Single Blessedness
Unknown
Friday, March 02, 2012
"I don't like to be labeled as lonely or bitter just because I am single.” It’s a totally different story. Someone close to me once asked “ Hindi ka ba nalulungkot na single ka pa rin? matatapos na ang college! I just smiled and said “Nooo!.”Going back to the question, hindi nga ba ako nalulungkot dahil single ako. Seriously? Does the question really makes sense? Oo? Hindi o Pwede? O sige pwede mag explain nalang?
Sa palagay ko hindi tama ang tanong. Mas tama ata kung tinanong niya ako ng “Bakit single ka pa rin?” Hindi ba merong mga nasa relationship na malulungkot? 79% ng mga in a relationship malungkot, saan galing ang statistics ko? Wala naisip ko lang. LOL
I’m in my adolescent stage, according to Erik Erikson’s psychosocial theory I’m in the stage of love: intimacy vs. isolation. Oo inaamin ko meron akong heart-breaking and unclosed past love experience kaya siguro ako nasa isolation stage ngayon; being single.
Pero bakit ko naman pipilitin ang sarili ko to be in a relationship just to be “in” or "happy"? I don’t understand why people try to desperately fall in love just to be in a relationship. I guess I’m completely different, you know, just trying to make a good living, first things first and trying to find the right girl, ayaw ko naman ng kung sino sino na lang. I want her to be the one and the best one for me.
Love has its seasons, ika nga panapanahon lang, ngayon masaya kayo, bukas mas masaya kayo, sa isang bukas hindi na kayo masaya, sa isa pang bukas umiiyak ka na. At ang pag pasok sa isang relasyon ay isang malaking responsibilidad, it’s not a game na pwede ka mag times up pag pagod kana at aayaw kasi gumagabi na. Yung iba just go with it nag lalaro lang, hindi ko gusto yun. Dahil siguro I’m a victim of it ayaw ko iparanas sa iba yung tinatawag na heartbroken for a thousand years and still hoping blah blah blah.
Sa palagay ko hindi pa rin ako handa sa responsibility na iyon. My priority now is studies, parang ganito lang yan, magsusuot ka ba ng cocktail dress or coat & tie kung hindi ka naman mag-aattend ng debut? kung pupunta ka lang sa school at mag aaral? Isa pa hindi naman ako pwedeng humuli ng dalawang manok ng sabay. Kapag ginawa ko yun, I’ll lose on both. Ang ibig kong sabihin kung ano ang priority ko, I’ll be just good at it. For now school and career, pag love na ang priority ko, I’ll love her 101%.
Gusto kong sumagot ulit sa kaibigan kong nagtanong. Smile lang ulit then sagot ng “Nooo!”. Marami pang rason para maging masaya ang isang tao. Hindi lang din naman pag-ibig ang nagpapaikot ng mundo. Teka baka na misunderstood niyo na ako. I still want to date girls, trying to find the right girl nga ehhh!!!!