Probe Exp. 004

Journal Entry #104
(July 09-14, 4th week)

"Ang buhay parang palabas sa TV o isang pelikula, lahat kailangan magtapos. Ngunit dapat huwag malungkot sapagkat sa bawat pagtatapos ay may bagong kabanatang magbubukas. At mananatili ang mga alaala ng lumipas." (DINO, 2012)

Unang araw palang ng linggo ay nasabak na agad kami sa isang hamon kung saan susubukin ang aming galing sa pagsusulat ng makabuluhang script. Ang buong akala ko ay magiging simple lang ang lahat sapagkat noon pa man ay nakagawa na ako ng mga script. AKO'Y NAGKAMALI, HINDI PALA MADALI. Bukod sa sabaw ang interview na aking napili (Shoe Repair) ay mahirap din humugot ng istorya kung wala ka namang first hand experience. Hanggang sa nabuo ko na nga ang script at sa tingin ko yun nalang ang inabot ng pag-iisip ko.

Open E-mail...
Send script...
Wait for a day...
and Feedback...

"Naiintindihan ko na mula sa transcript ng interview, mahirap makagawa ng isang matinong script. at di nga ako nagkamali. huwag ka mag-alala dahil, tulad ng sabi ko, naintindihan ko." (Booma, 2012)

Natawa nalang ako...
Tapos biglang nalungkot...

Nalungkot ako hindi dahil sa epic fail ang kinalabasan ng aking script, kundi dahil sa biglaang pagkamatay ni Dolphy. Hindi man ako lumaking idolo si Mang Dolphy, nasubaybayan ko rin ang ilan sa kanyang mga palabas sa TV habang ako'y nagkakaisip. Lumalim pa ito, noong magsimula akong magtrabaho dito sa Probe TV, halos isang buwan ko rin naming inungkat at sinubaybayan ang buhay ni Mang Dolphy. Mula sa mga pelikula, kwentong pag-ibig hanggang sa kanyang pribadong buhay. Mas nakilala ko ng buo kung sino ba talaga si Mang Dolphy na tinuturing ng marami na nag-iisang Hari ng Komedya.

Sa biglaan niyang paglisan sa mundo, nagkagulo rin ang industriya ng media. At isa kami sa mga nabagabag sapagkat kailangan ng madaliin ang ginagawa naming special docu na laan lamang para sa kanya. Ako naman, buong puso at tiyaga talaga akong tumulong alang-alang sa ikagaganda ng programa at kahit man lang sa huling pagkakataon ay maipakita ko ang aking pagsaludo sa nag-iisang Mang Dolphy. Nabigla lang ako nang kami ang naatasan pumili ng shots sa bawat segment. Nakakaexcite na nakakatakot pero nakaya naman sapagkat nakaantabay ka naman sa pag edit supervise. Higit sa lahat, isang magandang experience makatrabaho ang mga tao na may sipag at may dedikasyon sa napili nilang larangan. Nakita ko kung paano nagagawa ang mga imposible at kung paano nila binibigyang pagpapahalaga kahit ang mga mumunting trabaho.

Now Showing "HARI NG KOMEDYA"

P.S
Laking tuwa ko ng makita ko ang aking pangalan sa hulihan ng palabas. Napawi lahat ng pagod at ang halos isang buwan na paghihintay. First time TV credits! *hooray! :)