Cool-For-School
Unknown
Monday, September 19, 2011
Minsan ang boring na pumasok sa school lalo na kung paulit ulit nalang ang mga nakikita mo, ulit ulit ang mga teacher kakasermon dahil hindi nagbasa at gumawa ng assignments, ulit ulit kakasuot ng ampanget at mainit na uniform, ulit ulit ang pagkain sa canteen, hay naku parang unli lang, tapos yung mga crush mo naman once in a blue moon lang kung makasalubong mo kasi bored din pumasok, hay buhay!Ano kaya kung sa pag-advance ng technology at sa paunti-unting pagiging liberated ng mga tao ay ang pagbabago rin ng mga kaganapan at sistema sa loob ng mga paaralan. *nice idea* hayaan nyo pag ako naging SSG president papataubin ko ang mga platform ng ibang kandidato, sisimulan ko sa Ateneo de Naga ang pagbabago para gayahin din ng ibang schools. *malay natin epektib* hahaha
*Sample campaign speech*
Magandang araw po sainyong lahat, isang pagbati mula sainyong Presidente sa hinaharap, at salamat sa inyong pagdating, ngayon nais kong malaman nyo ang aking mga plano sa ating mahal na paaralan, ang aking mga adhikain upang mas maging masaya at mahikayat ang bawat estudyante na pumasok sa iskul araw-araw kahit holiday, perfect attendance ika nga.
----> Mga bagay na imumungkahi kong magkaroon sa Ateneo pati narin sa lahat ng schools sa buong Pinas para ebribadi HAPPY.
- Elevators at escalators
- Wi-fi na walang restrictions
- Fountain na softdrinks ang lumalabas
- Aircon hanggang sa hallway
- Clearance sa mga teachers na yung mga estudyante naman ang pipirma
- Grade para sa subject na break/recess/activity period
- May flag ceremony uli pero araw-araw may guest na artista
- Free starbucks coffee every morning
- Silid tulugan
- University honor roll na pababaan ng grades
- Film viewing sa tuwing may bagong labas na pelikula
- Intrams na ka-team mates mga sports icons
- Birthday gift sa bawat estudyante galing sa admin and staff
- Isang building ng mga sikat na restaurants offering student meals
- Enrollment gamit ang facebook
- I.D na digital depende sa new update na vain pix mo
- Every quiz may premyong 1 million para motivated mag-aral
- Lockers na may dry wash
- Robots na taga pulot ng mga kalat
- Undergraduate thesis tungkol sa trending issues sa twitter
- Student directory na pwedeng mag-iwan ng message sa crush mo
- Gelpren/Boypren mo teacher mo!
- to be updated.....
Oh ano! inaasahan ko po ang mainit nyong suporta sa darating na eleksyon at aasahan ko po na pangalan ko ang una sa inyong listahan, hahaha manalo pa kaya ako, mmmn isang walang kwentang blog na naman ito, nakakatamad kasi pumasok bukas after a very long weekend. :DDD