Showing posts with label wala lang. Show all posts
Showing posts with label wala lang. Show all posts

Just Posting

Kumusta na?!


Anong bago?!


Ilang linggo na rin pala na wala akong dalang balita...


Magtatapos na ang Hunyo...


Nagdaan na ang Birthday ko...


Gasgas na ang pagkakuha ko sa Trabaho...


Eto parin ako!


Hayaan nyo kapag nagka-oras ako, susulat ako...


Sadyang malungkot lang and buhay na sinisimulang tahakin ko.


Pili Not

Araw ngayon ng kalayaan ng Pilipinas... Mabuhay ang mga Pilipino... Pero wala akong maisip i-blog patungkol dito... Hayaan nyo nalang akong magbuhos ng ilang bagay na gumugulo sa aking mumunting isip.

***
Minsan sa buhay, hindi natin maiiwasang maharap sa isang sitwasyon kung saan kailangan tayong pumili. Mahirap lalo na kung ito ay sa pagitan ng dalawang bagay na sa tingin natin ay parehong may mabuting maidudulot. Pero gaya ng mga exam sa eskwela, bago matapos ang inilaan na oras ay kailangan nating magdesisyon kung nais talaga natin makakuha ng mataas na marka.

Kamakailan lang, naharap ako sa parehong sitwasyon. Isang desisyon na magdidikta sa aking kinabukasan...

Siguro para sa ibang tao madali lamang itong pagdesisyunan. Pero para sa akin, isa ito sa mga bagay na lubos akong nahirapan. Alin ba ang mas makakabuti para sa akin: ang mag-aral muli sa pag-asang balang araw ay may naghihintay na mas magandang opurtunidad, o ang simulan na ang paghahanap sa swerte at unti-unting ipundar ang mga pangarap? Mahirap sapagkat lubos akong napamahal at pinapahalagahan ko ang pag-aaral. Mahirap sapagkat masyado pa akong bata para magtrabaho pero kinakailangan.

Salamat sa payo at yakap mula sa isang espesyal na kaibigan. Ang sabi nya sa akin, "Aw. Huuugs. Siguro ganito nalang, kung 50:50 ngayon ikaw. Kapag nakapili kana kung ano talaga. Do your best to make that 50% a 100%. Para no regrets in the end."


Sa tulong niya'y nakapagdesisyon akong piliin ang pangalawa. Hindi ko alam kung bakit, basta sa mga panahong iyon kumapit nalang ako sa paniniwalang magaling at mahusay ako. Tiwala lang sa sarili ang pinaka-kailangan ko.

Makalipas ang ilang araw, heto na naman ako. Muling nahaharap sa parehong sitwasyon ngunit magkaiba lang ang pagpipilian. Ang sabi ko noon, "Sa panahong kailangan kong pumili, kailangan ko lang isipin kung alin yung mas makapagpapasaya sa akin kaysa doon sa pinaka best." Ngunit mukhang hindi talaga sa lahat ng bagay maisasabuhay mo ay iyong mga paniniwala. Sa sitwasyong ito'y pareho silang makapagpapasaya sa akin, sa magkaibang aspeto nga lang. Oh kay hirap pumili: passion without any costs or work with fulfillment?


May kalabuan kung titignan. Maganda siguro kung dadaanin natin sa lenggwaheng karamihan sa atin ay nasa edad na para maintindihan... Ganito yun!

Parang pag-ibig lang, alin mas pipiliin mo sa dalawa?! Yung tao na lubos mong mahal at matagal mo na ring pinapangarap pero sa kabila ng lahat hindi ka naman magawang suklian kahit kakarampot na pagmamahal. O kaya naman, sa isang tao na minamahal at pinapahalagahan ka, at sa tingin mo'y hindi naman malayong mahalin mo rin.

Sagot ng isang kaibigan, "Ang hirap naman. Pero sa tingin ko, dun parin ako sa una. Hindi naman kasi  kailangang suklian ang pagmamahal . Siguro magiging masaya nalang din ako kapag nakita ko siyang masaya kahit sa  piling ng iba. Baduy pero sa tingin ko iyon ang ibig sabihin ng tunay na pagmamahal."


May punto siya...


Opinyon naman ng isa pang kaibigan, "Hindi mo masasabing pagmamahal ang isang bagay kung may isang taong nasasaktan. Kaya nga siguro may mga taong pilit na kinukumbinsi ang sarili na okay lang ang lahat kahit hindi naman. Sa tingin ko, ang tunay na pag-ibig ay ipinaglalaban sapagkat hindi ito isang bagay lamang na kapag hindi mo na kayang hawakan ay basta mo nalang bibitawan."


May punto rin naman siya...

Ako? Ano namang masasabi ko patungkol dito?! Siguro gaya nalang ng paulit ulit kong sinasabi, "Ang pag-ibig kailangan magsimula sa sarili. At sa pagtatapos ng araw walang ibang makapagsasabi kung sino ang nararapat para saiyo, walang iba kundi ang sarili mo. Hindi ang nanay mo, ang tatay, kuya, ate, tito, tita o kung sino mang poncio pilato. Ikaw ang mas nakakakilala sa sarili mo higit kanino man, IKAW dapat ang may alam sa kung saan o kanino ka tunay na magiging maligaya."


Hanggang sa ngayon wala pa akong pinal na desisyon. Hindi ko pa mahanap ang aking sarili upang magdesisyon para sa aking sarili. Kahit alin man siguro ang piliin ko sa dalawa, naniniwala parin naman ako na lahat ng bagay ay nagtatapos ng maayos. Mukhang masyado na naman akong sinisipagan magpahayag ng aking mga saloobin. Bago pa mapunta ito sa kawalang kwentahan, maiging tapusin ko na dito. Makakapili rin ako!



Let it rule me


I am not a firm believer of God. I actually have hundred times told myself that there is no such thing as God. But just in case, there is, I will “LET GO, LET GOD” rule this life that I have.

.
.
.
.
.


Minsan talaga may mga salita kang nabibitawan sa panahong bugnot na bugnot kana kakahintay sa isang bagay na parang wala naman patutunguhan, kahit ito man ay labag sa mga paniniwala mo. *tatawa nalang!



shutang inang power ranger


this
is
a
sh*t
post


Kahapon habang papauwi ako galing sa belabed university (nagccomplete palang ng clearance), sumakay ako ng van para naman mas kumportable kahit medyo may kamahalan. Nag-uumapaw ang happiness ko sapagkat madami akong nakatagpo at nakakwentuhan na matagal ko ng di nakikita.

Sa kasamaang palad ang happiness na iyon ay di nag last until the end nang may isang lasing na power ranger (foreigner) na may kasamang mukhang matronang pokpok na pinay na bababe ang sumakay din. Gusto pa sanang tumabi sa akin pero nagdesisyong umupo nalang sa aking likuran.

*Luntian* akala ko kung anong magalaw, *shutang ina* nagchuchuvaneknek (finger-licking good)  na ang dalawa. Di ko na pinansin kasi lasing naman, hanggang sa nagttrash talk na yung power ranger at ang babastos na ng mga salitang ginagamit. *nakikita ko sila mula sa front mirror*

power ranger: ah that place sucks, but there's a lot of virgin faces!
matronabels: no honey, they were just there to have fun
power ranger: oh come on, they are just there to fuck around

*what the F*

matronabels: sssh don't talk like that, you're already drunk
power ranger: i am not drunk you dick sucker, you're face is not virgin anymore
matronabels: your girlfriend might get angry if you tell the same to her
power ranger: shut up, i give you 100 euro to follow me, so don't stop me, buy me a coffee
matronabels: okay okay i give you freedom, manay sarong coffee man

*nag-iinit na ang ulo ko* letsugas para lang sa 100 euro na halos katumbas lang ng 6,000 nagpapaalipin ka, *packing-tape* tama na at wag nyo ko hayaang sumabog

matronabels: be careful it's hot honey
power ranger: mmmn this taste good what this?
matronabels: coffee honey, it's kopiko
power ranger: mmmmn *while touching the lower part of the matrona* oooh

*lang ya talaga di pa tumitigil*

matronabels: honey baka matapon sakin *natapunan na talaga sa hita* shit sabing mainit, it's hot
power ranger: hahahaha no it's not hot, look you're wet already
matronabels: yes i'm wet, hahaha be careful honey you want another coffee
power ranger: *touching again the matrona's body* aaah pull it down *natapunan uli*
matronabels: shit talaga sabing mainit, honey i said it's hot can't you see *walk out palabas*
power ranger: then go leave, i don't care to you whore

*Shutang ina talaga di na ko ni respeto* bat kasi ang tagal ng ibang pasahero. Until may mga sumakay na mga matatanda, pero yung matrona nasa labas lang nagpapatuyo. Habang yung foreigner naman pakanta kanta lang tapos biglang may sumakay na dalagita at biglang dinilaan sa tagiliran sa bandang may puwet *sumigaw yung babae* *nagalit ng kaunti* tapos wala na di na nagreact yung babae. *Animal talaga* pati yung babae nakakainis parang wala lang nangyari.

Nang papaalis na yung van... Nagsuot na ko ng headset para matigil na ang mga napapakinggan ko at itutulog ko nalang. Bago paman ako makapaglagay ng headset nagsalita yung power ranger...

power ranger: come on get those headset on, oooh i'm cumming *looking towards me*

Wala na, napuno na talaga ako. Alam nyo na ang mga sumunod na nangyari at walang nakapigil sakin. LOL Paubusan to ng english at lakasan ng loob kahit malaki sya sakin. Hanggang sa natahimik na ang lahat. Nilagay ko na ang headset ko at nilakasan ang vulume tapos natulog na. *di ko na alam kung ano na nangyari dun sa power ranger* Mga ilang minuto na, i can feel his knee on my back, magalaw parin. Inalis ko yung headset ko.

power ranger: stop the car, stop the car i'm going to pee.
ako: NOOO! don't stop the car, if you want to pee, wet on your pampers. LOL *natatawa na ko*
power ranger: please stop the car or else i'm gonna pee on this cup *nilabas yung pinagkapehan nya*

*the car stops* ang tagal nya umihi, kaya itinulog ko nalang uli. Naririnig ko yung mga matatanda kinakausap yung matrona. Italyano raw ang nationality at pasensya na raw kasi hungkag na ang ulo nu kasi lagi may kainuman. *Ahem ahem italyano pala* Tinext ko yung ate ko kasi marunong sya magsalita ng Italian, tinanong ko kung anong mga mura sa sa italyano.

Nang pababa na ko ng van di talaga ako nagpapigil, nagpahabol pa ako.

ako: you PORKA PUTANA! (son of a bitch) *sabay tulak ng pinto ng van*

____________________________________________________

Naku naku nag-init lang talaga ang ulo ko, gusto ko man magalit dun sa matrona kaya lang tingin ko ginusto nya naman yun. Nakakainis lang kasi may mga ganitong mga Pilipino parin na nagpapakababa para lang sa pera. Yung mga matatanda tuwang tuwa pa dun sa power ranger, di man lang nila narerealize na binababoy na sila in a way. Binastos bastos na, tinapon na ng kape, pinagsamantalahan na, binaboy na, di na nirespeto, pero yung mga kasakay ko at lalo na yung mga matrona parang wala lang.Hay naku naku sumakay nga ako ng Van para iwas stress, mas lalo tuloy ako na-stress, di na rin naman ako bumaba kasi last trip na yun, kung jeep o coaster bus naman mas lalo lang stress at haggard pa.

Hay ewan, bakit kay rami paring Pilipino na takot at di kayang ipaglaban ang sarili. At masyadong duwag kalabanin ang dayuhan na kahit mali na ang ginagawa, imbes na magalit natutuwa pa. *packing-tape na buhay to oh* Ayoko na nai-stress lang ako alalahanin.

THE END




try lungs!

  1. Not everyone has to listen to me.
  2. Not everyone has to stay with me.
  3. No one has the obligation to obey me.
  4. No one needs to please me.
  5. and that … “He, she, and you” are not me.

I guess this is the right time to start eliminating my not so good attitudes; being obnoxious, arrogant, egocentric, self-centered, eccentric, egocentric, egoistic, ego-maniacal, egotistic, egotistical, grandstanding, having a swelled head, inward-looking, know-it-all*, narcissistic, on an ego tripper, self-absorbed, self-indulgent, self-interested, self-involved, selfish, self-seeking, self-serving, self-sufficient, stuck on oneself, anti-social, wrapped up with oneself and many more...

What do you think?!



starbucks (is-tar-baks)

Walang labing nagnais ng kapeng poot tamis,
Walang dila ang nag-asam ng haring lubos pait,
Walang paglasap ang mapaso’y panalangin,
Walang paghigop na hiling ay lamig.

Lahat ay nakatikim ng kapeng timpla ng langit.
 ____________________________________

Kung iintindihin ang bawat bitaw ng salita,
Ang kulay itim tuluyang mabubuksan ang diwa.



Naman OH!

Minsan gusto kong gayahin si Jose Rizal, nasabi nya lahat ng gusto nyang sabihin…

Magawa ko kaya sabihin lahat, kahit kapalit nito ay ang aking kapahamakan…

Magawa ko kaya ipagpalit ang kinabukasan ko at ng aking pamilya sa pagkakadinig ng aking mga hinaing sa buhay?

Makita kaya nila ang aking nakikita o pipilitin lang akong tingnan ito sa ibang paraan?

Buhay nga naman…

*Letsugas*

*Linsyak*

*AnakngPut*

Oh kay hirap na...

O sadyang ang dami ko lang reklamo sa buhay!



welcome HOORAY!

i wish for us ALL to welcome 2012 with SMILE on our beautiful faces!


it's year of the water dragon and i can feel the pressures as well as the pleasures
i also feel very lucky this year  and quite positive about getting the things i want 
hope that this year will be EPIC and will make history in my life. HOPEFUL!
CLAP CLAP CLAP HOORAY!!!


year ENDER

2011 has been the best year yet in my entire life with so much ups and downs that unleashed the best in me. And I am positive enough that this coming of year twenty-twelve it would be EPIC!

Bucket List for 2012 will be revealed soon (to be updated) ...

P.S
i am also very happy to noticed that i was able to wrote 100 blog posts (including this) for the entire year, for an amateur blogger like me i might consider it already as an achievement, and by the way THANK YOU so much to all the people who visits my blog daily, weekly, monthly and yearly, you're one of the reason why i am doing all this stuff.

HAPPY NEW YEAR!


*arrrggh*

this layout still sucks
i can't find the right template for me
i want my pic on top & the colors will be just black & white
waah i want to scream out, i can't start writing because of my OCness
please help me find a new layout for my blog, please please or you can make one for me!


yehesss

At parang si Vice Ganda lungsss na nagsi-celebrate ngayon sa pagkakaroon ng isang milyong followers sa Twitter, mahigit tatlong milyong kaibigan sa Facebook, at daan-daang milyong kita ng kanyang pinaka unkabogable na pelikulang Praybeyt Benjamin. Ako rin po ay lubos na natutuwa sapagkat as of 11:00pm November 07, 2011 ay mayroon na po akong nag-uumapaw na 1000 page views. Nakakatuwa lungsss isipin na may iilan na patuloy binabalikbalikan at binabasa kung sinisipagan ang aking blog site. Sigurado akong masayang masaya rin si Paeng. SALAMAT! n_n



yeah1000

In high school i'm not fond of writing about myself not until i step into college where pressures are bombastic. I seek for place to express and let go of my emotions. Luckily, someone asked me to create my own blog site because it would really help and she'd love to read what's on my mind. So here i am, it's been nine months since from the day i started to blog mostly about myself, and now with 91 posts already and still counting. I never expect this would be a lot of fun and much more interesting than having any social networking sites like Facebook. Moreover what i love about blogging are my readers and visitors who appreciate my works. Yeah Yeah Yeah and to tell you...

5 more to go and i'm hitting 1000 page views. ACHIEVEMENT for an amateur and trying hard blogger!

Thank YOU  much much :)))


FBactivated

in just a short while, i'll be reactivating my Facebook account
hello Philippines and hello world, i'm back after a couple of months
but as i said, this is just temporary because of the AdCon 2011
excited to explore the new environment and the latest features
been also *kulit* by my friends to upload our photos & videos
will also add new friends and update everything about me
only 7 minutes remaining before November 1 and i need to go
catch me out there and see you later!




Email   neecu_09@hotmail.com  
Password   **********  



day07

a picture that makes you laugh
i am mean, i am a perfectionist and a criticizer of the world
but i know how to respect myself & people in a much greater sense
that's why i find hard to look for the required photo in this entry
call me boring but pictures are just good or bad pictures
and that they don't deserve a laugh, except for those made for fun.


Sorry, i can't really pick any picture that makes me laugh out loud. So I just put a blank photo anyway.  But if you really want  to see pictures that will surely make you laugh, visit Hay! Men! Ang Blog ng mga Tunay na Lalake!  They have a lot of that. LOL  :)


changeSKIName

i damn want to change the layout of my blog
i want something simple and sophisticated
with my b&w picture on the topmost part
and also changing the name is part of the plan
soon as i learn how to put my pictures on
soon as i found a plain or black layout
the nature of my blog site will be much more exciting
talking about LOVE, FAILURES, DREAMS and etc.
i want some big changes, i want some modifications
can you help me find a new layout & name for my blog?

*sigh*

anyways on November 1 i'll be reactivating my FB account
due 'til November 20 because of  the National AdCon 2011
see you there! :)


ewanSAKIN

Hello. So it’s been fourteen days since I last posted an entry here. I don’t know what happened to me this past few days.  Preoccupied that I ran out of writing juice, I guess. Madami naman nangyari, but nothing exceptional. Also, it's been two weeks already since the start of the semestral break but today is just my first day.

*sigh*

Ang dami na palang nangyari at nagbago makalipas lang ang ilang linggo. Naninibago nga ako sa mga kaganapan pag-uwi ko sa bahay kaninang hapon. Di ko maunawaan ang mga tao sa paligid ko, o sadyang sa loob lang ng ilang araw ako ay biglang nagbago.

*sigh*

It's already 12:33am on my clock but still i am wide awake. I can't help but to open the computer and start to write stupid thoughts. For the past weeks many things happened and I supposed to do a separate entry about them. However, the momentous feeling has gone to my mind already and i can't barely remember anything in particular except for the fact that i was very very happy and willing the last days of my life.

*sigh*

Punong puno ang utak ko ng kung anu-ano na di ko na alam kung ano lang ang dapat isipin. Ang gulo lang parang mga balita sa radyo at telebisyon. Gusto ko ng magpahinga pero ayaw tumigil ng utak ko sa kakaisip ng mga walang kwentang bagay. Gusto ko man umiyak sa isang tabi gaya ng ginawa ko ilang araw na ang nakalipas, ay hindi ko magawa ngayon. Nakakabad trip lungss, sana bukas magbago na ang mood ko.

*sigh*

*sigh*

*sigh*

Randomness envelops me and my brain, and that i'm sure my brain is connected to my heart. I badly need a psychologist right now. Am i bothered or what? Am i hallucinating or not? Am i over reacting? Hell yeah i can feel mixed emotions right now: love, heartache, happiness, envy, relax, disturb, chill and a whole lot more. Fuckin shit i need to find myself tomorrow. For now good night. >.<
________________________________________________________

P.S
Maybe my mind calls for another drama and ask me to talk regarding my experience of Love, Pain, Dreams and Failures. Okay that would be good for my next blog entries.