PROBE EXP. 006

Journal Entry #106
(July 23-25, 6th week)

"i-Push natin yan at bigyan natin ng chance!"

Anyway, kung napansin nyo tatlong araw lang ako pumasok nitong linggo. Nagbakasyon kasi ako ng ilang araw sa Bicol at may mga inasikaso naring importanteng bagay.


Sa tatlong araw na pananatili ko sa opisina, medyo natambakan kami ng trabaho sapagkat sunod sunod na ang projects na paparating. Kailangan mag multi-tasking, transcribe ka ng 1 million minutes, tapos book mo si Winnie the Pooh and friends, tapos mamaya may meeting and brainstorming. Okay lang naman dahil gaya ng dati tulong-tulong parin para maging mabilisan ang paggawa. Push lang ng push alang-alang sa magandang proyekto.

Ramdam na ramdam ko na ang Buhay Production ika nga. Pagod at puyat, pauli-ulit at nakakangalay, pressured and energy demanding, pero alam mo yung pakiramdam na di ka naboboring at Go ka parin. Siguro ganun talaga kapag gusto mo yung trabaho.

Medyo nakaluwag-luwag na rin dahil natapos nang i-shoot lahat ng interviews and sitners na kailangan para sa aming activity. Medyo excited na rin nga akong i-edit at makita ang kalalabasan ng shoot. Gaya ng dati, natatawa parin ako sa kinalalabasan ng aking script tuwing chini-check ni Ma'am Booma. Naku masyadong makulay at ang dating 4-page script ay nagiging 6 pages. Nakakatuwa, kahit madaming puna pero nandun parin ang pagkatuto sa mga mali mo. Mas lalo tuloy ako nai-inspire magsulat.

Sa pag-uwi ko naman sa Bicol, madami akong trabahong naiwan. Balak ko naman iuwi ngunit pag-uwi ko ay dinatnan ako ng lagnat. Salamat kay Loi sa pagsalo ng mga gawain na nakaatang sa akin. Dahil din sa pag-uwi ko nabigyan ako ng chance na makapagpahinga at makapag nilay-nilay kahit saglit. Alam kong madami akong mami-miss sa ilang araw kong pagliban. Babawi nalang ako sa pagbalik ko.

Hanggang sa muli kong pagbabalik sa bagong buhay na aking tinatahak. I-push at bigyan natin nang chance yan. :))