tar-ba-ho
Unknown
Thursday, May 03, 2012
Ika-dalawa na pala ng Mayo, tamad parin ako! Ano bang bago dito?! Hindi na ako nasanay sa sarili ko. Sa tinagal tagal ng panahon, hasang hasa na ang galing ko sa pagiging tamad at batugan. Kaya nga minsan naniniwala na ako sa paulit-ulit na sermon saakin ng aking tiyahin; "Ay ewan sayo, sinong niloko mo? Sa tamad mong yan alam ko ngayon palang na hindi kana aasenso." Shutang ina kung di ka lang living thing matagal na kitang pinaanod sa Bicol river.
*Hmmmmn sabagay ultimo pagsulat dito sa blog ko ay tinatamad ako. Ang pangako kong jogging sa sarili ko hanggang ngayon drawing abot isang kilometro. Pati pag-upload ng mga litrato sa Facebook, iniisip ko palang nabuburyong na agad ako. Yung matagal ng hinihintay na video na pina-edit sakin hanggang ngayon raw video parin. At ang pinakamalalang kinatatamaran ko, ANG PAGHAHANAP NG TRABAHO.
Aaminin ko, takot talaga akong ma-reject. Ewan basta ang sama sa pakiramdam, masakit pa kapag ang puso ko ang nasaktan dahil sa pag-ibig. Anyway, di naman sa di talaga ako naghahanap ng mapgtatrabahuhan, nagsubmit narin ako ng tigtatatlong copy ng resume sa ilang kumpanya dito sa Bicol, sa Manels pati rin International Organization kinapalan ko na. Yun nga lang, ni isa wala pang nagpaparamdam. Kita mo na, kahit nandito lang ako sa bahay may nagagawa rin naman ako. Pero hindi tulad ng effort a ibinubuhos ng mga kaibigan ko na ngayon ay sinusubukang hanapin ang swerte sa ka-Maynilaan, ang effort ko kakatiting lang. Ano ba naman kasing magagawa ko, eh dalawang taon akong naka-ban dito sa probinsyang sinilangan. Liban sa pagiging tamad ko at batugan, pagdating sa paghanap ng pinapangarap kong trabaho ay masyadong mapili at maarte ako.
Saan ba ako pupulutin ng disposisyon kong ito. *Linsyak gusto kong magtino pero ang hirap hirap. Sa araw-araw na gumigising ako, unti-unti rin akong kinakain ng hiya sa sarili at sa magulang ko. Pakiramdam ko kasi masyado pa akong bata para pasanin ang isang responsibilidad na agad-agad naipatong sa akin. Bakit ba kasi hindi nalang ako nabuhay kung saan ang pamilya ko ay may sariling kumpanya na multi-milyon ang halaga. Syempre ilusyon ko lamang iyon, masaya naman ako sa kung anong meron ako ngayon kaya nga lang ang panahon hindi nakikisama. Isang buwan nalang, hayaan nyo akong magbulakbol at gawin ang lahat kong naisin. Pagkatapos nito, hindi na ako mangagako, hahanapin at hahabulin ko na ang aking swerte. Maging ano man ang aking kahinatnan, tatanggapin ko ito ng buong-buong at sisiguraduhing aangat ako balang araw: magiging isang sikat at hahangaan ako ng maraming tao, higit sa lahat ipagmamalaki ako ng mama at papa ko.
Kaya ngayon, walang sawa muna akong magtatampisaw at maliligo sa ulan hangga't maari. Salamat dumating na ang buwan ng Mayo nabawas-bawasan ang init ng aking ulo. At sa darating na Hunyo, alam kong suswertihin ako, dahil Birthday ko, magwiwish akong makahanap na ako ng TRABAHO!
Share ko lang kasi mukhang walang kwenta na ang pinagsusulat ko sa taas. Para naman ma-inspire ko kayo pati na rin ang sarili ko. Pampalubag pala ng loob, nabasa ko lang sa blog ng isang makulit na kaibigan ko. Wish me luck yow! :)
DON'T QUIT
Unknown Author
When things go wrong, as they sometimes will,
When the road you’re trudging seems all uphill,
When the funds are low and the debts are high,
And you want to smile, but you have to sigh,
When care is pressing you down a bit,
Rest, if you must, but don’t you quit.
Life is queer with its twists and turns,
As every one of us sometimes learns,
And many a failure turns about,
When he might have won had he stuck it out;
Don’t give up though the pace seems slow–
You may succeed with another blow.
Often the goal is nearer than,
It seems to a faint and faltering man,
Often the struggler has given up,
When he might have captured the victor’s cup,
And he learned too late when the night slipped down,
How close he was to the golden crown.
Success is failure turned inside out–
The silver tint of the clouds of doubt,
And you never can tell how close you are,
It may be near when it seems so far,
So stick to the fight when you’re hardest hit–
It’s when things seem worst that you must not quit.