Ano raw?
Unknown
Saturday, July 30, 2011
"Mahirap umibig ng may kaagaw ka pero kahit anong mangyari mahal mo parin sya at kahit alam mong sa huli talong talo ka na"
bakit ba kasi may mga taong hindi marunong lumugar
mga taong hindi talaga marunong makiramdam
na kahit alam nilang bawal sumiksik, nagpupumilit parin
ang iba naman kasi hindi marunong makuntento sa isa
oo wala naman taong perpekto na taglay lahat ng gusto mo
pero bakit minahal mo pa sya kung magmamahal ka rin ng iba
ang pag-iibigang totoo sa tingin ko para lang sa dalawa
hindi maaaring tatlo o may kasawsaw na mga atribida
hindi naman ito pamilya na dapat magmahalan ang isa't isa
ang sinasabi kong pag-ibig yung romantic at espesyal
na minsan mararamdaman mo kung ikaw ay may pusong nagmamahal
may sinuswerte, may mga minamalas kahit ang pinaka matalino man
minsan nasasabi ko nga kung pwede wag nalang magmahal
magmahal ng isang taong aalayan mo ng atensyon na espesyal
para kung sakaling di magtagal walang masasaktan
o kaya naman, pwedeng sabihin nalang kung sinong itinakda sayo
taong sakto at karapatdapat sa pagmamahal na maibibigay mo
at susuklian, pahahalagahan lahat ng pag-ibig na ibubuhos mo
sino ba kasing nagsabi na "love is about taking risk"
gaguhan ba to? parang magtataya ka lang sa peryahan
bago ka paman mag-risk 90% ng asahan mong uuwi kang luhaan
ang pag-ibig ay buhay kaya dapat kung maaari huwag gawing sugal
hindi dapat nating gawing larong pambata at biro biro lang
di naman kailangan seryoso basta tapat lang at totoo
tae nang pag-ibig, tignan mo kung ano ano naisusulat ko
nagawa kasing kunin ang atensyon ko ng isang number sa showtime
at ngayon ako'y nagbablog tungkol sa mensahe nito
nakakatuwa si vice ganda ang dami lamang ideya sa ulo nya!
at gaya nya nakikisimpatya ako sa mga kaibigang luhaan.
KAIBIGAN MAY KARMANG TINATAWAG 'WAG KANG MAG-ALALA.