unREASONable

di ko sinasadyang mahalin sya, minahal ko lang sya dahil nagbigay sya ng rason para mahalin ko sya.
wala namang kakaiba ng una kong makita ang simpleng picture nya
ni hindi ko nga napansin ang natatanging kagandahang taglay nya pala
nais ko lang makipagkaibigan at makipag-usap, walang halong pagnanasa


ilang buwan na halos ikaw ang ka-text, siguro wala lang mapaglibangan
o sadyang tayong dalawa lang ang nakakaintindi sa ating pinagdadaanan
hanggang sa unang pagkikita dun na ako nakaramdam ng something special


wala naman sa plano ko ang pumasok sa isang relasyon, masaya na ako
sapat na sa akin ang natatanggap na pagmamahal mula sa mga kaibigan ko
kuntento na ako sa kung ano man ang meron at mga bagay na wala ako


ewan ko ba, dati naman kasi lahat ng tao pare-pareho lang ang tingin ko
ewan ko ba, hindi ako marunong magmahal at pumuri ng ibang tao
ewan ko, hanggang sa isang araw biglang nag-iba na ang mundo ko


ewan, di ko namalayang unti-unti na akong nabubuhay kasama mo
ewan, di ko mapigilan ang sarili ko na mahalin ka pa hanggat kaya ko
ewan. di na ako yung dating ako na madalas sarado sa tunay na mundo


binigyan mo ako ng dahilan upang buksan ang sarili at mahalin ang tulad mo
binigyan mo ng katuparan ang isang bagay na akala ko hindi magkakatotoo
binigyan mo ng pag-asa at kulay ang mahalagang parte sa buhay ko


ikaw ang nagturo sa puso ko na magmahal ng totoo, higit pa sa inakala ko!
pero ikaw rin ang nagbigay ng rason upang sarilinin ko muli ang mundo ko.
SORRY sa una palang mali na ako, di ko sinasadyang mahalin ka at masaktan ng ganito.