Dios Mabalos Sir Jesse!


Sa paglisan ng isang huwarang pinuno, ang dating masayang lungsod ng Naga ay napalitan ng lungkot at pangungulila. Wala namang nag-akala na mangyayari ito lalo pa't sakanya, pero sadyang ganyan talaga ang buhay parang isang bula na bigla nalang puputok at mawawala. Gusto ko lang ibahagi itong isang artikulo na isinulat ni JHOANNA PAOLA BALLARAN sa Rappler. Hindi ko alam, basta naluluha ako na may kaunting saya habang binabasa ko ito. Sana mabasa nyo rin at sa huling pagkakataon ay makapagbigay-pugay tayo sa isang tao na nagpatunay na posible parin ang tuwid at malinis na pamumuno sa naghihikahos na bansa.

Hindi na ako magsusulat pa ng mahahabang sanaysay katulad ng iba sapagkat halos iisa rin lang naman ang nais kong iparating, eto nalang...


My mayor, Jesse Robredo

By: Jhoanna Paola Ballaran

More than 3 years ago, my cousin from Naga sometimes surprised us at home after driving for his boss, who had a lot of meetings and errands here in Manila. He never ran out of good stories to tell about his superior who had always been a well-loved public servant in the heart of Bicol region.

My cousin Toks worked for the then-Mayor of Naga City, Jesse Robredo. He worked for him as a driver for many years and I never heard any negative stories about his boss. Kuya Toks will tell us how Mayor Jess lived a simple life while leading his people.

Kuya Toks once told me how Mayor Jess encouraged one of his staff to patch up marital and family problem. He told me how Mayor would travel from Naga to Manila just to talk to a group of less than 10 student leaders and inspire them to serve the people the best way they can. He told me how Mayor prohibits any level of corruption by discharging any staff or official proven of wrongdoing.

Through these and other stories, I got to know Mayor Jess: a rare kind of man who has genuinely good intentions for his people.

The pride of Bicolanos

Both my parents are from Naga City and they witnessed how crime, corruption, and dirty politics flourished in the city back in the 60s until the 80s. Illegal drugs and syndicates were huge problems, while political clans were slinging mud from left to right. Naga was behind Legazpi City, the center of Bicol province back then.

But my parents told me how the young Mayor Jess transformed Naga into one of the best cities in the Philippines: all streets, even the smallest eskinitas,were turned into concrete pavements; illegal settlers were given houses to give families a decent place to live in; each contractor was given a project to avoid conflict; illegal drug operators were tracked down, and so many other things that could not be counted with my two hands.

I became proud of Naga City, where I trace my family’s roots. I became proud of the city I used to come home to during the summer – a city where the people love their government because of transparency and integrity. I wasn’t raised in my parent’s hometown but my love for Naga and Bicol grew as I saw Mayor Jess’ outstanding leadership and love for his city and his people.

A rare leader

I’ve always been curious about how Mayor Jess ran Naga City. How did he manage to live a simple and dignified life despite strong temptations in government? Why didn’t he use his power for personal gain after 18 long years? How was he able to stay grounded?

I wanted to know more about my parents’ stories on how he rode on a garbage truck to get to the typhoon-devastated areas then shoveled mud together with the people.

I wanted to tell him how proud I am of Naga City because of him, how I admire him for taking the extra mile to serve his people and for not taking advantage of the power they had given him.

I know I will never get a chance to tell and ask him these things, but I would like to applaud him for everything he has done for our beloved Nueva Caceresand the corruption-stained government he tried to fix.

We might mourn your death but we celebrate your life. Thank you very much, Mayor Jesse Robredo, on behalf of my family in Naga City which you have truly inspired.

Dae ka malilingawan can mga tawong pigsirbihan mo. Dios mabalos!

(You will not be forgotten by the people you served. Thank you.) - 
Rappler.com 


Noong una, hindi naman talaga ako ganoon kaapektado sa kanyang pagpanaw. Bukod sa tanggap ko na ang life and death situation, eh, wala naman kaming ugnayan sa isa't isa at ni minsan hindi ko tinangkang tanungin kung sino ba sya para sa iba. Ngunit, habang sinusubaybayan ko ang mga balita tungkol sakanya, doon ko unti-unting naramdaman ang lungkot at nalaman na hindi lang siya basta naging mayor ng Naga. Malaki ang nagawa nya para sa bayan, at hindi na ko magtatanong kung bakit at ano basta SALAMAT Sir Jesse!

                                                                        Video Credits:  Roje Semblante

PROUD AKONG MAGING NAGUENO DAHIL SAIMO SIR JESSE!

probe exp. 009

Journal Entry #109
(August 13 - 18, 9th week)

"Huwag kang mawawalan ng pag-asa hangga't di mo pa nakikita ang resulta"

Yay! Nine weeks na ako dito sa UPI, at hindi parin ako nagpapagapi ano mang hirap ng mga gawain. Totoo rin nga siguro yung isa pang kasabihan na "kapag talaga gusto mo yung ginagawa mo, hindi mo mararamdaman ang pagod." Syempre siguro minsan naman oo napapagod din kasi tao lang naman ako. Pero konting pikit-pikit lang ng mata at unat-unat ng buto, voila larga na naman sa trabaho!

Ngayong linggo may konting pressure sapagkat walang tigil ang dagsaan ng mga dapat i-book, i-shoot, at i-transcribe. Hilong-hilo na rin ako sa mga schedules at tasks na nakaatang sa akin. Parang gusto na ngang sumabog at gusto narin magsilabasan ng mga brain cells ko kasi nag-morph na sila into stress cells. *exagge* Pero may mga oras naman na ganadong-ganado ako lalo na tuwing may shoot. Lagi ko nalang iniisip na para naman ito sa ikagaganda ng lahat at ikagagaling ko. (hahaha)

Simula ng linggo blockbuster na agad ang mga taong aming iinterviewhin. Sa unang pagkakataon nakapasok ako sa kongreso at nakamayan pa ang ilan sa mga inaasahan kong pulitiko na mag-aahon sa naghihikahos nating bansa.

Ngunit sa mga sumunod na araw, biglang pakiramdam ko binagsakan ako ng langit at lupa sa dami ng AIFF files na dapat itranscribe, at kung bakit sa tuwing magsshoot ako'y laging umuulan. Naku dinagdagan pa ng kapalpakan ko sa isang shoot na ikinaasar ng 'kataastaasan, kagalang-galangang pinuno' Para ayoko ng maalala ang tagpong ito kasi nahiya naman ako. Nawalan tuloy ako ng tiwala sa sarili at bumaba ang energy ko.

Sa sumunod pang araw, naku mapapasabak yata kami sa matinding sukatan ng bilis, galing, diskarte at tatag ng tiyan. Isang malaking hamon para sa aming lahat ang magaganap na shoot para sa isa sa mga importante naming proyekto. Nakakatuwa pero sobrang nakakahaggard hanggang buto. Pakiramdam ko nangingitim na ako at kaunting tumbling nalang makikita ko na ang langit. Hindi nga ako binigo at talagang inubos naman ang natitira kong lakas ng agad-agad kaming dumiretso para sa isang shoot sa dating presidente ng bansa. Pinagpush-up ba naman kami ng 41 na beses at 84 na sit-ups. Booom pagdating ng bahay bagsak! Siguro yung araw na yun muli kong na-experience ang buhay production na sinasabi nila.

Minsan nakakapagod din pala kung puro nalang shoot, shoot dito shoot doon, shoot dito shoot doon, shoot ulit dito shoot pa uli doon. Diba nakakapagod kapag paulit-ulit. LOL Isang beses napaisip ako kung may naitutulong ba talaga ako sa kumpanya o lalo ko lang pinapahirapan ang mga bagay-bagat. *isip ko lang* Pero hanggang isip nalang yun kasi kailangan magtrabaho. Kahit nga minsan hindi ko alam kung saan ang papupuntahan nito eh sige lang ng sige kasi alam ko naman bago matapos ang bawat araw ay may magandang resultang maidudulot ang lahat ng ginagawa ko.

Yeah! Ang drama nun ah. Maiba tayo, napanood nyo ba yung episode namin na "Bigatin" balita ko nag number 1 yun sa trending list sa Twitter. Wohooo! Nakakatuwa na feeling ko horror movie nang makita ko ang sarili ko on screen and first time on National TV. Siguradong inabangan din yun ng nanay ko. Nakakaproud na sa pangalawang pagkakataon ay parte ka sa paggawa noon. Siguro yun na rin yung sagot sa tanong ko kanina. Siguro kailangan lang talaga ng tiyaga at wag agad mawalan ng pag-asa kasi naman hindi mo mai-enjoy ang mga bagay-bagay kung susuko kana agad. Tignan mo enjoy na enjoy ko yung show at bawing bawi lahat ng pagod.

Siyam na linggo palang naman akong nagtitiis na manirahan at sinusubukang hanapin ang kapalaran dito sa tinatawag naming "Urban Jungle", ilang taon pa akong mabubuhay at anong malay ko dito pala ako nakatadhana. Basta ngayon ano man ang kahinatnan ko, masaya ako at na-experience ko ang lahat ng ito.

P.S.
Pasensya kung minsan magulo ako magsulat at kadalasan wala talagang connect, haha anyway isang bagay pala na masaya kung nasaan man ako ngayon, ay ang mga libreng pagkain. Hindi ko nga maintindihan minsan kung bakit hindi nila ma-appreciate yung mga luto kasi ako naman sarap na sarap talaga (o baka patay gutom lang talaga ako, o sadyang mas masarap lang siya sa mga noodles na kinakain ko) Lalo na yung pasta at dessert na hindi ko alam kung ano ang tawag, naku PANALO! :)

PROBE EXP. 008

Journal Entry #108
(August 06 - 12, 8th week)

"Huwag mong tatakbuhan ang iyong mga takot, bagkus harapin ito ng buong paghahanda dahil sa paraang ito lamang ika'y magiging tunay na matatag."

Isang linggo na naman ang lumipas. Isang bagyo na naman ang dumaan sa Pilipinas. At hindi lang isa kundi tatlong napaka challenging experience na naman ang aking naranasan sa pananatili ko dito sa UPI.

Sa simula ng linggo medyo hindi na maganda ang panahon. Ilang araw na ring hindi nagpapakita si haring araw pero hindi ako papapigil upang gampanan ang mga trabahong dapat gawin. Nakakatuwang isipin na gumagaling na yata ako pagdating sa pag-book ng mga shoots. Halos tatlong tawag lang pumapayag na sila agad. Pagdating naman sa pag-transcribe, naku konting push nalang masasaulo ko na talaga ang keyboard na kahit hindi na tumingin ay kaya kong magtype. Malaking tulong ang mga hindi matapos-tapos na mga AIFF files upang ma-train ako hindi lang sa pagtatype pati na rin sa pagpapahaba ng aking pasensya.

Noong Martes first time kong na-experience na walang pasok sa opisina sapagkat sobrang tindi ng ulan. I therefore conclude hindi waterproof ang mga tao sa UPI (haha joke lang pows!)

Sa pagpasok ko uli sa opisina, naku napasabak agad ako sa matinding aksyon. Ang dapat na shoot sa senado ay naging shoot sa baha, kaya na-waley ang aking casual attire. Dito ko na-experiece yung mala journalist ang peg na nag-cocover ng mga nasalanta at i-experience mo talaga yung baha. Saludo ako sa kasama kong producer na walang arte-arte at handang gawin ang lahat makunan lang ang dapat na eksena. Kahit lumusong sa baha, habulin at akyatin kahit ang truck ng basura para makisakay, at kahit magpaikot-ikot at madumihan ang katawan. Mediang-media ang feeling ko nung araw na iyon. Kahit medyo natatakot na baka anong mangyari sakin kasi alam kong hindi ko naman kayang makipagsabayan, sige lang ng sige kasi ang totoo masaya na thrilling ang experience.

Sa parehong araw din ay first time ever kinausap ako ni ma'am Cheche Lazaro. Halos mapaupo ako sa sobrang kaba at hindi ko masambit ng tama ang mga letra. Nautusan pa akong mag-abot ng dokumento, naku eto na naman tayo. Nanginginig parin ang kamay ko at nangangatal ang aking dila paglapit ko sakanya. Tapos eto yung pinaka matindi, naatasan akong i-direct sa mga gagawing sitners si ma'am Cheche naku epic fail na naman yata to, parang na-mental block ako at di ko maigalaw ang sarili ko. Hindi naman siguro sa takot ako sakanya pero yung feeling na ewan di ko ma-explain. Kakaibang experience na naman

Sa mga sumunod na araw, sunod-sunod ang mga interviews. At mula sa mga interviews na yun ay madami ang natututunan. Eto yata ang isa sa mga benefits sa pagtatrabaho sa media kasi continuous ang learning parang nakikinig ka lang sa lecture ng guro tuwing may interview.

At ang pinakahuli sa mga challenging experience ngayong linggo ay ang pagpunta namin sa bahay ng isang sikat at big time na pulitiko dito sa bansa. Syempre medyo alangan ako dahil kahit ano mang oras kapag may mali akong ginawa ay pwede ako mabaril at di na huminga pang muli. Kinakabahan din noong una sapagkat isa rin ito sa malalaking projects na aming hinahawakan ngayon kaya dapat maayos at pulido ang trabaho.

Sa pagkalahatan, halos madaming first time at challenging experience ang nangyari sa linggong ito. Sobrang pasasalamat ko sa mga tasks noong mga nakaraang linggo dahil na-train at naihanda na kami kahit papaano para gampanan ang mga ganitong trabaho.

Probe Exp. 007

Journal Entry #107
(July 30 - August 04, 7th week)

"Kung hindi mo kayang gampanan ang mga simpleng trabaho, mas lalong mahihirapan kang hawakan ang malalaki at mas mabibigat na responsibilidad"

Ika-pitong linggo na pala namin dito sa UPI, unlimited parin ang mga gawain at mga learnings na natatanggap namin. Pitong linggo pa at siguradong busog na kami sa mga kaalaman at maaaring may ipagmalaki na sa mga kaibigan. Pitong linggo pa at tuluyan na kaming mag-goodbye sa nagsilbing pansamantalang training ground para sa mga tulad kong naghahagad maging isang media pratictioner at balang araw maka-inspire ng maraming tao.

Nitong linggo, dagsaan lahat ng mga gawain sa loob at labas ng opisina. Siksikan sa board ang mga shooting schedules at punong-puno rin ng mga reminders ang aking planner. Ngayon may 3 o 4 yatang projects na naka-assign saakin. Masaya na nakakapressure, at higit sa lahat nakakalito lalo na kung kaninong producer ka dapat magreport. Kailangan mag doble kayod sapagkat papalapit na ng papalapit ang mga deadlines. Kailangan din maging time-efficient upang sa isang araw ay maraming matapos. Kahit yung maliliit na gawain dapat isaalang-alang sapagkat kung hindi mo agad tatapusin ay maaaring magpatong-patong at maging isang malaking problema balang araw.

Dinagdagan pa ng kaba sa magiging resulta ng aming first editing experience. I-ccheck na ng mga producer yung ginawa kong istorya. Exciting naman kahit papaano pero nandun parin yung hiya at panliliit sa sarili sapagkat alam ko naman hindi pa ako ganoon kagaling pagdating sa pagsulat ng kwento at pag-eedit sa FCP. Bahala na si Batman, at noong nahusgahan na nga, medyo okay naman yung kinalabasan at syempre madami na naman akong tips na nakuha mula sa mga komento nila.

Siguro, isa sa mga natutunan ko ngayong linggo ay ang hindi pagsasawalang bahala sa mga maliliit na gawain. Dahil minsan yung mga simpleng pinapagawa ay yun pa yung isa sa mga importante. Katulad ng pagtatranscribe, paghahanap ng mga personal contact number, pagsulat sa kung anong oras ang shoot sa board, pag-update sa mga producers at pag-print ng kung ano-anong chenes. Kung hindi ko nagawa yung mga simpleng utos na yun sa akin, ay siguradong apektado lahat ng mga pangyayari dito sa opisina. At kung hindi ko nga kayang gawin ang mga simpleng bagay, eh pano pa kaya yung malalaking responsibilidad. Sa editing din, dapat sikaping ayusin kahit yung maliliit na detalye. Akala ko hindi na mahahalata yung butas, akala ko lang pala. Kailangang maging metikuloso sa lahat ng bagay lalo na't isa palang production ang pinasukan ko, maraming matitinik na mata ang kikilatis.

Ngayon, kung bibigyan ako ng isang malaking responsibilidad sa mga susunod na linggo, MMMMMN konting push pa siguradong kakayanin ko naman. :)

MNL143 = Ninay143

Gusto ko lang i-share itong isang kanta at ang boses ng isang dalagang pinagpala ang boses. Di man sya biritera pero yung feeling na hanggang sa pagtulog mo maririnig mo ang boses nya na tunog lullaby. :))

Nakita ka sa di inaasahang pagkakataon
Ganon pa rin ang yong mga matang nagsasabing,
Ako’y pagbibigyang muli…
Sana’y di pa huli, sana’y may oras pang nalalabi satin…
Sana’y di pa huli, sana’y makita pang muli, ang yong mga ngiti…
Mangangarap na lamang ba na mahagkan ka,
O may pagasa pa na bumalik tayo sa umpisa…
Mangangarap na lamang ba na mahagkan ka,
O may pagasa pa na bumalik tayo sa umpisa…
Pikit mata, na nananalangin, 
Na wag sanang muling agawin satin ang mga sandali,
Na ngayon pa lang bumabalik…
Kasabay ng tamis ng yong mga halik.
Sana’y di pa huli, sana’y may oras pang nalalabi satin…
Sana’y di pa huli, sana’y makita pang muli, ang yong mga ngiti…
Mangangarap na lamang ba na mahagkan ka,
O may pagasa pa na bumalik tayo sa umpisa…
Mangangarap na lamang ba na mahagkan ka,
O may pagasa pa na bumalik tayo sa umpisa…
Di na hahayaan pa…
Na muling mawalay sa iyong pagmamahal…
Handa ipagpaliban ang lahat, ang lahat…
Mangangarap na lamang ba na mahagkan ka,
O may pagasa pa na bumalik tayo sa umpisa…
Mangangarap na lamang ba na mahagkan ka,
O may pagasa pa na bumalik tayo sa umpisa…
Mangangarap na lamang ba na mahagkan ka,
O may pagasa pa na bumalik tayo sa umpisa…
Mangangarap na lamang ba na mahagkan ka,
O may pagasa pa na bumalik tayo sa umpisa…
#DreamyVoice

PROBE EXP. 006

Journal Entry #106
(July 23-25, 6th week)

"i-Push natin yan at bigyan natin ng chance!"

Anyway, kung napansin nyo tatlong araw lang ako pumasok nitong linggo. Nagbakasyon kasi ako ng ilang araw sa Bicol at may mga inasikaso naring importanteng bagay.


Sa tatlong araw na pananatili ko sa opisina, medyo natambakan kami ng trabaho sapagkat sunod sunod na ang projects na paparating. Kailangan mag multi-tasking, transcribe ka ng 1 million minutes, tapos book mo si Winnie the Pooh and friends, tapos mamaya may meeting and brainstorming. Okay lang naman dahil gaya ng dati tulong-tulong parin para maging mabilisan ang paggawa. Push lang ng push alang-alang sa magandang proyekto.

Ramdam na ramdam ko na ang Buhay Production ika nga. Pagod at puyat, pauli-ulit at nakakangalay, pressured and energy demanding, pero alam mo yung pakiramdam na di ka naboboring at Go ka parin. Siguro ganun talaga kapag gusto mo yung trabaho.

Medyo nakaluwag-luwag na rin dahil natapos nang i-shoot lahat ng interviews and sitners na kailangan para sa aming activity. Medyo excited na rin nga akong i-edit at makita ang kalalabasan ng shoot. Gaya ng dati, natatawa parin ako sa kinalalabasan ng aking script tuwing chini-check ni Ma'am Booma. Naku masyadong makulay at ang dating 4-page script ay nagiging 6 pages. Nakakatuwa, kahit madaming puna pero nandun parin ang pagkatuto sa mga mali mo. Mas lalo tuloy ako nai-inspire magsulat.

Sa pag-uwi ko naman sa Bicol, madami akong trabahong naiwan. Balak ko naman iuwi ngunit pag-uwi ko ay dinatnan ako ng lagnat. Salamat kay Loi sa pagsalo ng mga gawain na nakaatang sa akin. Dahil din sa pag-uwi ko nabigyan ako ng chance na makapagpahinga at makapag nilay-nilay kahit saglit. Alam kong madami akong mami-miss sa ilang araw kong pagliban. Babawi nalang ako sa pagbalik ko.

Hanggang sa muli kong pagbabalik sa bagong buhay na aking tinatahak. I-push at bigyan natin nang chance yan. :))