Showing posts with label stress. Show all posts
Showing posts with label stress. Show all posts

Pili Not

Araw ngayon ng kalayaan ng Pilipinas... Mabuhay ang mga Pilipino... Pero wala akong maisip i-blog patungkol dito... Hayaan nyo nalang akong magbuhos ng ilang bagay na gumugulo sa aking mumunting isip.

***
Minsan sa buhay, hindi natin maiiwasang maharap sa isang sitwasyon kung saan kailangan tayong pumili. Mahirap lalo na kung ito ay sa pagitan ng dalawang bagay na sa tingin natin ay parehong may mabuting maidudulot. Pero gaya ng mga exam sa eskwela, bago matapos ang inilaan na oras ay kailangan nating magdesisyon kung nais talaga natin makakuha ng mataas na marka.

Kamakailan lang, naharap ako sa parehong sitwasyon. Isang desisyon na magdidikta sa aking kinabukasan...

Siguro para sa ibang tao madali lamang itong pagdesisyunan. Pero para sa akin, isa ito sa mga bagay na lubos akong nahirapan. Alin ba ang mas makakabuti para sa akin: ang mag-aral muli sa pag-asang balang araw ay may naghihintay na mas magandang opurtunidad, o ang simulan na ang paghahanap sa swerte at unti-unting ipundar ang mga pangarap? Mahirap sapagkat lubos akong napamahal at pinapahalagahan ko ang pag-aaral. Mahirap sapagkat masyado pa akong bata para magtrabaho pero kinakailangan.

Salamat sa payo at yakap mula sa isang espesyal na kaibigan. Ang sabi nya sa akin, "Aw. Huuugs. Siguro ganito nalang, kung 50:50 ngayon ikaw. Kapag nakapili kana kung ano talaga. Do your best to make that 50% a 100%. Para no regrets in the end."


Sa tulong niya'y nakapagdesisyon akong piliin ang pangalawa. Hindi ko alam kung bakit, basta sa mga panahong iyon kumapit nalang ako sa paniniwalang magaling at mahusay ako. Tiwala lang sa sarili ang pinaka-kailangan ko.

Makalipas ang ilang araw, heto na naman ako. Muling nahaharap sa parehong sitwasyon ngunit magkaiba lang ang pagpipilian. Ang sabi ko noon, "Sa panahong kailangan kong pumili, kailangan ko lang isipin kung alin yung mas makapagpapasaya sa akin kaysa doon sa pinaka best." Ngunit mukhang hindi talaga sa lahat ng bagay maisasabuhay mo ay iyong mga paniniwala. Sa sitwasyong ito'y pareho silang makapagpapasaya sa akin, sa magkaibang aspeto nga lang. Oh kay hirap pumili: passion without any costs or work with fulfillment?


May kalabuan kung titignan. Maganda siguro kung dadaanin natin sa lenggwaheng karamihan sa atin ay nasa edad na para maintindihan... Ganito yun!

Parang pag-ibig lang, alin mas pipiliin mo sa dalawa?! Yung tao na lubos mong mahal at matagal mo na ring pinapangarap pero sa kabila ng lahat hindi ka naman magawang suklian kahit kakarampot na pagmamahal. O kaya naman, sa isang tao na minamahal at pinapahalagahan ka, at sa tingin mo'y hindi naman malayong mahalin mo rin.

Sagot ng isang kaibigan, "Ang hirap naman. Pero sa tingin ko, dun parin ako sa una. Hindi naman kasi  kailangang suklian ang pagmamahal . Siguro magiging masaya nalang din ako kapag nakita ko siyang masaya kahit sa  piling ng iba. Baduy pero sa tingin ko iyon ang ibig sabihin ng tunay na pagmamahal."


May punto siya...


Opinyon naman ng isa pang kaibigan, "Hindi mo masasabing pagmamahal ang isang bagay kung may isang taong nasasaktan. Kaya nga siguro may mga taong pilit na kinukumbinsi ang sarili na okay lang ang lahat kahit hindi naman. Sa tingin ko, ang tunay na pag-ibig ay ipinaglalaban sapagkat hindi ito isang bagay lamang na kapag hindi mo na kayang hawakan ay basta mo nalang bibitawan."


May punto rin naman siya...

Ako? Ano namang masasabi ko patungkol dito?! Siguro gaya nalang ng paulit ulit kong sinasabi, "Ang pag-ibig kailangan magsimula sa sarili. At sa pagtatapos ng araw walang ibang makapagsasabi kung sino ang nararapat para saiyo, walang iba kundi ang sarili mo. Hindi ang nanay mo, ang tatay, kuya, ate, tito, tita o kung sino mang poncio pilato. Ikaw ang mas nakakakilala sa sarili mo higit kanino man, IKAW dapat ang may alam sa kung saan o kanino ka tunay na magiging maligaya."


Hanggang sa ngayon wala pa akong pinal na desisyon. Hindi ko pa mahanap ang aking sarili upang magdesisyon para sa aking sarili. Kahit alin man siguro ang piliin ko sa dalawa, naniniwala parin naman ako na lahat ng bagay ay nagtatapos ng maayos. Mukhang masyado na naman akong sinisipagan magpahayag ng aking mga saloobin. Bago pa mapunta ito sa kawalang kwentahan, maiging tapusin ko na dito. Makakapili rin ako!



Yet to come

Life has not been so friendly to me lately (lately?) no it's been 79 days and counting already. As I have said previously, through my status in different social networking sites or maybe somewhere along this blog: "I am not yet ready to summon myself to the world of greediness" ----  "I am not ready to face reality, yet",  and "I am not ready to surrender, yet"

Yet I am forced to do so. I know that I would be able to make it with a little dash of determination, an ounce of motivation, and support from my friends both offline and online.

Always wish me good luck! WOHOOOOOO HERE I COME!

A bit of inspiration to push myself. :)



tar-ba-ho


Ika-dalawa na pala ng Mayo, tamad parin ako! Ano bang bago dito?! Hindi na ako nasanay sa sarili ko. Sa tinagal tagal ng panahon, hasang hasa na ang galing ko sa pagiging tamad at batugan. Kaya nga minsan naniniwala na ako sa paulit-ulit na sermon saakin ng aking tiyahin; "Ay ewan sayo, sinong niloko mo? Sa tamad mong yan alam ko ngayon palang na hindi kana aasenso." Shutang ina kung di ka lang living thing matagal na kitang pinaanod sa Bicol river.

*Hmmmmn sabagay ultimo pagsulat dito sa blog ko ay tinatamad ako. Ang pangako kong jogging sa sarili ko hanggang ngayon drawing abot isang kilometro. Pati pag-upload ng mga litrato sa Facebook, iniisip ko palang nabuburyong na agad ako. Yung matagal ng hinihintay na video na pina-edit sakin hanggang ngayon raw video parin. At ang pinakamalalang kinatatamaran ko, ANG PAGHAHANAP NG TRABAHO.

Aaminin ko, takot talaga akong ma-reject. Ewan basta ang sama sa pakiramdam, masakit pa kapag ang puso ko ang nasaktan dahil sa pag-ibig. Anyway, di naman sa di talaga ako naghahanap ng mapgtatrabahuhan, nagsubmit narin ako ng tigtatatlong copy ng resume sa ilang kumpanya dito sa Bicol, sa Manels pati rin International Organization kinapalan ko na. Yun nga lang, ni isa wala pang nagpaparamdam. Kita mo na, kahit nandito lang ako sa bahay may nagagawa rin naman ako. Pero hindi tulad ng effort a ibinubuhos ng mga kaibigan ko na ngayon ay sinusubukang hanapin ang swerte sa ka-Maynilaan, ang effort ko kakatiting lang. Ano ba naman kasing magagawa ko, eh dalawang taon akong naka-ban dito sa probinsyang sinilangan. Liban sa pagiging tamad ko at batugan, pagdating sa paghanap ng pinapangarap kong trabaho ay masyadong mapili at maarte ako.

Saan ba ako pupulutin ng disposisyon kong ito. *Linsyak gusto kong magtino pero ang hirap hirap. Sa araw-araw na gumigising ako, unti-unti rin akong kinakain ng hiya sa sarili at sa magulang ko. Pakiramdam ko kasi masyado pa akong bata para pasanin ang isang responsibilidad na agad-agad naipatong sa akin. Bakit ba kasi hindi nalang ako nabuhay kung saan ang pamilya ko ay may sariling kumpanya na multi-milyon ang halaga. Syempre ilusyon ko lamang iyon, masaya naman ako sa kung anong meron ako ngayon kaya nga lang ang panahon hindi nakikisama. Isang buwan nalang, hayaan nyo akong magbulakbol at gawin ang lahat kong naisin. Pagkatapos nito, hindi na ako mangagako, hahanapin at hahabulin ko na ang aking swerte. Maging ano man ang aking kahinatnan, tatanggapin ko ito ng buong-buong at sisiguraduhing aangat ako balang araw: magiging isang sikat at hahangaan ako ng maraming tao, higit sa lahat ipagmamalaki ako ng mama at papa ko. 

Kaya ngayon, walang sawa muna akong magtatampisaw at maliligo sa ulan hangga't maari. Salamat dumating na ang buwan ng Mayo nabawas-bawasan ang init ng aking ulo. At sa darating na Hunyo, alam kong suswertihin ako, dahil Birthday ko, magwiwish akong makahanap na ako ng TRABAHO!

Share ko lang kasi mukhang walang kwenta na ang pinagsusulat ko sa taas. Para naman ma-inspire ko kayo pati na rin ang sarili ko. Pampalubag pala ng loob, nabasa ko lang sa blog ng isang makulit na kaibigan ko. Wish me luck yow! :)

DON'T QUIT
Unknown Author 

When things go wrong, as they sometimes will,
When the road you’re trudging seems all uphill,
When the funds are low and the debts are high,
And you want to smile, but you have to sigh,
When care is pressing you down a bit,
Rest, if you must, but don’t you quit.

Life is queer with its twists and turns,
As every one of us sometimes learns,
And many a failure turns about,
When he might have won had he stuck it out;
Don’t give up though the pace seems slow–
You may succeed with another blow.

Often the goal is nearer than,
It seems to a faint and faltering man,
Often the struggler has given up,
When he might have captured the victor’s cup,
And he learned too late when the night slipped down,
How close he was to the golden crown.

Success is failure turned inside out–
The silver tint of the clouds of doubt,
And you never can tell how close you are,
It may be near when it seems so far,
So stick to the fight when you’re hardest hit–
It’s when things seem worst that you must not quit.