tulaNGmgaTULALA

i feel like writing a poem this sweaty afternoon, and reblogging another poem from my cousin's fb wall, nakakapraning lang dala ng hindi pa ako naliligo mula ngayon, hindi ko maiwanan ang twitter at paglalaro ng monster world, the first poem is in poetic love genre by empoy-katchupoy-na-tomboy, and the second poem is in bitter genre (pangontra lang sa unang tula) made by the owner of this shit blogsite.
__________________________________________________


                       IKAW AT AKO                            


Ikaw at ako ay parating masaya
dahilan ng ating matamis na pag-sasama
walang humpay sa pagtawa
minsan ay tulo laway na!

kulitan na tila walang hanggan
araw at gabi tayo ay magkatabi
sa lamig ng hangin sa gabi
yakap mo ako sa oras na tayo'y magkatabi

kung minsan ay nagkakasakitan
lahat ng ito'y tinatanggihan
kay tamis ng ating pagmamahalan
tatahakin natin ito kahit may humadlang man

nakaranas man ng kamalasan
kapit kamay tayong lumaban
di maiwasan ang pagtulo ng luha
andito ako para patawanin ka

magmukha man akong clown sa iba
wala akong pakialam basta masaya ka
iyan ang pagmamahal ko sayo
walang sawang ibibigay saiyo

sa unang araw nang ating pagkikita
sa puso't isip ko nakatatak na
di mananakaw at mabubura
sapagkat noon paman tanging itinago na

buhay at pagsisikap sayo ay iaalay
kahit ito ay sobrang nakakangalay
basta't ikaw, gora lang ako
kasi ikaw lang ang iniirog ko.


               AKO AT HINDI NA TAYO                  


minsan nagpapakatanga parin ako sa isang tulad mo
wala naman akong napala, panay sakit lang ng ulo
dapat nga noong una palang sumuko na talaga ako

hahaha hahaha tinatawa ko nalang para patay malisya
kaysa naman mamroblema habang ikaw ay nagpapakasaya
makakamove-on din ako at pagdadasal na sana ika'y datnan ng karma

masakit lang sapagkat nagbigay ako ng todo-todo
habang ikaw naman diyan ini-indian mo na pala ako
nagsabi ka man lang sana para hindi rin ako nagmukhang gago

ayoko sa lahat yung nililihiman at pinagtataguan ako
ano bang masama kung yun naman ang totoo
itsura mo tuloy para kang sanggano

kaya ngayon ako ay muling bumabangon
sa pagkakalugmok na dala ng isang kahapon
gogora akong muli pagsapit ng susunod na dapit-hapon
_______________________________
anong sabeeeeh ng baduy na tula, LOL