emo si Eloy?

*mmmn*

ang buhay ko?!
di kasing kulay ng buhay ng iba,
simple lang walang kakaiba..
walang maipagmamalaki..
okay lang naman sakin kahit na ano..
basta nandyan ka, masaya na ako..

*sigh*

di man maging tayo,
magpapasalamat parin ako..
magkaibigan parin tayo..
at sa paraan mo..
naaalis lahat ng takot ko..
magpapatuloy ang buhay ko..

*deep sigh*

ang buhay ko?!
nawalan ng sigla ng mawala ka..
buhay na sana maayos na..
baka sakaling sa pagkakataong ito..
maging sapat na ako sa pag-ibig mo..
maging karapat dapat para sayo..

*deep big sigh*

di man maging tayo,
ok lang walang problema..
sa panaginip nalang kita isasama..
malay mo sa ikalawang buhay..
doon may isa pang ikaw naghihintay
sa ating huling pag-asa.

*cry*


di ko maalala kung kailan, kung para kanino, at kung anong dahilan kung bakit naisulat ko ito, siguro mahal na mahal ko at napakahalaga nung tao na aalayan ko sana nito. ayoko na sigurong alalahanin, bukod sa napaka-korni na, masaya na ako ngayon. ayos na siguro yun. n_n

♥ tediBEAR

maiinis na sa'kin ang lahat pero hindi siya,
kasi mahal niya ako at siguro magkaugali nga kami.

Nang una ko s'yang makadaupang palad di ko lubos akalain na malayo at magiging malalim ang aming pagsasamahan, di naman kasi s'ya ganun ka-attractive (LOL) pero alam kong mabait siya.

Sa pagpasok ko sa lungga isa sya sa mga unang nagpakita at nagparamdam sa akin na ako'y may halaga at importante rin kahit papa'no sa buhay nila.

Kaya bilang pagbibigay pugay sa babaeng walang kapaguran sa buhay, babaeng di nasasawa tumambay sa office may ginagawa man o wala, babaeng ubod ng bait pero saksakan naman ng korni, babaeng siguro takot ng ma-inlab, at babaeng madami kang masasabi na maganda at kapuri-puri tungkol sa kanya.

Heto, ang entry ko sa ngayon ay inaalay ko sakanya kasabay ng pagbabago sa kanyang buhay. (sana magustuhan mo kahit churva churva lang)

Higit sa lahat at bago ang lahat, dalawang bagay pa ang hindi ko maipaliwanag kung bakit nga ba: siya ang isa sa mga babaeng patuloy nagpapatibok ng puso ko, at isa sa mga dahilan ko para bumangon sa araw-araw.

Kaya ito, gumawa na naman uli ako ng isang maikling presentasyon para sa ikatlong babae na bibigyan ko ng buhay sa walang kwentang blog ko.




SALAMAT sa lab, hugs and smile mo mamaBEAR,
you are one of those beautiful things,
that happened in my college life
and made it so worthwhile.
LOVElots!