reblog@ABBY
Unknown
Saturday, August 27, 2011
kamakailan lang ng magsimula ako mag-blog, may karamihan na rin pala ang aking naisulat, mga sulatin na siguro magulo at walang ibang makakuha, wala lang trip ko lang talaga mag blog ng kung ano-ano, mga bagay na sa tingin ko gustong ipagsigawan ng sarili ko, aminin ko gusto ko rin itong mabasa ng iba baka sakaling maintindihan nila, kamakailan lang din ng manghikayat ako ng ilang tao na magblog din, at isa na rito si ate ABBY, saludo ako sa kakayahan nyang magsulat, lalo na ng mabasa ko ang ginawa nyang tula. *bows down* simple lang walang kakaiba pero gusto ko, heto basahin nyo!___________________________________________________
TAXI
Mahabang oras na rin akong naghihintay dito sa tabi ng daan
Hinihintay ka sapagkat sabi mo’y ikaw ay daraan.
Lumipas na ang araw, magdadapithapon na.
Marami ng dumaan ngunit wala ka pa.
Isa lang naman ang pinanghahawakan ko
Ang sinabi mong daraan ka at isasakay ako
Kaya nga kahit mahabang oras na akong nakatayo
Maghihintay pa rin ako.
Alam mo marami nang nagyaya saaking sumakay
Pwede raw akong sa kanila ay sumabay
Yung iba nga bumabargain pa
Sabi kahit libre ako'y isasakay nila.
Meron ngang kahit may sakay na
Pursigido talaga
Kahit daw ibaba nila ang kanilang pasahero
Basta sumabay lang ako.
Hindi ko sila pinansin
Sabi ko ikaw ay darating na rin
Kaya nga sila’y aking pinalampas
Kahit mahabang oras na ang lumipas.
Hindi nga ako nagkamali
Natanaw kita at ang lahat ay napawi
Ang lakas ng kaba ko
Para bang tintambol ang puso ko
Ngunit isang bomba ang sumabog sa akin
Nang sabihin mong ako’y hindi mo na maaring pasakayin
Sapagkat may pasahero ka nang iba
At hindi na maaaring ako’y sumabay pa.
Tinanong kita sabi ko bakit nangako ka pa
Sabi mo natukso ka sapagkat malungkot ang bumiyahe ng mag isa
Nasaktan ako ngunit wala na rin naman akong magagawa
Kaya nga hinabol ko na lang nang tingin nang umalis ka
Kaya heto ako naglalakad mag isa
Dumidilim na sa tingin ko kailangan ko ng magpahinga
Gusto kong magsisi kasi marami akong pinadaan
Di sana’y ako’y hindi naglalakd nang mag-isa sa daan
Bakit nga ba ako umasa
Masasabi ko bang ako’y isang tanga?
Hay makauwi na nga
Bukas marami pa naman ang dadaan.
______________________________________
alam kong may isang taong lihim na nagbabasa ng blog ko, pasensya kana baka iba ang pagpapakahulugan mo sa mga sinusulat ko, sabi ko nga sayo, blogger ako ng ibang tao hindi ng sarili ko, siguro nakakarelate ka sa tula, tama ba? masaya akong malaman na patuloy ka parin nagbabasa, sana balang araw ako naman makabasa ng mga mga titik at letra na gusto mong isulat, sana sa nalalapit na panahon, hindi kana magbabasa ng blog ko, kundi magkukwento na ako sayo kung ano bang nilalaman ng isip at puso ko. SALAMAT