Sh*t Post
Unknown
Tuesday, August 30, 2011
Sa mga panahong tulad nito, na sobrang init at walang magawa, gusto ko lang ng isang kaibigan na sasama sakin saan man ako magpunta, pwede mag-mall o manood ng sine tapos kakain ng donut, macaroons na sasabayan ng malamig na malamig na softdrinks, simple lang naman mga gusto ko sa buhay, at ayoko sa lahat yung ako'y napag-iiwanan sa lahat ng bagay.
Tulad ngayon, ilang araw na akong nagpo-procrastinate sa paggawa ng aming Thesis, panay Twitter, monster world, blog at kung ano anong search lang ako sa harap ng aming computer, masakit na nga ang batok ko pero gora parin, tapos ngayon lahat umalis sa bahay at ako lang ang naiwan, the hell gutom na ako wala ring makain na kailangan nalang isubo, ayoko magluto, hahaha umiiral ang katamaran ko.
Asar minsan ayoko talaga ng long weekend kasi kung nandito lang naman ako sa bahay parang walang kwenta ang buhay ko, tulad nito dahil sa sobrang kaboringan nagsusulat na lang ako ng walang kwentang blog, pamapalipas lang ng oras, ayaw ko rin talaga kapag ganitong mahaba ang bakasyo at alam kong mag-iisa lang ako kasi kahit kaharap ko ang world wide web iba ang tumatakbo sa isip ko, ewan puro kadramahan sa buhay at yung mga bagay na pinagsisisihan ko at gusto kong makuha, umiiral ang katangahan ko, ilusyonado at insecurities ko, at kapag bored na bored na talaga ako di ko maiwasang mapatumbling at mag-imagine sa harap ng magic sing na may sariling concert ako, pakialam ko sa bahay na nakakarinig ng boses ko, ang daming oras na nasasayang sa tingin ko.
Waaaah nakakabaliw na, ang maligo nalang siguro sa banyo ng halos isang oras ang sa tingin ko ang magandang ginagawa ko para sa sarili, sa mga oras na to naiisip ko lang sya na sana ganoon parin sya tulad ng dati, gusto ko syang makasama at makipagkulitan ng walang dahilan, alam ko naman sa parte ko may malaki rin akong problema kaya kailanman hindi kami magiging masaya, oh kita mo na di ko namamalayan ako'y nagdadrama na pala, tae na talaga can someone save me from this fuckin' state, tititgil na ako baka ano pang maisulat ko.
SALAMAT kung nagbasa kaman, nagsayang ka rin ng ilang minuto ng buhay mo, medyo patas na tayo.
INGAT KA at sana bukas magbago na ang takbo ng buhay ko, yung sa fulfilling na paraan.