out IN the BOX


hindi ko alam kung paano ko

sisimulan ang araw na to,
basta ang tanging alam ko lang
yung nararamdaman ko kagabi,
hindi parin nagbabago
hindi naman sapat ang overnight
na pag-iyak para mawala
ang sakit na nararamdaman  ko,
hangga't alam kong magkasama
pa sila, tatahimik na lang ako
na para bang hindi ako nasasaktan.

sana kahit magkasama na kayo,
hindi mo ako makalimutan,
kasi ako nagtitiis ngayon kahit
masakit na at sana kahit
kayo ang magkasama,
ako parin ang mahal mo..
gaya ng sabi mo sakin na
MAHAL mo ako

wala ka naman pala kasi eh!
puro ka salita...
hindi ka naman makapalag
kasi nga wala kang isang salita.

oo aaminin ko minsan
namimiss ko ng mahalin at magmahal
sa isang taong mahal ko at mahal din ako,
pero lahat ng tao nalang kasi tinatawaran
ang pagmamahal ko.

kontento na ako sa ganito,
walang luha walang pusong luhaan
masaya na akong maging ganito,
masaya na ako sa mga kaibigan ko,
maging masaya na lang palagi
at walang iisipin na kahit na ano
kundi ang walang katapusan na pagtawa

sumasaya parin naman ako kahit wala ka,
sumusobra nga lang kapag andyan ka.

siguro talaga hindi lahat ng dumadaan ay bumabalik
kaya di na siguro ako maghihintay at magpapatuloy nalang.

sayang lang...
kaya mo nga syang mahalin
tulad ng pagmamahal na
ibinigay ko sayo
pero tatandaan mo:
WALANG IBANG TAONG KAYANG INTINDIHIN,
UNAWAIN AT HIGIT SA LAHAT MAHALIN KA
TULAD NG PAGMAMAHAL NA IBINIGAY,
IBINIBIGAY AT KAYA KO PA SANANG IBIGAY SAYO.


darating din ang panahon na hahanapin mo ang presensya ko
PAALAM! ^__^