opmBLUES

Out of the blue, i appreciate two Tagalog songs which for some people may consider quite *corny*. It's not about the lyrics of the song or neither the artist  but primarily of its distinct melody. I just love the way it sounded and the way the music video was interpreted.  Some of the lyrics were also good and straightly composed from the heart... 

Umiiyak ka na naman mahal
Lagi na lang ika'y nasasaktan
Sabi niya
Di ka iiwanan
Ikaw ay nabigo
Kayo'y nagkalayo
Ako'y nahihirapan
Pag ika'y nasasaktan
Kung pwede lang naman
Sa akin ka nalang

Magtatagpo din tayo
Magkaiba man ang mundo
Magkalayo man ngayon,

Marami mang hadlang
Magtatagpo Din Tayo
Alam kong ako’y Lumisan
Hindi Din Kita Iniwan Kahit Kailan

changeSKIName

i damn want to change the layout of my blog
i want something simple and sophisticated
with my b&w picture on the topmost part
and also changing the name is part of the plan
soon as i learn how to put my pictures on
soon as i found a plain or black layout
the nature of my blog site will be much more exciting
talking about LOVE, FAILURES, DREAMS and etc.
i want some big changes, i want some modifications
can you help me find a new layout & name for my blog?

*sigh*

anyways on November 1 i'll be reactivating my FB account
due 'til November 20 because of  the National AdCon 2011
see you there! :)

unREASONable

di ko sinasadyang mahalin sya, minahal ko lang sya dahil nagbigay sya ng rason para mahalin ko sya.
wala namang kakaiba ng una kong makita ang simpleng picture nya
ni hindi ko nga napansin ang natatanging kagandahang taglay nya pala
nais ko lang makipagkaibigan at makipag-usap, walang halong pagnanasa


ilang buwan na halos ikaw ang ka-text, siguro wala lang mapaglibangan
o sadyang tayong dalawa lang ang nakakaintindi sa ating pinagdadaanan
hanggang sa unang pagkikita dun na ako nakaramdam ng something special


wala naman sa plano ko ang pumasok sa isang relasyon, masaya na ako
sapat na sa akin ang natatanggap na pagmamahal mula sa mga kaibigan ko
kuntento na ako sa kung ano man ang meron at mga bagay na wala ako


ewan ko ba, dati naman kasi lahat ng tao pare-pareho lang ang tingin ko
ewan ko ba, hindi ako marunong magmahal at pumuri ng ibang tao
ewan ko, hanggang sa isang araw biglang nag-iba na ang mundo ko


ewan, di ko namalayang unti-unti na akong nabubuhay kasama mo
ewan, di ko mapigilan ang sarili ko na mahalin ka pa hanggat kaya ko
ewan. di na ako yung dating ako na madalas sarado sa tunay na mundo


binigyan mo ako ng dahilan upang buksan ang sarili at mahalin ang tulad mo
binigyan mo ng katuparan ang isang bagay na akala ko hindi magkakatotoo
binigyan mo ng pag-asa at kulay ang mahalagang parte sa buhay ko


ikaw ang nagturo sa puso ko na magmahal ng totoo, higit pa sa inakala ko!
pero ikaw rin ang nagbigay ng rason upang sarilinin ko muli ang mundo ko.
SORRY sa una palang mali na ako, di ko sinasadyang mahalin ka at masaktan ng ganito.

superSMILE

I will never ever ever get tired watching these two videos from Youtube. It makes me truly smile. This is a must for all of you guys to watch, and surely you'll love both Sophia Grace and Rosie. The two little girls especially Sophia Grace is amazing and a wonder child of the next generation. This will also make you LSSed with Nicki Minaj a million hit music video of Super Bass. Enjoy! :)



*Yah, you can call me Sophia Grace.
*Hey Sophia, hey Rosie i can't believe you're on the Ellen show.
*Rosie makes me feel more confident, when i'm, cause i have somebody with me.
*We love pink and we love the fluffy dresses.
*Well we learned that in a week but really we picked up the words in like two days.
*We love Nicki Minaj and we wanna love her so much
*No, i just love the music video coz it has a motor bike made of ice and pink, every pink i just love pink.
*Oh yeah i'm the second Nicki Minaj

Tell me if it doesn't make you smile - and i'll kill you. Joke lungss!

ewanSAKIN

Hello. So it’s been fourteen days since I last posted an entry here. I don’t know what happened to me this past few days.  Preoccupied that I ran out of writing juice, I guess. Madami naman nangyari, but nothing exceptional. Also, it's been two weeks already since the start of the semestral break but today is just my first day.

*sigh*

Ang dami na palang nangyari at nagbago makalipas lang ang ilang linggo. Naninibago nga ako sa mga kaganapan pag-uwi ko sa bahay kaninang hapon. Di ko maunawaan ang mga tao sa paligid ko, o sadyang sa loob lang ng ilang araw ako ay biglang nagbago.

*sigh*

It's already 12:33am on my clock but still i am wide awake. I can't help but to open the computer and start to write stupid thoughts. For the past weeks many things happened and I supposed to do a separate entry about them. However, the momentous feeling has gone to my mind already and i can't barely remember anything in particular except for the fact that i was very very happy and willing the last days of my life.

*sigh*

Punong puno ang utak ko ng kung anu-ano na di ko na alam kung ano lang ang dapat isipin. Ang gulo lang parang mga balita sa radyo at telebisyon. Gusto ko ng magpahinga pero ayaw tumigil ng utak ko sa kakaisip ng mga walang kwentang bagay. Gusto ko man umiyak sa isang tabi gaya ng ginawa ko ilang araw na ang nakalipas, ay hindi ko magawa ngayon. Nakakabad trip lungss, sana bukas magbago na ang mood ko.

*sigh*

*sigh*

*sigh*

Randomness envelops me and my brain, and that i'm sure my brain is connected to my heart. I badly need a psychologist right now. Am i bothered or what? Am i hallucinating or not? Am i over reacting? Hell yeah i can feel mixed emotions right now: love, heartache, happiness, envy, relax, disturb, chill and a whole lot more. Fuckin shit i need to find myself tomorrow. For now good night. >.<
________________________________________________________

P.S
Maybe my mind calls for another drama and ask me to talk regarding my experience of Love, Pain, Dreams and Failures. Okay that would be good for my next blog entries.

day06

a picture of a person you'd love to trade places with for a day
i am somehow contented already with my life as of the present situation
i can get whatever i want with a little push and effort - (no more heartache)
however, i still idolize a few great and amazing personalities like this guy
though i am not a super fan of him to the point that i want to copy his image
i would just loved to be with his company even for a day: small talks & hang out


Profile
Name:
David Guison
Description:
Art Student/Events & Fashion Photographer/
Writer/Model/Blogger/Lover of Life
Website:
http://davidguison.com
I get to know about him back a couple of months ago when i was looking for a vintage outfit to wear on our graduation pictorial. At first i was not amaze by his style, but the second time i saw him i was kinda whoooa who is this man with great sense of fashion. People know i love fashion into some extent but not that super addict. I just love to keep myself well groom and pleasing to the eyes of other people. Well, it's so gay for me to say i love this man or peculiar for a guy to like another guy. LOL anyways what i just like about him was the way he was made to inspire people like me. He's smart, he's good in photography, he's famous, he's a good writer and he's a lover all in one package that i deemed to be like someday or maybe soon. (Please i want to be good as he is) I don't know what to say anymore about him, but there is something about him that i really envy. Oh geez he could wear Sandos but still looking great, fashionable and decent. Even without combing his hair he looks okay and with a pair of combat-like shoes he definitely rock the town. The picture above was way to simple but was the coolest for me, hence i wish i could wear the same outfit with same outcome. I heard that he visited already our school but unfortunately i was never informed about that. Twas okay i'm already happy to see his pictures and it will serve as my platform in my vintage look for the creative shot. LMAO

this picture is my favorite in his album,
seems to be perfect with my body and style
plan A for my vintage look.
Thanks @David Guison you give so much encouragement bro. You'll see someday, we will become best of friends and in the same level on the industry of communication. For now, i let you inspire me and let myself make my own fashion statement, and make my life as HAPPY as you are now. :)

P.S
Hey David can you just give me a little favor, anyways, for me to make it easy on the 22nd of October. And because this blog post ask for who you want to trade places with for a day, i think i want it to be you. So please change roles with me on Saturday and come to the studio with your superb look. LMAO

paPEYSBUK nga!


Read this somewhere just after i copied and accidentally closed the tab. It's about the coolest stuffs you can do on facebook and telling the truth in a funny and entertaining way. Enjoy! :)


“PA – PEYSBUK NGA!!!!”. Linya ng estudyante na uubusin ang baon para makapagrent sa isang internet shop. Linya ng isang empleyado pagkadating niya sa opisina at naabutang ginagamit ng katrabaho ang office computer. Linya ng kapitbahay na gustong maki gamit ng internet sa kadahilanang hindi siya nakapagbayad ng bill. At kung sino man ang sinasabihan nila, malamang ang isasagot nito ay.. “teka, log out ko lang..”. Nagpe-facebook din pala.

Facebook. Ang social networking site na lumamon sa myspace at friendster. Ito rin ang pilit kinakaibigan ng ilan pang aspiring forms of social media. Pansinin mo, yung mga bagong kumakaribal sa Facebook e may feature kung saan magrereflect din sa FB account mo ang kung ano mang post mo, gamit ang site nila. Gaya nalang ng twitter, tumblr at kung ano ano pa. Parang pelikula. Pag pinalabas ito sa sinehan sa guadamall (ang mabagsik na mall sa guadalupe), ipapalabas din ito sa sinehan ng MOA. Nagkakaiba nga lang sa level ng urine aroma at dami ng surot sa upuan.

Sa sobrang popularidad nito ay pwede na itong iconsider na necessity. Iba na ngayon. Humans need food, water and facebook. Clothing? Ano ngayon kung nakahubad. At least. nakaporma ka naman sa bago mong profile picture. Pwede na ngang iconsider ang kasalukuyan bilang “The Facebook Era”. Ang panahon kung saan tangap na ang mga bading at tomboy (kaya ikaw, wag na magpanggap, ok na daw, di mo na kelangan mag gym kuno), kung saan mas mahal nang mga tao ang aso kesa sa kapwa nila tao (inday!! ibigay mo ung ulam mo kay brownie, mag skyflakes ka nalang!!!), kung saan lahat ay tumatakbo sa mga marathon, kung saan lahat ay may necklace na ang pendant ay isang mamahaling camera, kung saan papalitan na ng cobra at sting ang dumadaloy sa mga tubo ng NAWASA, kung saan lahat ng statement ay dapat magtapos sa isang uri ng emoticon (uy, tang ina mo, joke. (“,) ). Lahat ito ay bahagi na ng social norm. Lahat tangap na. Pero huwag. Uulitin ko. HUWAG NA HUWAG mong sasabihin, lalo na sa isang pampublikong lugar na. “Ay, wala akong Facebook eh..”. Patay ka dyan brad. Kiss of death yun. Baka bigla kang paskilan ng papel sa noo mo na may nakasulat na EEEWWWW!!!. Baka biglang magkaroon ng caste system sa pinas at lahat ng walang FB account ay mga untouchables. Pwede ring i-ekskomunikado ka ng simbahan katoliko at ipapakalat ito sa mga tweet ng arsobispo.

Kung stalker ka, di na kelangan ng paliwanag kung bakit adik na adik ka sa FB. Pero para sa masa. Ano bang meron dito?

Bukod sa green joke na ibinulong sayo nung tropa mong adik, pwede ka ding magshare ng pictures (aka pix),videos, notes at mga links mula sa iba pang sites. Makikita ito ng mga “friends” mo at pwede silang magkomento dito. Walang limit ang pagpo post. May sense man o wala. Healthy nga daw ito sabi nung mga sociologist. Exercising our rights to free speech daw ito. Pero lahat ba e post-worthy? O karamihan ay nagdadala lang ng badtrip.

Freedom of speech pala ha. Ito ang post ko tungkol sa mga post ng iba. Guilty tayo dito.

1. Iwasan ang pabigla – biglang pagpapalit ng relationship status. Lalo na kung mababaw lang ang dahilan tulad ng late reply sa text o hindi pag iloveyou sayo ang jowa mo kaninang alas tres (sarili nyong 3 o’clock habit). Dahil pag nagka-ayos kayo, at ibinalik mo sa dati ang status mo, ikaw din ang magmumukhang praning.

2. Walang masama kung purong tagalog ang shout out mo. Wag matakot na sabihan nang “uy makata”. Kesa naman panay nga ang english, sablay naman ang grammar at hindi kakikitaan ng sense ang sinabi. (iba ang you’re sa your).

3. Check in. Ang post kung saan sinasabi ang kasalukuyan mong lokasyon. Positibo. Pwedeng maging safety precaution. At least alam nila kung saan ka huling pumunta sakaling di ka mahagilap ng ilang araw. Negatibo. Easy prey ka sa mga serial killers o sa kaibigan na may galit sayo. (Ingat ka silvestre. hehehe)

4. May “about you” page ang FB. Dun mo isusulat ang mga hilig mo. Di mo na kelangan pang magpost ng magpost ng mga youtube videos nila Ozzy Osbourne, Metallica o Korn para ipagdiinan na rakista ka. Ikaw din, baka mahirapan kang panindigan. Lalo na pag tumugtog na ang paborito mong kanta ni Katy Perry. Napaindak at sing along si kumag.

5. Hindi kelangan magpost ng mga litrato o video nang iniembalsamo o bangkay na durog durog ang katawan at labas ang mga laman loob. Palit kaya kayo nung andun sa picture. Ako naman ang magpopost.

6. Magtira ng konting privacy para sa sarili. Hindi lahat ng bagay ay dapat ishare. Lalo na sa social media. Sarilinin mo nalang ang gusot sa pamilya o away mag asawa. Pribado na yon. Post ka ng post, tapos mababadtrip ka kung gagawing pulutan sa inuman ang kwento ng buhay mo.

7. Ok lang ipost ang mga bago mong gamit. Gaya ng mga gadget, damit o accessories. Natural lang maging proud ka lalo na kung pinaghirapan mo o importanteng tao ang nagbigay sayo nito. Di lang siguro tama na sabihing “hay nakakapagod na magshopping, andami ko kasi pinamili”.

8. Kung sakaling may nagpost ng malungkot o kaya’y tungkol sa isang masamang pangyayari sa kanila, wag mong i-like. Ano yun? Nagustuhan mo pa na sumemplang siya sa kanal.

9. Wag mong i-like ang sarili mong post. Kaya nga pinost mo in the first place. Mas malala kung ikaw din ang magcocomment. Parang loner ka naman nun.

10. Wag kang basta basta magpost ng nakakagagong comment, lalo na sa mga picture kung saan may mga taong di mo kilala. Halimbawa: “Pre, sino yang kasama mo sa pic? si Bella Flores?”. Huli mo na nalaman. Girlfriend pala niya yun.

11. Kung sakaling may nagpost ng matino at informative na mensahe. Magpasalamat. Huwag mag angas sabay comment nang “ay luma na yan, huli kana sa balita” o kaya “wala, kalokohan lang yan”. Wag kang magmagaling. Matalino kaba na parang si Rizal? E di pabaril ka sa Luneta.

12. Wag gamitin ang FB para magpakalat ng maling impormasyon at maghatid ng mass hysteria. Pero kung sino man ang napost na aabot dito ang radiation sa japan. Nagpapasalamat sayo ang manufacturer ng Betadine.

13. Wag sumali at i-like ang isang fan page kung puro kagaguhan lang ang ipopost mo sa wall nito. Halimbawa, nagpamember ka sa page ng isang seksing artista tapos mag cocomment ka lang ng “uy, sarap mo naman, parang mainit na lugaw sa malamig sa madaling araw”. Tapos magtataka, “hala.. bakit ako na banned?”.

14. Hindi lang ikaw ang may gustong manood ng sine. Wag kang mag post ng mga spoilers na maaaring ikabadtrip ng iba. “just watched Nardong Putik: Ang Pagbabalik Ni Totoy Burak, ganda ng ending, napatay nya ung kontra bida sa pamamagitan ng pagpukpok sa ulo ng isang palayok, pero sad dahil huli na nang malaman nya na tatay niya pala yun..”.

15. Di naman ata kelangan simulan ang post mo sa salitang “Damn!!” o kaya “Oh gosh” lalo na kung di naman malubha o kagulat gulat ang pangyayari. Halimbawa: “oh gosh, umuulan”. Taga saudi???

16. Wag matawa at kantyawan kung corny o masyadong romantiko ang isang post. Tandaan mo, magmamahal ka din. Lintik lang ang walang ganti. Dami kong kilalang ganyan.

17. Ok lang siguro ipost kung ano at kung saan ka kumakain. Iwasan lang yung pagpopost ng close up pictures nung pagkain mismo. Marami ang nagpapalipas ng gutom sa pamamagitan ng Facebook. Sino ka para inggitin sila. Parang yung feeling na, asa air-con bus ka, pauwi sa bahay at gutom tapos may kumag na kakain ng burger at fries. Langhap mo ang bawat kagat niya. Di maka tao. Dapat palitan ang pangalan niya. Gawing Lucifer.

18. Ok lang siguro ang mag post sa paraang Jejemon. Trip mo yun e. Wag mo nga lang asahan na seseryosohin ka kahit matino ang gusto mong sabihin. Expect mo rin na lahat ng comment sayo e magtatapos sa “jejejeje”.

19. Wag magimbita sa isang okasyon gamit ang shout out mo, tapos may ita-tag ka lang na piling tao. Bangag kaba? Makikita ng lahat ng “friends” mo na iilan lang ang gusto mo papuntahin sa nasabing okasyon.

20. Pwede ba?? HINDI PORKET ALL CAPS E GALIT ANG NAGPOST. BAKA LUMUBOG AT NASTUCK LANG ANG CAPS LOCK.

21. Sapat naman na siguro ang tatlong exclamation point para ipaalam sa bumabasa na puno ng emosyon ang post mo. Di mo kelangan punuin ng punctuations porket walang bayad ang extra characters tulad ng sa text messaging. Halimbawa. Pakyu ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!. Mali yun. Dapat. Pakyu ka!!!

22. Iwasang magpost kung ikaw ay (a) lasing, (b) nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot o (c) hindi tinirahan ng ulam. Walang gustong makabasa ng pag aamok mo na puno ng mali maling spelling. Kung sakaling nakakaramdam ng “FB rage”, magpahid ng menthol toothpaste sa mga palad, at itampal tampal sa mukha mo hanggang sa kumalma.

23. Oo, dapat sulitin ang unlimited surfing na maghapon mong binantayan para lang maregister. Pero di ibig sabihin nun na post lang ng post. Halimbawa, ang ilalagay mo sa shout out mo e tatlong magkakasunond na tuldok. Ano yun? Buti pa quote nalang. Time is gold.

24. Wag trigger happy sa “share” button. Hindi porket di nagappear sa profile page ang mabangis mong status message e kelangan mong tiktikin ang pagpindot. Antayin mo lang. Mamaya ilang beses na pala napost. Paulit ulit. Wag kang atat. Lalo na kung ang ipopost mo e “Patience is a virtue”.

25. Wag mong kakumpetensyahin ang youtube sa dami ng video na nakapost sa wall mo. OK lang siguro kung ishare mo ang isang nakakatawang clip kung saan may nag susurfing na pusa o kaya naman e makabuluhang excerpt ng isang documentary. Wag naman yung lahat ng mtv ng kantang marinig mo sa jeep o lahat ng episode ng wow mali.

26. Wag ipahamak ang sarili. Kung sakaling pwede naman palang acronym ang isang term e wag mo na itong buuhin sa iyong post. Loud out loud!!!!.

27. Hindi masamang makisali sa mga occasional drives o campaigns. Tulad ng paggamit ng picture ng nanay mo pag mother’s day o pag post ng mensahe tungkol sa cancer bilang status message mo. Hindi porket di ka nakisali e cool o mas sophisticated ka.

28. Kung may nagcomment o nagpost sa wall mo na di mo kilala ang pangalan pati na ang picture. I-open saglit ang profile. Wag mo agad replyan ng makamandag na “HU U?”. Malay mo, tropa mo pala yun. Binaliktad lang ang pangalan. O kaya naman e dinagdagan ng H. Mhayhumhi Pharhedez.

29. Kung magcocomment ka, halimbawa sa isang picture, iwasang gumamit ng paghahalintulad sa ibang tao lalo na kung kagaguhan lang ang sasabihin mo. Halimbawa, “baduy ng porma mo pre, parang bisaya lang” o kaya “mukha kang magsasaka”. Tandaan, di ka lamang o nakahihigit sa mga bisaya at magsasaka. Ikaw kaya, magpost ka ng video tungkol sa mga unggoy, tapos may magcomment, “ambobobo naman nila, parang ikaw”.

30. Wag kang magatubiling bumati sa mga post tungkol sa panganganak ng isang ina, pagpapakasal ng magsing irog o pagkatangap sa trabaho. Sa magulong mundo, hindi ba’t masarap ishare ang mga positibong pangyayari.

Code of ethics. Wala. Oo. Walang basagan ng trip.

Pero hindi ba mas maganda kung ginagamit mo to sa matinong paraan?
______________________________________________________
makes you think if you do the same stuffs, funny isn't it? more fun to know that facebook in our media laboratory was banned already and the people there are starting to build their tumblr and twitter account, yeahey di na ko mao-OP kapag nasa lab at puro FB ang inaatupag ng mga tao. :)

noCHARM


today was a too-much-work-to-do day...
clock is ticking...
and i'm getting bluer than blue...
my charm had left me already
i can't even recognize myself now
can you just sing me a good lullaby?
or could you just give me a hug from the back?
:(

beginningLIFE

For many stories that have been told already, about people and the great things they did, may it be about art, war, excellence, leadership or something of big big pride, their great lives started from the day they were born up to the day they close their eyes. But for individuals like me, who looks the same as everyone around me, it’s different… a lot different. My real life did not start from the day I was born but instead, it started when I became part of a world different to mine, completely strange.

I admit that high school wasn’t really about school for me. It was about being a kid at the same time an adult. Where I did what I wanted to in the extent of my limitations. From friends to hang-outs, those were the life of teenagers. Non-stop fun was the scenery even if it is in the brink of quarterly exams. We kids are just unstoppable. But everything has endings, after we graduated, the fun was said to be just beginning but for us, it was the last of our happy days.

That was my so called life, but there was no meaning. Just like for toddlers where nothing is good or bad, they just do what they want since they still don’t know the rules in this world. So there it was, the fun we had vanished slowly, but I tried to bring the fun along with me. In the sense of I still don’t want to let go of my childhood and embrace the responsibilities of adults alike. Up to now, I don’t know how it happened but eventually, I managed to be the responsible person I imagined I would be.

And it all started in college, when I entered in this prestigious institution. Here, it is different, really different, not because religion was involved, but here, real life awaits me. The earlier time of my life was just fun, no grief, pain or suffering. It all started here, where I saw the things around me. And still, it is a continuous effort to live and deal with them for the rest of my life. Nakakapagod lang minsan but then again I have to push through because this is what they call life; continuous struggle to survive.

My beginnings will soon start again after five months. I feel so weak and exhausted already. Give me sun, give me rain, give me love, give me someone to love, or could you give me just another happy day. :(

GUILTY? innocent?

RULE 1

You can only say Guilty or Innocent.


RULE 2

You are not allowed to explain anything unless someone messages you and asks!

(So people reading this, if you want an honest and crazy explanation from me, COMMENT.)


START HERE...

Kissed one of your Facebook friends?

INNOCENT


Danced on a table in a bar?

INNOCENT


Ever told a lie?

GUILTY


Had feelings for someone whom you can't have back?

GUILTY


Ever kissed someone of the same sex?

GUILTY


Kissed a picture?

GUILTY


Slept in until 5 PM?

GUILTY


Fallen asleep at work/school?

INNOCENT


Held a snake?

INNOCENT


Been suspended from school?

GUILTY


Worked at a fast food restaurant?

INNOCENT


Been fired from a job?

INNOCENT


Done something you regret?

GUILTY


Laughed until something you were drinking came out your nose?

GUILTY


Caught a snowflake on your tongue?

INNOCENT


Kissed in the rain?

INNOCENT


Sat on a roof top?

GUILTY


Kissed someone you shouldn't?

GUILTY


Sang in the shower?

GUILTY


Been pushed into a pool with all your clothes on?

INNOCENT


Shaved your head?

GUILTY


Had a boxing membership?

INNOCENT


Made a boyfriend/girlfriend cry?

GUILTY


Donated Blood?

INNOCENT


Eaten alligator meat?

INNOCENT


Eaten cheesecake?

GUILTY


Still love someone you shouldn't?

GUILTY


Have/had a tattoo?

GUILTY


Liked someone, but will never tell who?

GUILTY


Been too honest?

GUILTY


Ruined a surprise?

GUILTY


Ate in a restaurant and got really bloated that you cant walk afterwards?

GUILTY


Erased someone in your friends list?

GUILTY


Dressed in a woman's clothes (if your a guy) or man's clothes (if your a girl)?

GUILTY


Joined a pageant?

GUILTY


Been told that you're handsome or beautiful by someone who totally meant what they said?

GUILTY


Had communication w/ your ex?

GUILTY


Get totally drunk one night and you have an important exam tomorrow morning?

INNOCENT


A total stranger treat you by paying your jeepney/tricycle fare?

GUILTY


Get totally angry that you cried so hard?

INNOCENT


Tried to stay away from someone for their own good?

GUILTY


Thought about suicide

GUILTY


Thought about murder?

GUILTY


How bout mass murder?

GUILTY


Tried illegal drugs and the like?

GUILTY


Rode on a stranger's vehicle?

GUILTY


Stalked someone?

GUILTY


Been so drunk that you forget things that happened while you were intoxicated?

INNOCENT


In love?

GUILTY


____________________________________
LMAO had a hard time answering this, but it was incredibly fun and challenging. :DDD

overLOVED


I may not know why i always text you
I may not know why I miss you sometimes
I may not know why I care
Or why I smile when I see you
Why I just stop and stare
You laughed when I am happy
I’m quite sad when you’re alone
And then sometimes I ask myself why
I do these things so sweet
To a girl whom just a while ago
I was able to talk to and meet
I may not know how to say these
I may not understand my own self
Why I held your hand
Why I hugged you so tight
Why I let you kissed me on the cheek
I may not know why i always text you
I may not know why I miss you sometimes
I may have known why you cared
But I know I want to thank you
For every moment we shared
…………………………………………………………………………..
para sa mga babae sa school na lab ako at di ako iniiwan…
gelpren, bash, bibilab, meme, neks, soulmate, sweetypie, coji, elijah at kung sino pa alam mo na yun
SALAMAT din sa tulong at pakikisama.
…………………………………………………………………………………………….
I KNOW and i should be very thankful
i have a special friends like you

THESIS Round 1 (FAIL)


There will come a time in every fourth year student in our course that he/she will go in the battle field against three notorious panelists with only documents and a power point presentation as arsenals. Yup, this is Thesis Defense, and we are now running here and there just to finalize our strategy to win this war.
The first battle (Proposal Defense) already began and the three of us were stunned in answering the panel’s questions, even so, we defended our problem but however our documents and theories received denunciation and garnered with no flying colors . We were the second one out that battleground and we did not know what to expect, we did not know what to feel, and we did not know what to do anymore. Throwing them English explanations for our problem was the hardest part… loosing ammunition in speaking English is the worst dead end one can ever encounter. But what's more worst to that is to make your thesis looks like a trash and was meant to be a research paper for some stupid course.
The battle went on with the other groups and in my opinion, me and my thesis mates were LOSERS. T___T  And we wish ourselves next time the same victory and glory the other groups reached.
Move on... The battle has ended, still there is a war we have to win… next stop, Advertising.
___________________________________________________________
RN: REGISTERED O REJECTED NURSE KA BA?
A DOCUMENTARY
Alvin Cabaltera | Juan Nicolas | Mark London Guiling