka!!!
weeeeeeeeeeeeeeeeee:]

handa na kami para sa kasiyahan…hahahaha.
Linny, Tuck at si Ming Ming, ang wonder pets tutulong sa iyo.

hindi ko mahanap ang mga gulong ng flyboat natin!
kailangan pa ba ng gulong?

Ming Ming, ang bubong kailangan ng bahay,
ang saging kailangang balatan, balewala ang flyboat natin kung walang gulong.
ay oo nga!nakalimutan ko, tayo na, hanapin na natin…
ayun!!!…nasa ilalaim ng paa ko, magaling!

anong kailangan, magtulungan, anong kailangan, magtulungan!

ooooooooooooo.iba talaga pag may gulong!
sumakay na tayo sa flyboat wonder pets,
may matandang palaka pa tayong tutulungan!
nanjan na kami para tulungan ka, ginoong palaka.
weeeeeeeeeeee waaaw, ang ganda.

wonder pets, wonder pets, kikilos na.
ililigtas ang palaka nang sama sama.hindi malalaki at hindi malalakas,
pero pag nagtulungan, lahat malulutas.
goooooo wonder pets, yaaaaaay!

pagtutulungan lang naman talaga ang kailangan
hehehe ^___^

that's what I call a SHOW


MTV VMA 2011 WINNERS:

VIDEO OF THE YEAR
Katy Perry - "Firework" Katy Perry sparks inner confidence in a colorful burst of fun and flames. WINNER!

BEST COLLABORATION VIDEO
Katy Perry f/ Kanye West - "E.T." Katy Perry and Kanye West mix it up with a super futuristic tale of extraterrestrial love. WINNER!

BEST FEMALE VIDEO
Lady Gaga - "Born This Way" Gaga gives birth to a movement of Little Monsters in a tale of otherworldly existence WINNER!


BEST MALE VIDEO
Justin Bieber - "U Smile" Justin Bieber shows his sweet side when he charms a new love interest in an empty theater. WHATEVER!
BEST POP VIDEO
Britney Spears - "Till the World Ends" Britney Spears brightens up a post-apocalyptic underground world with gritty dance moves and leather duds. WINNER!

BEST ROCK VIDEO
Foo Fighters - "Walk" A disastrous day doesn't stop Dave Grohl from attending the ultimate Foo Fighters jam session. WINNER!


BEST HIP HOP VIDEO
    Nicki Minaj - "Super Bass" Nicki Minaj brings Barbie girl flair to "Super Bass" with pink drinks, grand ice sculptures and a bevy of Kens by the pool. WINNER!

BEST NEW ARTIST
Tyler, The Creator - "Yonkers" Tyler, The Creator's bug-eating, bulging eyes antics are not for the faint of heart. WINNER!

BEST VIDEO WITH A MESSAGE
Lady Gaga - "Born This Way" Mother Monster gives birth to a world free from prejudice, judgment and self-doubt. WINNER!



PROFESSIONAL CATEGORIES:

BEST CHOREOGRAPHY
Beyonce - "Run The World" Choreography by Frank Gatson, Sheryl Murakami & Jeffrey PageBeyoncé runs a nation of fierce females in a show of ferocious dominance.

BEST SFX (SPECIAL EFFECTS)
Katy Perry feat. Kanye West - "E.T" Special Effects by Jeff Dotson for Dot & Effects, E.T boost and mix it up with a super techie beat of extraterrestrial rhythm.

BEST EDITING
Adele - "Rolling In The Deep" Edited by Art Jones at Work, Adele showcases her heartbreak in a thumping, plate-smashing display of fury and sadness

BEST CINEMATOGRAPHY
Adele - "Rolling In The Deep" Cinematography by Tom TownendAdele projects a calm fury in the ultimate kiss-off to the man who dared break her heart.

BEST ART DIRECTION
Adele - "Rolling In The Deep" Art Direction by Nathan ParkerAdele's booming voice shakes the house and breaks some plates while she suffers the agony of a broken heart.

BEST DIRECTION
Adele - "Rolling In The Deep" Directed by Sam Brown, BEST!



*CLAP CLAP CLAP* see you all next year esp. you Adele.

adele@VMA 2011

for those people who go crazy like hell, who loves and is getting addicted with Adele, like me, here's her performance of Someone Like You Live @VMA 2011, she's still the best for me in this event. *bows down*


la la la la la ADELE, no haters allowed. ^___^

tulaNGmgaTULALA

i feel like writing a poem this sweaty afternoon, and reblogging another poem from my cousin's fb wall, nakakapraning lang dala ng hindi pa ako naliligo mula ngayon, hindi ko maiwanan ang twitter at paglalaro ng monster world, the first poem is in poetic love genre by empoy-katchupoy-na-tomboy, and the second poem is in bitter genre (pangontra lang sa unang tula) made by the owner of this shit blogsite.
__________________________________________________


                       IKAW AT AKO                            


Ikaw at ako ay parating masaya
dahilan ng ating matamis na pag-sasama
walang humpay sa pagtawa
minsan ay tulo laway na!

kulitan na tila walang hanggan
araw at gabi tayo ay magkatabi
sa lamig ng hangin sa gabi
yakap mo ako sa oras na tayo'y magkatabi

kung minsan ay nagkakasakitan
lahat ng ito'y tinatanggihan
kay tamis ng ating pagmamahalan
tatahakin natin ito kahit may humadlang man

nakaranas man ng kamalasan
kapit kamay tayong lumaban
di maiwasan ang pagtulo ng luha
andito ako para patawanin ka

magmukha man akong clown sa iba
wala akong pakialam basta masaya ka
iyan ang pagmamahal ko sayo
walang sawang ibibigay saiyo

sa unang araw nang ating pagkikita
sa puso't isip ko nakatatak na
di mananakaw at mabubura
sapagkat noon paman tanging itinago na

buhay at pagsisikap sayo ay iaalay
kahit ito ay sobrang nakakangalay
basta't ikaw, gora lang ako
kasi ikaw lang ang iniirog ko.


               AKO AT HINDI NA TAYO                  


minsan nagpapakatanga parin ako sa isang tulad mo
wala naman akong napala, panay sakit lang ng ulo
dapat nga noong una palang sumuko na talaga ako

hahaha hahaha tinatawa ko nalang para patay malisya
kaysa naman mamroblema habang ikaw ay nagpapakasaya
makakamove-on din ako at pagdadasal na sana ika'y datnan ng karma

masakit lang sapagkat nagbigay ako ng todo-todo
habang ikaw naman diyan ini-indian mo na pala ako
nagsabi ka man lang sana para hindi rin ako nagmukhang gago

ayoko sa lahat yung nililihiman at pinagtataguan ako
ano bang masama kung yun naman ang totoo
itsura mo tuloy para kang sanggano

kaya ngayon ako ay muling bumabangon
sa pagkakalugmok na dala ng isang kahapon
gogora akong muli pagsapit ng susunod na dapit-hapon
_______________________________
anong sabeeeeh ng baduy na tula, LOL

What do you wish you were better at?

i wish i could be better @singing even just one of my favorite song. ^_____^

anything you want to know about this stupid earthling

day02

a picture of you and the person you have been closest with the longest
i am the one who does not prefer to have any best friend in particular, neither a special friend.
i do believe i am independent and i can absolutely handle myself especially when it comes to my emotions,
but sometimes things get rough for others, and all of a sudden you find yourself sitting right next to that person,
then you begin to talk and started to share each others secrets, laugh until you burst into tears.
i think i have two of them before, now, and hopefully until the next days to come...

this was taken on our friendly meet up
in Krispy Kreme @gateway cubao
she loves to be named as KIM QUEEN
mula sa langit, bumaba sa lupa para umibig ng hampas lupa (joke)
she's a big girl with a very very big tooot, heart of course,
i can't remember when was the time we've started as friends
but i know it was in my 2nd year college when we started to hangout
ate kim knows me best among any other human being in this world
she knows what i like and what makes me really happy
whenever i'm not present, she's the point person to ask where i am
but i bet you, she's my total opposite and the greatest B.I in my life
hindi ko nga alam kung pano nya natotolerate ang kasamaan ko
however, i should thank her for a lot of things but i didn't
because what is more important is the super hug of a friend
one of the best yan si kim na kilala ko, sadyang engot lang sa pag-ibig
i will not promise any thing, gagawin ko nalang at bahala na si batman
hoi hoi >.<


this was taken i guess @landmark makati
when we had our window shopping trip
Pakal, Ludog, Manyak, etc. is the name but he's more popular as XTIAN
he is the worst and self-limited creature i have ever known since birth
he always bully me and loves to tease me until i burst out into a great fire
he sometimes imitate me in fashion and of course ape to act like too 
but he knows more than  i know myself and teach me how to doggie (LOL)
 brother xtian is the total opposite of ate kim, that's why they're my friends
behind those stupid smile is a frail, vulnerable and  dumb heart
i can't even remember when was the time we began as partners in crime
when i'm with his company i feel easy & protected w/c I never felt w/ kuya
i'm happy to have him though often times we kept on raising our egos
xtian was not the best man i've ever known coz he's just next to  mine
but he definitely knows how to care and believes in what he can do
i know someday he'll make his family proud including his ex's
ingat ikaw nalang lagi at huwag tatanga-tanga sa mga desisyon mo,
at tandaan mo mabilis ang karma.

__________________________________________________
kaya mga barkada, stay put lang kamu dyan dae magparapasali
lab ko kamong duwa lalong lalo na si PAENG ^___^

reblog@ALVIN


i think i'm the only one in our batch who knows about his blog site, he definitely doesn't want to share it with everybody, like the way he is with other people; he seldom share, talk and argue, he just smile discreetly but behind those curly hairs and pretty face that every girl in the campus would love to touch is a great mind for a future writer of different genre. at dahil pakialamero ako at thesismate nya naman ako, one time naiwan nyang bukas yung blog nya gamit ang laptop ko, yun naghahalungkat ako at nagbasa na rin ako, share ko lang yung isang kwentong ginawa nya, *kagaling na bata* medyo inedit ko na dahil nga pakialamero ako... *bows*
______________________________________________________________

APAT NA ARAW (Draft)


AUGUST 12, 2003 6:02AM

“Basta nakita ko po nasa taas sya ng gusali na yan. Akala ko nga eh may tinitingnan lang dito sa baba. Parang may kausap sa cellphone. Parang sumisigaw pa nga eh. Tapos bigla na lang syang tumalon. Ang sama ng bagsak, nauna nga yung ulo!” sabi ng isang lalaki na nakakita sa pangyayari.
“Wala ka bang nakitang tumulak sakanya kaya sya nahulog o baka may iba siyang kasama sa taas?” tanong ng pulis.
“Ayyy wala po, siya lang naman ang nakita ko sa taas.”
Napapaligiran ng mga usisero ang bangkay ng isang batang lalaki na duguan, bali ang leeg at nabiyak yung ulo.


 AUGUST 09, 2003 11:00PM

“Ma'am! Ma'am!”
Napalingon si Mrs.Cruz dahil may tumatawag sa kanya.
“Ma'am, magsa-submit lang ako nitong project”, sabi ni Henry.
“Aba Henry, ikaw ang pinakaunang nakatapos sa lahat sa paggawa ng project”, nagtatakang sabi ni Mrs. Cruz.
“Ginaganahan kasi ako Ma'am gumawa ng project na ito eh. Pagkagising ko kaninang umaga kinuha ko agad yung laptop ko at sinimulan ko ng gawin. Tutal wala naman pasok ngayon eh.”
“Mabuti naman at mukhang ginaganahan ka ngayong gumawa ng project. Dati rati naman ikaw nga
yung huli na mag submit ng project tapos halatang minadali pa, ” nakangiting sabi ni Mrs. Cruz
“Gusto ko kasi Ma'am na tumaas naman kahit papano ang marka ko, hehe”
“Oh sige na at may ginagawa pa ako rito.”
“Salamat po Ma'am!”
 Habang naglalakad si Henry ay nakasalubong nya ang isa sa matalik nyang kaibigan, si Lucy.
“Hoy musta, anong ginagawa mo dito sa school? wala namang pasok ah” , tanong ni Lucy.
“Ah wala, sinabmit ko lang yung project ko.”
“Wow! Bilis mo namang natapos 'yun, ang hirap kaya nun.”
“Haha, ang dali lang kaya. Kaninang umaga ko nga lang ginawa eh”, pagmamayabang ni Henry.
“Ah ok, oh heto na pala 'yung hiniram kong libro sa'yo, ampangit naman ng story niyan, hindi ko na nga tinapos, hehe”
“Hoy ito kaya ang isa sa pinakamalufet na book na nabili ko.”
“O sya...una na ako, may gagawin pa kasi ako”, sabi ni Lucy.
“Ako nga rin eh, maglalaro pa kami nila John ng basketball.”
 Nagmamadaling umuwi sa kanilang bahay si Henry. Inihagis niya ang libro sa kanyang kama at dali-daling nagpalit ng pambasketball na damit.
“Ma', punta lang ako kina John, maglalaro lang kami ah.”
“O sige, basta uwi ka lang agad...tutulungan mo pang gumawa ng project ang kapatid mo”, sabi ng kanyang nanay.
“Ok ma!”

AUGUST 10, 2003 9:00AM

“Diba Ma'am sinabmit ko sa'yo yung project ko kahapon?” nagtatakang tanong ni Henry.
“Mr. Tolentino lahat ng classmates mo ay nagsubmit sa akin ng kanilang project kahapon. Ikaw lang ang hindi.”, sabi ni Mrs.Cruz.
''Pero Ma'am diba sabi mo pa nga ako ang pinakauna-unahang nag-submit ng project. Baka po nakalimutan mo lang kung saan nailagay yun kasi busy ka po kahapon.”
“Henry, hindi ka pumunta rito kahapon. Ni hindi nga kita nakita o nakausap. Saka ikaw lang naman sa buong klase ang tamad na gumawa ng assignment at project. Tatlong projects na ang hindi mo ginawa at mabababa pa ang resulta ng exam mo.” sabi ni Mrs Cruz.
“Pero Ma'am gumawa talaga ako kahapon. Lucy diba nagkita pa tayo kahapon?  Binalik mo pa nga yung librong hiniram mo sa akin.”
“Huh? Hindi ako pumunta rito sa school kahapon. Dun lang ako sa bahay dahil tinapos ko yung project tapos pumunta ako dito sa school mga 6pm dahil nag-submit na ako kay Ma'am", nagtatakang sagot ni Lucy.
“Pero diba binalik mo pa nga sa akin yung libro ko”, tanong ni Henry.
“Hindi nga ako pumunta rito kahapon, saka nasa bahay pa yung libro mo. Hindi ko pa nga natatapos basahin "Eh. Ayos ka lang? Baka panaginip mo lang naman yun.”
“Hindi eh, hindi panaginip yun. Naglaro pa nga kami ng basketball dun sa bahay nila John.” sabi ni Henry.
Pagkatapos ng klase ay agad siyang umuwi sa kanilang bahay.
“Alam ko dito ko inihagis yung libro na yun eh.”
Hinalungkay niya lahat ng gamit niya at hinanap ang libro ngunit hindi niya ito mahanap. Maya -maya agad niyang binuksan ang kanyang laptop.
“Miggy!! Miggy!!" sigaw ni Henry.
 Dali-daling pumasok ang kapatid niya sa loob ng kanyang kwarto.
“Bakit kuya?” tanong ni Miggy.
“Pinakialaman mo na naman ba itong laptop ko ah? Ha? Pasigaw na tanong ni Henry.
“Hindi Kuya...”sabi ni Miggy.
“Bakit wala yung ginawa kong project dito sa desktop? Eh dito ko lang nilagay yun eh. Ikaw lang naman ang pakialamerong gumagamit ng laptop ko ng walang paalam”.
“Eh hindi nga ako gumamit niyan eh, saka may password na kaya yan kaya hindi na ako nakakagamit.” sabi ni Miggy.
Napaisip si Henry. May password nga naman ito kaya hindi nya magagamit to.
“Alam kong hindi panaginip yun eh. Pinaghirapan kong gawin yun at  alam kong sinabmit ko yun kay Ma'am. BWISIT!”
Naisip niyang tawagan si John.
“'Tol, musta na yang paa mo?”
“Huh? Bakit anong meron sa paa ko?”, nagtatakang tanong ni John.
“Di ba naapakan ko yan kahapon? Sabi mo nga sumakit paa mo.”
“Huh? Ayos ka lang? Hindi naman tayo naglaro ng basketball kahapon ah.”

AUGUST 11, 2003 1:23AM

“KUYYAHHH KUYAHHH!!!!!!!!!”
Nagising si Henry dahil sa ingay at sa init na kanyang nararamdaman.Nagulat siya ng makita nya na puno na ng usok ang kanyang kwarto.Isang napakalakas na katok sa kanyang pinto ang kanyang naririnig.
“Kuya!!! nasusunog na ang bahay natin!!! Hindi na ako makahinga!!" sigaw ni Miggy.
Dali daling bumangon si Henry at binuksan and pinto sa kanyang kwarto. Mabilis na pumasok si Miggy at sinara niya ang pinto. Kinakain na ng apoy ang buong bahay.
“Kuya hindi na ako makahinga!!” sigaw ni Miggy.
“Huwag mong langhapin ang usok!” sigaw ni Henry.
 Habang naghahanap sila ng pwedeng daanan, bumigay ang kesame at nahulugan si Miggy.
 “MIGGY!!!”
 Pinipilit niyang buhatin ang nakadagan sa katawan ni Miggy pero hindi niya ito mabuhat.
“Kuya hindi ako makahinga!!!, sabi ni Miggy.
Maya-maya ay nalagutan na ito ng hininga. Kalahati ng katawan nito ay nasusunog na at naaamoy na niya ang nasusunog nitong katawan.
At hindi na niya alam kong ano ang sumunod na nangyari.

AUGUST 11, 2003 5:34AM

“Miggy!! Miggy!!" sigaw ni Henry at biglang nagising.
Hindi niya alam kong saang lugar na siya. Nakahiga siya sa isang malambot na higaan. Amoy gamot at nagkakagulo ang tao sa labas. Nasa ospital na siya. Agad siyang niyakap ng kanyang ina.
“Ma', wala na si Miggy”, umiiyak na sabi ni Henry.
Nanlaki ang mata ni Henry ng makita nya si Miggy na nasa tabi niya.
“O bakit kuya?”, tanong ni Miggy.
“Buhay ka? Buhay ka! Ma' ano bang nangyari?"
Maya-maya ay may pumasok na ang mga pulis
“Umalis kami ng gabi ni Miggy dahil pumunta kami sa bahay ng Lolo nyo. Hindi ka na namin sinabihan kasi tulog na tulog ka na. Pagbalik namin nasusunog na ang bahay. Buti na lang mabilis ang mga bombero. Tapos ng pumasok sila sa bahay, nakita ka nilang nakatayo na may hawak na bote ng gasolina at itak. Nakita rin nila na nakahandusay ang katawan ni Yaya Betty. Laslas ang leeg at sunog ang kalahati ng katawan.
“Ma, ano bang pinagsasabi nyo?”
“Kuya, BAKIT MO TINANGKANG SUNUGIN ANG BAHAY NATIN?! BAKIT MO PINATAY SI YAYA?!" sigaw ni Miggy.
Nanlaki ang mata ni Henry sa kanyang mga natuklasan.

AUGUST12, 2003 5:34AM

“Hindi namalayan ng kanyang ina at kapatid na umalis si Henry. Dali-dali siyang lumabas ng ospital at
tulalang tumatakbo. Pumunta sya sa isang lumang gusali.
“Naguguluhan na ako. Di ko alam kung tunay bang nagyayari to o baka pinaglalaruan na naman ako ng aking utak. Ano bang nangyayari sa akin? Baliw na ba ako? Baliw na ba ako?

BALIW NA BA AKO!!!!!????!!! HINDI AKO BALIW!!!!

Nakarating na sya sa ikaapat na palapag ng gusali. Nadarama niya ang malakas na ihip ng hangin sa itaas na humahampas sa bawat durungawan. Nagsisimula ng sumikat ang araw kaya di maiwasan ng kanyang mga mata na mapapikit. Binuksan niya ang isang lumang bintana. Damang-dama niya ang pagkapit ng kalawang sa kanyang kamay at ang pagtalsik ng alikabok sa kanyang mukha. Tumayo siya sa may harapan ng bintana at saka tinitigan ng direkta ang araw.
“Alam kong hindi totoo to. Papatunayan ko na pinaglalaruan na naman ako ng aking isipan! HINDI MO NA AKO MALOLOKO!!!!”

FADE TO BLACK

day01

a picture of yourself with fifteen facts
i really don't know what facts about me to enumerate, maybe random thoughts will do...
but first here's my first photo revealed. *i'm not a poser btw LOL* ako talaga yan!

this was taken during my sister's prenuptial pictorial @sagñay, camarines sur.
pinili ko talaga yung malayo ang kuha at yung siguradong di pa nakikita ng iba.

  1. malayo na ang itsura ko ngayon sa kung ano mang mukha ang nakikita ninyo sa itaas
  2. kakaiba ang puso ko kung magmahal, magulo at baka hindi mo lang maintindihan
  3. di mo nanaisin na magalit ako yung seryoso, it would take at least a year of cold war
  4. di ako kumakain ng... itlog, isda, atay, isaw, di rin ako nagkakape, gatas lang okay na
  5. mahilig ako sa mga gamit na kulay puti at mga nakakulay puti, wahahahahahahahaha
  6. si Adele ang paborito kong singer at lahat ng kanta nya, relax at makahulugan
  7. may pagka anti-social ako, hangang 10 tao lang ang kaya kong itolerate sa paligid
  8. mabilis mag-shift ang mood ko, kaya wag kang tanong ng tanong naiirita ako minsan
  9. sa paborito kong # pumasok sa isip ko, Iris ang pangalan ng una't huling tunay na ♥ ko
  10. hindi ako umuupo sa bowl kapag tumatae, malamig sa puwet kaya frog sit ang style ko
  11. hindi ako kumakain ng ano mga maaanghang na pagkain, sakit sa ulo at bagang
  12. pangarap kong maging singer, at natutuwa ako sa mga taong hindi nagagalit sa boses ko
  13. ayoko sa lahat yung sinasagot ako ng Ok, hindi ka nalang sana sumagot, naaasar lang ako
  14. huwag na huwag mo akong hahawakan sa paa kapag natutulog, baka samain ka sa akin
  15. yes last na! hindi ako naniniwala sa sinasabi nilang diyos, may sarili akong konsepto ng Diyos.

showTIME

halos six months na pala simula ng maumpisahan ko ang blog na ito
nakalimot na rin nga ako na si ate NIKKI ang dahilan bakit nag-blog ako
masaya pala talagang magblog mas nai-express mo ang sarili mo
katulad ngayon pangatlong blog entry ko na ito sa araw palang na ito
mas may kabuluhan ang pagba-blog kaysa sa FB o TUMBLR lang
minsan nga naiisip ko, okay na rin naman na walang Social Net Site
mas pribado dito at yung mga taong nagbabasa hindi mapanghusga
hmmmmn ika 50 blog entry ko na pala ito mula noong February
at ang dami ko ng naisulat pero ni isa wala akong sariling litratong nailagay
tanging picture lang ni PAENG at yung mga babaeng aking pinapahalagahan
ngayon, gusto ko naman ishare yung mukha at mga pangyayari sa buhay ko
kilala nyo na naman siguro ako, pero ewan gusto ko mag-post ng mga litrato
maganda rin sana yung ideya na pa-mysterious effect kung sino ang blogger
pero mas maganda yung ideya na CUTE pala at GWAPO ang blogger. JOKE!
kaya sa mga susunod na blog post ko, abangan nyo ang pictures ko
gagawin ko ang pagpapaskil nito in ELIJAH's way, ganito yun:

100 DAYS OF A PICTURE OF...

Day 01 - A picture of yourself with fifteen facts
Day 02 - A picture of you and the person you have been closest with the longest
Day 03 - A picture of the cast from your favorite show
Day 04 - A picture of yourself and a family member
Day 05 - A picture of your favorite memory
Day 06 - A picture of a person you'd love to trade places with for a day
Day 07 - A picture that makes you laugh
Day 08 - A picture of your most treasured item
Day 09 - A picture of the person who has gotten you through the most
Day 10 - A picture of someone you do the craziest things with
Day 11 - A picture of something you hate
Day 12 - A picture of something you love
Day 13 - A picture of your favorite band or artist
Day 14 - A picture of your favorite store
Day 15 - A picture of something you want to do before you die
Day 16 - A picture of someone who inspires you
Day 17 - A picture of something that has made a huge impact on your life recently
Day 18 - A picture of the sexiest Woman alive
Day 19 - A picture of something you love to do.
Day 20 - A picture of somewhere you'd love to travel
Day 21 - A picture of something you wish you could forget
Day 22 - A picture of something you never leave the house without
Day 23 - A picture of your favorite book
Day 24 - A picture of someone you miss
Day 25 - A picture of you from last year
Day 26 - A picture of something that means a lot to you
Day 27 - A picture of your favorite night
Day 28 - A picture of your favorite place in the world
Day 29 - A picture that can always make you smile
Day 30 - A picture of your favorite quote
Day 31 - A picture of food you made
Day 32 - A picture of what you did today
Day 33 - A picture of somewhere you went today
Day 34 - A picture of your favorite morning
Day 35 - A picture of your hometown
Day 36 - A picture of your pet
Day 37 - A picture taken at school
Day 38 - A picture of your favorite drink
Day 39 - A picture of your favorite food
Day 40 - A picture of your friends
Day 41 - A picture of your favorite weather
Day 42 - A picture of you listening to music
Day 43 - A picture of you celebrating
Day 44 - A picture that describes your life
Day 45 - A picture of your favorite cartoon character
Day 46 - A picture that you edited
Day 47 - A picture of your favorite animal
Day 48 - A picture of you more than 10 years ago
Day 49 - A picture of you and your best friend(s)
Day 50 - A picture of yourself
Day 51 - A picture of you wearing sunglasses
Day 52 - A picture of you dressed up
Day 53 - A picture of you in a car
Day 54 - A picture of you on your last vacation
Day 55 - A picture of you with a date
Day 56 - A picture of you all bundled up
Day 57 - A picture of you in your backyard
Day 58 - A picture of your hair all done
Day 59 - A picture of you at prom
Day 60 - A picture of you at a sports game
Day 61 - A picture of you on a ride
Day 62 - A picture of luggage
Day 63 - A picture of you at work
Day 64 - A picture of you at a park
Day 65 - A picture of you in the air
Day 66 - A picture of you doing something childish
Day 67 - A picture of you falling
Day 68 - A picture of you outside
Day 69 - A picture of a crazy night out
Day 70 - A picture of someone you don't go a day without talking to
Day 71 - A picture of you with people you work with
Day 72 - A picture of you with unbelievable scenery
Day 73 - A picture of you somewhere warm
Day 74 - A picture taken professionally
Day 75 - A picture of you receiving a reward
Day 76 - A picture of you drinking something
Day 77 - A picture of you and friends making silly faces
Day 78 - A picture of you in the dark
Day 79 - A picture of you in the water
Day 80 - A picture of you and someone you love being silly
Day 81 - A picture of you with a character
Day 82 - A picture of someone you love asleep
Day 83 - A picture of you and a teammate
Day 84 - A picture of a school project
Day 85 - A picture of your favorite holiday
Day 86 - A picture of someone who helps you with school
Day 87 - A picture of someone you grew up with
Day 88 - A picture of your dream car
Day 89 - A picture of you at a hotel
Day 90 - A picture of you wearing your favorite color
Day 91 - A picture of you and your friends playing a game
Day 92 - A picture of your school
Day 93 - A picture of your favorite board game
Day 94 - A picture of you and your friends eating
Day 95 - A picture of you on a plane
Day 96 - A picture of your favorite movie
Day 97 - A picture of something you no longer have
Day 98 - A picture of you and your friends out somewhere
Day 99 - A picture that was first on your facebook.
Day 100 - A picture of you smiling



Day 1 starts tomorrow at sa wakas malalait nyo ang pictures ko. ^_____^