Probe Exp. 003
Unknown
Monday, July 16, 2012
Journal Entry #103
(July 02-07, 3rd week)
"Pasensya ay habaan sapagkat sa Production ito ay higit na kailangan." (DINO, 2012)
Bago paman magsimula ang linggo, alam ko ng magiging mahirap ang mga susunod na araw sapagkat wala ang bibo kid na si Loi. Tingin ko lahat nang mahihirap na gawain ay mapupunta pansamantala sa aking mga kamay. Datapwat, naging okay at madali naman ang ibang gawain sa simula ng linggo dahil andyan naman ang dalawang taga-UP (si Kaya at Natalie) na sanggang dikit ko sa mga gawain at pati narin sa kalokohan dito sa Probe.
Transcribe niyo yung interview ni ano, timecode niyo yung transcript ni ano, log and transfer niyo ang mga ito, at tapos punta kayo agad sa ABS para mag-Dalet dahil urgent na ito. Tulong-tulong kaming tatlo sa mga gawain upang matapos ng mas mabilis at maaga, pero syempre hindi sa lahat ng oras ay nandito sila sa opisina upang may makatulong ako sa trabaho.
At dito na nagsimula ang lahat...
Isang beses ay naatasan ako ng kataas-taasan at kagalang-galangang pinuno ng UPI na sumama at pamunuan ang shoot kasama ang buong crew sa may bandang Recto. Isang jurassic na sinehan ang location shoot at kailangan makakuha kami ng mga creative shots na gagamitin sa isang importanteng palabas. Medyo nangatog ang mga tuhod ko at biglang na-speechless ako ng mga tatlumpo't isang segundo. Hindi ko alam ang gagawin kaya naman todo tanong at notes na ako sa mga dapat gawin bilang P.A sa kauna-unahang pagkakataon. Ang buong akala ko ay maayos na ang lahat at nakuha ko na lahat ng impormasyon na kinakailangan. Buong akala ko rin ay maayos na ang pag-uusap ng aming kontak at yung pupupuntahan namin na may-ari ng sinehan.
Hanggang sa panahon na naroroon na nga kami sa lugar, isang matandang hukluban na bantay sarado at hilig ang pag-aamok ang aming nadatnan. Bilang nag-iisang P.A kailangan paamuhin, lambingin, pakalmahin, pababain ang presyon at kung ano-ano pang panunuyo na handa naman gawin nang inyong lingkod dahil siya parin ang may-control sa magiging sitwasyon ng aming shoot. Ginawa ko naman ang dapat. Kausapin ng maayos at mahinahon sa kabila ng kanyang mga reklamo, mataas na tono ng boses at ang kanyang paulit-ulit na pagpaparinig, pero tingin ko sa puntong iyon ako ang pinaka-apektado. Ano ano nalang ang pinagsasabi nya at minsan ayaw ko na talagang makinig, magtatakip nalang ng tenga. Kahit gaano ko man gustuhin na bombahin nalang ang sinehan kasama siya, syempre hindi pupwede iyon. Sinusunod ko nalang ang mga kagustuhan niya at kung maaari nakikiusap alang-alang sa magandang creative shots.
Hindi ko lang pinapahalata pero rattled na talaga ako sa mga oras na iyon. Inaamin ko naman na pagdating sa mga bagay-bagay ay mabagal ako magdesisyon at makaisip ng solusyon. Halos ibinuhos ko ng lahat upang mapatahimik lang sa pag-aamok si nanay. Epektib naman siguro kahit papano sapagkat natapos rin namin lahat ng dapat gawin. Yung nga lang ang sakit ng mga huling binitiwan n nanay na mga salita:
(Mahinang boses) "Sana tinanong niyo man lang ako kung anong gusto kong kainin."
"Sige na alis na kayo. Babush (laugh) Sa susunod huwag na kayong uulit. Hindi na kayo makakaulit pa dito. Na stress tuloy ako! (laugh)"
Pasensya narin po at sa susunod po hindi na po talaga ako uulit sainyo. LOL
P.S
Natapos naman ang linggong ito na masaya sapagkat natuto ako sa kung paano ang proseso sa pag Audio Bed. Masaya na nakakatanga at kailangan din ng pasensya sa mighty mouse. :)