Probe Exp. 007

Journal Entry #107
(July 30 - August 04, 7th week)

"Kung hindi mo kayang gampanan ang mga simpleng trabaho, mas lalong mahihirapan kang hawakan ang malalaki at mas mabibigat na responsibilidad"

Ika-pitong linggo na pala namin dito sa UPI, unlimited parin ang mga gawain at mga learnings na natatanggap namin. Pitong linggo pa at siguradong busog na kami sa mga kaalaman at maaaring may ipagmalaki na sa mga kaibigan. Pitong linggo pa at tuluyan na kaming mag-goodbye sa nagsilbing pansamantalang training ground para sa mga tulad kong naghahagad maging isang media pratictioner at balang araw maka-inspire ng maraming tao.

Nitong linggo, dagsaan lahat ng mga gawain sa loob at labas ng opisina. Siksikan sa board ang mga shooting schedules at punong-puno rin ng mga reminders ang aking planner. Ngayon may 3 o 4 yatang projects na naka-assign saakin. Masaya na nakakapressure, at higit sa lahat nakakalito lalo na kung kaninong producer ka dapat magreport. Kailangan mag doble kayod sapagkat papalapit na ng papalapit ang mga deadlines. Kailangan din maging time-efficient upang sa isang araw ay maraming matapos. Kahit yung maliliit na gawain dapat isaalang-alang sapagkat kung hindi mo agad tatapusin ay maaaring magpatong-patong at maging isang malaking problema balang araw.

Dinagdagan pa ng kaba sa magiging resulta ng aming first editing experience. I-ccheck na ng mga producer yung ginawa kong istorya. Exciting naman kahit papaano pero nandun parin yung hiya at panliliit sa sarili sapagkat alam ko naman hindi pa ako ganoon kagaling pagdating sa pagsulat ng kwento at pag-eedit sa FCP. Bahala na si Batman, at noong nahusgahan na nga, medyo okay naman yung kinalabasan at syempre madami na naman akong tips na nakuha mula sa mga komento nila.

Siguro, isa sa mga natutunan ko ngayong linggo ay ang hindi pagsasawalang bahala sa mga maliliit na gawain. Dahil minsan yung mga simpleng pinapagawa ay yun pa yung isa sa mga importante. Katulad ng pagtatranscribe, paghahanap ng mga personal contact number, pagsulat sa kung anong oras ang shoot sa board, pag-update sa mga producers at pag-print ng kung ano-anong chenes. Kung hindi ko nagawa yung mga simpleng utos na yun sa akin, ay siguradong apektado lahat ng mga pangyayari dito sa opisina. At kung hindi ko nga kayang gawin ang mga simpleng bagay, eh pano pa kaya yung malalaking responsibilidad. Sa editing din, dapat sikaping ayusin kahit yung maliliit na detalye. Akala ko hindi na mahahalata yung butas, akala ko lang pala. Kailangang maging metikuloso sa lahat ng bagay lalo na't isa palang production ang pinasukan ko, maraming matitinik na mata ang kikilatis.

Ngayon, kung bibigyan ako ng isang malaking responsibilidad sa mga susunod na linggo, MMMMMN konting push pa siguradong kakayanin ko naman. :)