PROBE EXP. 008
Unknown
Tuesday, August 14, 2012
Journal Entry #108
(August 06 - 12, 8th week)
"Huwag mong tatakbuhan ang iyong mga takot, bagkus harapin ito ng buong paghahanda dahil sa paraang ito lamang ika'y magiging tunay na matatag."
Isang linggo na naman ang lumipas. Isang bagyo na naman ang dumaan sa Pilipinas. At hindi lang isa kundi tatlong napaka challenging experience na naman ang aking naranasan sa pananatili ko dito sa UPI.
Sa simula ng linggo medyo hindi na maganda ang panahon. Ilang araw na ring hindi nagpapakita si haring araw pero hindi ako papapigil upang gampanan ang mga trabahong dapat gawin. Nakakatuwang isipin na gumagaling na yata ako pagdating sa pag-book ng mga shoots. Halos tatlong tawag lang pumapayag na sila agad. Pagdating naman sa pag-transcribe, naku konting push nalang masasaulo ko na talaga ang keyboard na kahit hindi na tumingin ay kaya kong magtype. Malaking tulong ang mga hindi matapos-tapos na mga AIFF files upang ma-train ako hindi lang sa pagtatype pati na rin sa pagpapahaba ng aking pasensya.
Noong Martes first time kong na-experience na walang pasok sa opisina sapagkat sobrang tindi ng ulan. I therefore conclude hindi waterproof ang mga tao sa UPI (haha joke lang pows!)
Sa pagpasok ko uli sa opisina, naku napasabak agad ako sa matinding aksyon. Ang dapat na shoot sa senado ay naging shoot sa baha, kaya na-waley ang aking casual attire. Dito ko na-experiece yung mala journalist ang peg na nag-cocover ng mga nasalanta at i-experience mo talaga yung baha. Saludo ako sa kasama kong producer na walang arte-arte at handang gawin ang lahat makunan lang ang dapat na eksena. Kahit lumusong sa baha, habulin at akyatin kahit ang truck ng basura para makisakay, at kahit magpaikot-ikot at madumihan ang katawan. Mediang-media ang feeling ko nung araw na iyon. Kahit medyo natatakot na baka anong mangyari sakin kasi alam kong hindi ko naman kayang makipagsabayan, sige lang ng sige kasi ang totoo masaya na thrilling ang experience.
Sa parehong araw din ay first time ever kinausap ako ni ma'am Cheche Lazaro. Halos mapaupo ako sa sobrang kaba at hindi ko masambit ng tama ang mga letra. Nautusan pa akong mag-abot ng dokumento, naku eto na naman tayo. Nanginginig parin ang kamay ko at nangangatal ang aking dila paglapit ko sakanya. Tapos eto yung pinaka matindi, naatasan akong i-direct sa mga gagawing sitners si ma'am Cheche naku epic fail na naman yata to, parang na-mental block ako at di ko maigalaw ang sarili ko. Hindi naman siguro sa takot ako sakanya pero yung feeling na ewan di ko ma-explain. Kakaibang experience na naman
Sa mga sumunod na araw, sunod-sunod ang mga interviews. At mula sa mga interviews na yun ay madami ang natututunan. Eto yata ang isa sa mga benefits sa pagtatrabaho sa media kasi continuous ang learning parang nakikinig ka lang sa lecture ng guro tuwing may interview.
At ang pinakahuli sa mga challenging experience ngayong linggo ay ang pagpunta namin sa bahay ng isang sikat at big time na pulitiko dito sa bansa. Syempre medyo alangan ako dahil kahit ano mang oras kapag may mali akong ginawa ay pwede ako mabaril at di na huminga pang muli. Kinakabahan din noong una sapagkat isa rin ito sa malalaking projects na aming hinahawakan ngayon kaya dapat maayos at pulido ang trabaho.
Sa pagkalahatan, halos madaming first time at challenging experience ang nangyari sa linggong ito. Sobrang pasasalamat ko sa mga tasks noong mga nakaraang linggo dahil na-train at naihanda na kami kahit papaano para gampanan ang mga ganitong trabaho.