Probe Exp. 002

Journal Entry #102
(June 25-29, 2nd week)

"Walang mahirap na gawa 'pag dinaan sa tiyaga." -Anonymous

Ngayong linggo medyo hindi na ako nakasama sa mga shooting nang kung sinong Poncio Pilato. Datapwat may mga bagong gawain naman akong natutunan sa loob nang pananatili ko sa loob ng opisina. Ito'y mga gawain na madalas ay iniiwasan ko sapagkat alam kong nangagailangan ng lubos na pagtiyatiyaga. Transcribe dito, Dalet doon. Research mo si ganito, tawagan mo dito. Mahirap kung wala kang tiyaga...

Sa pagta-transcribe palang, paulit ulit mong pakikinggan ang sinasabi habang ini-encode mo ito at kailangan ng proper timing. Ang saklap kung mapunta sayo yung mahahabang interview.

Sa pagda-Dalet naman kailangan mo talagang panoorin ang buong pelikula na kadalasan malayo naman sa mga tipo mong palabas pero minsan naman matatawa ka nalang, at syempre kailangan mong suriin ang bawat eksena.

Sa pare-research, naku nakakabaliw sa dami ng results na inilalabas ni Google at kung aling impormasyon ba talaga ang tama, at kung tao naman ay saang lupalop mo naman hahanapin ang mga taong ito pati ang kanilang mga numero.

At panghuli ang pagtawag o pagkontak sa mga di mo kilalang tao. Magbabaka sakali ka nalang na sya talaga yung taong hinahanap mo. Kontak sa telepono, facebook hanggang sa twitter. Karamihan puro sablay kasi hindi naman pala sila. Kaya minsan yung mga kinontak ko makikita ko nalang ina-add na ako.

Sa kabilang banda, na-realize ko na importante itong lahat dahil kung magkukulang tayo dito ay siguradong hindi makukumpleto ang kabuuan ng kuwento. Isa pa, masaya naman kung tutuusin sapagkat nai-ensayo lahat ng kakayahan mo at masusukat ang tunay na kagalingan na meron sayo. Tiyaga lamang ang kailangan at of course pwedeng pwede naman magpatulong.

P.S
Yung interview exercise pala ang pinaka challenging sa linggong ito. Eh si Ma'am Booma Cruz ba naman ang magtuturo na isa sa mga the best dito. Yung resulta, syempre plangak ang performance ko. Nagkulang yata ako sa tiyaga na kausapin ng mahinahon at masinsinan ang isang naabusong bata. Pero okay lang dahil sa dami ng natutunan ko sa kung ano ang mga dos & don'ts sa pag-iinterview, alam kong sa second take mas magaling na ako! :)