probe exp. 009

Journal Entry #109
(August 13 - 18, 9th week)

"Huwag kang mawawalan ng pag-asa hangga't di mo pa nakikita ang resulta"

Yay! Nine weeks na ako dito sa UPI, at hindi parin ako nagpapagapi ano mang hirap ng mga gawain. Totoo rin nga siguro yung isa pang kasabihan na "kapag talaga gusto mo yung ginagawa mo, hindi mo mararamdaman ang pagod." Syempre siguro minsan naman oo napapagod din kasi tao lang naman ako. Pero konting pikit-pikit lang ng mata at unat-unat ng buto, voila larga na naman sa trabaho!

Ngayong linggo may konting pressure sapagkat walang tigil ang dagsaan ng mga dapat i-book, i-shoot, at i-transcribe. Hilong-hilo na rin ako sa mga schedules at tasks na nakaatang sa akin. Parang gusto na ngang sumabog at gusto narin magsilabasan ng mga brain cells ko kasi nag-morph na sila into stress cells. *exagge* Pero may mga oras naman na ganadong-ganado ako lalo na tuwing may shoot. Lagi ko nalang iniisip na para naman ito sa ikagaganda ng lahat at ikagagaling ko. (hahaha)

Simula ng linggo blockbuster na agad ang mga taong aming iinterviewhin. Sa unang pagkakataon nakapasok ako sa kongreso at nakamayan pa ang ilan sa mga inaasahan kong pulitiko na mag-aahon sa naghihikahos nating bansa.

Ngunit sa mga sumunod na araw, biglang pakiramdam ko binagsakan ako ng langit at lupa sa dami ng AIFF files na dapat itranscribe, at kung bakit sa tuwing magsshoot ako'y laging umuulan. Naku dinagdagan pa ng kapalpakan ko sa isang shoot na ikinaasar ng 'kataastaasan, kagalang-galangang pinuno' Para ayoko ng maalala ang tagpong ito kasi nahiya naman ako. Nawalan tuloy ako ng tiwala sa sarili at bumaba ang energy ko.

Sa sumunod pang araw, naku mapapasabak yata kami sa matinding sukatan ng bilis, galing, diskarte at tatag ng tiyan. Isang malaking hamon para sa aming lahat ang magaganap na shoot para sa isa sa mga importante naming proyekto. Nakakatuwa pero sobrang nakakahaggard hanggang buto. Pakiramdam ko nangingitim na ako at kaunting tumbling nalang makikita ko na ang langit. Hindi nga ako binigo at talagang inubos naman ang natitira kong lakas ng agad-agad kaming dumiretso para sa isang shoot sa dating presidente ng bansa. Pinagpush-up ba naman kami ng 41 na beses at 84 na sit-ups. Booom pagdating ng bahay bagsak! Siguro yung araw na yun muli kong na-experience ang buhay production na sinasabi nila.

Minsan nakakapagod din pala kung puro nalang shoot, shoot dito shoot doon, shoot dito shoot doon, shoot ulit dito shoot pa uli doon. Diba nakakapagod kapag paulit-ulit. LOL Isang beses napaisip ako kung may naitutulong ba talaga ako sa kumpanya o lalo ko lang pinapahirapan ang mga bagay-bagat. *isip ko lang* Pero hanggang isip nalang yun kasi kailangan magtrabaho. Kahit nga minsan hindi ko alam kung saan ang papupuntahan nito eh sige lang ng sige kasi alam ko naman bago matapos ang bawat araw ay may magandang resultang maidudulot ang lahat ng ginagawa ko.

Yeah! Ang drama nun ah. Maiba tayo, napanood nyo ba yung episode namin na "Bigatin" balita ko nag number 1 yun sa trending list sa Twitter. Wohooo! Nakakatuwa na feeling ko horror movie nang makita ko ang sarili ko on screen and first time on National TV. Siguradong inabangan din yun ng nanay ko. Nakakaproud na sa pangalawang pagkakataon ay parte ka sa paggawa noon. Siguro yun na rin yung sagot sa tanong ko kanina. Siguro kailangan lang talaga ng tiyaga at wag agad mawalan ng pag-asa kasi naman hindi mo mai-enjoy ang mga bagay-bagay kung susuko kana agad. Tignan mo enjoy na enjoy ko yung show at bawing bawi lahat ng pagod.

Siyam na linggo palang naman akong nagtitiis na manirahan at sinusubukang hanapin ang kapalaran dito sa tinatawag naming "Urban Jungle", ilang taon pa akong mabubuhay at anong malay ko dito pala ako nakatadhana. Basta ngayon ano man ang kahinatnan ko, masaya ako at na-experience ko ang lahat ng ito.

P.S.
Pasensya kung minsan magulo ako magsulat at kadalasan wala talagang connect, haha anyway isang bagay pala na masaya kung nasaan man ako ngayon, ay ang mga libreng pagkain. Hindi ko nga maintindihan minsan kung bakit hindi nila ma-appreciate yung mga luto kasi ako naman sarap na sarap talaga (o baka patay gutom lang talaga ako, o sadyang mas masarap lang siya sa mga noodles na kinakain ko) Lalo na yung pasta at dessert na hindi ko alam kung ano ang tawag, naku PANALO! :)