Probe Exp. 005
Unknown
Friday, July 27, 2012
Journal Entry #105
(July 16-21, 5th week)
"Kapag may itinanim, kailangan ikaw din ang mag-ani. Kapag nagtiyaga may babauning nilaga kinabukasan."
Yahooooo! Isang buwan narin pala ako dito sa Probe, pero parang ang tagal-tagal na rin simula ng ako'y magsimula. Hindi ko maipaliwanag sa aking sarili ang tunay kong nararamdaman. Basta alam ko napakalaki nang tuwa ko sapagkat sa loob ng maikling panahon madami na agad akong natutunan, mga mumunting tulong na nagawa, at mga taong nakilala. Sana hindi pa ito ang huling buwan ko dito. Gusto ko pang madagdagan ang aking mga kalaaman, gusto ko pa muling makita ang aking pangalan 'on screen' at makadaupang palad ang iba't ibang uri ng tao. Gusto kong punuin ang mga susunod na buwan ng magaganda at mga makabuluhang gawain. Alam kong madami pa akong magagawa sa pananatili ko dito sa Probe...
Mabalik tayo...
Kung ang ibang ka co-interns ko dito sa probe ay aligaga sa mga gawain sa school at dito sa opisina, nitong linggo ay medyo naging madali naman ang lahat para sa akin. Siguro unti-unti narin kasi akong nasasanay sa mga gawain dito. Pano ba namang di ako masanay, eh ni minsan hindi ako umabsent. *clap clap* "Perfect Attendance." Anyway, tapos narin kasi ang Dolphy kaya medyo nagpahinga muna kami dito sa opisina ng kaunti. Ang maibabahagi ko lang siguro ay yung mga kanya-kanya naming shoots ng mga "interesting jobs" kahit hindi ko kasi shoot ay sumasama ako. Tuwang-tuwa ako kahit dalawang beses inulit yung shoot ni Loi tungkol sa mga cosplayer at human statue. Nakakaaliw sobra, ang malungkot lang dun ay uulit na naman dahil nabura. Okay lang masaya naman akong nakakatulong. Volunteer kaya to!
Sa kabilang banda...
Lubos kong kinasaya ang hatid na balita nang Kataas-taasan, kagalang-galangang punong tagapangasiwa ng Probe. Bakit? Sekreto lang namin yun ni Loi. Basta natutuwa ako dahil sure ball nang magagawa ko lahat ng mga nabanggit ko sa itaas. Nagbunga na ang lahat ng pagod at hirap namin. At dahil dyan sa mga susunod na linggo at buwan siguradong mas magiging motivated na ako magtrabaho. Susulitin ko lahat ng oportunidad na binibigay sa amin at hangga't kaya ko ipu-PUSH ko lahat ng makakaya ko. Basta yun lang muna sa ngayon.
MASAYA ako kahit medyo haggard at sabaw na rin. Nami-miss ko na ang Bicol pero magtiyatiyaga ako dito para sa mga taong umaasa at naghihintay na balang araw ikaka-proud nila ako.
ALL is WELL :))