reblog@EL
Unknown
Saturday, July 16, 2011
SIRANG PLAKA.
Nakakainis ang ulan.
Nakakalungkot.
Naiisip na naman kita.
Kamote. Hindi na nga ba talaga ako makakausad?
Gusto ko ng pakawalan ang nararamdaman ko
pero paulit-ulit akong bumabalik sa'yo,
naghihintay ka man sa'kin o hindi.
Nasanay na 'ko. Marahil nasanay ka na rin sa'kin.
Parang hibang lang.
Humihiling ako sa mga bituing sana'y mapansin mo ulit.
Sana mabigyan muli ng pagkakataon.
Ngunit, ewan, tila ba sagabal din ako sa buhay mo.
Minsan naisip ko, baka masyado na nga talaga akong makulit.
Isang kaibigang patuloy na naniniwala sa'yo.
Ewan, tinamaan kasi. Letse.
Hindi na nga kita gaanong nakakausap.
Tamang paggalaw ng mga kilay mo at
pagguhit ng ngiti sa mukha mo
ang alam kong paraan mo nang pagpansin sa'kin.
Kung se-swertehin ay tatanguan mo at
madalang na kawayan mo;
paalis ka man o parating.
Hay.
Pero pare, makita lang kitang naka-ngiti
kahit huwag mo na 'kong pansinin maghapon
ayos lang.
Kahit papano alam kong ayos ka pa.
Hindi na rin ako makapghintay na dumating ang araw
na hindi na ikaw ang titingnan ko,
hahangaan, iisipin at mamahalin.
Sana kapag dumating ang oras na 'yun,
masaya ka rin.
Ewan, pati pagiging masaya mo e pino-problema ko na rin.
Nakakatuwa. Nakakatawa. Nakakabaliw.
'Yaan mo, isang taon na lang naman.
Pag di na tayo nagkikita,
baka makalimot na rin ako.
_________________________
Wheew...
Keribells...
Hehehe...
Hahaha...