7eleven

hindi naman ako yung tipo ng tao na babad lagi sa inuman
sa katunayan nga bibihira lang ako kung pumatol sa alak
minsan lang ako uminom at makipag-inuman sa buhay ko
pero ngayong gabi sagot ko ang inuman naming magpinsan
ewan ko ba kung anong pumasok sa kukote ko at nagyaya ako
siguro dahil mapera ako ngayon at feeling ko nasa kondisyon ako
nakailang bote na kami ng beer, siguro pangatlo o apat ko na to
pauli-ulit parin umiikot sa isipan ko ang mga pangyayari kanina
hindi ko mawari ang sarili: sa dapat gawin at reaksyon na ipakita
pinagtatagpo pa yata kami ni tadhana, pero sa mga di inaasahan
mga di inaasahan na muli kaming magtatagpo, at hindi siguro dapat

kakagaling ko lang sa banyo para umihi at nakailang tungga na ako
nakaidlip na nga ang pinsan ko, lasing na siguro ang loko-loko
pero ako buhay parin na nag-iisip ng tungkol sayo, tungkol sa atin
hay nagmumukhang gago na naman ako, at nagsalita ang pinsan ko
"16 daw at ewan di ko na naintindihan" siguro sa 16 may magaganap
aasahan ko ang pagdating at pagkikita nating muli sa darating na 16
sana makapag-usap na tayo ng maayos at ibuhos mo ng lahat sakin
handa naman akong tanggapin basta para sa ikaluluwag mo
kasalanan ko naman talaga siguro, kasalanan ko ang lahat lahat
pasensya kana kung nagkakaganito ako, baliw na yata ako
nag-iilusyon parin ako na balang araw tayo parin sa huli
sa huli na kahit walang ginagawa at pinagpapaguran ngayon
puro kasi ako ganito at ganito, hindi ako marunong magmahal
tulad ng pagmamahal na karaniwang naibibigay ng normal na tao
kung mababasa mo man ito sana naintindihan mo ang nais ko.

hindi ko naman ipinagkakait ang sarili ko na maging magkaibigan tayo
muli muli sa pagkakaibigan naman talaga nagsimula ang lahat
at kung di papayagan ni tadhana, sana magkaibigan parin sa huli
kausapinm mo ako, magalit ka, basta marinig ko lang boses mo
lasing na siguro ako!

LASINGGERO ka ngayong gabi. =p