metaMORPHOSIS
Unknown
Monday, July 25, 2011
mood swings ang buhay ko ngayon, walang permanente
walang kwenta rin ang mga blog ko kasi wala man nakakaintindi
madami akong gustong gawin pero hindi ko naman magawa
natanga na naman ako dun at ilang buwan na ako nagba-blog
oo madami nga pero karamihan naman di sumasakto sa gusto ko
trip ko sana yung babagay sa pangalan ng blog ko na snapSHOTS
pero wala eh, kung meron man ang gulo-gulo gamitin
minsan lumabas sa search engine ang kasalukuyang layout ko ngayon
wala lang, may bigla lang ako na-MISS na isang importanteng bagay
PALAKA siya na ibinigay sa akin bilang regalo sa pasko
isang kaibigan na palaka na walang buhay at lagi kong karamay
oo palaka sya na sabi nila kamukha ko na raw, konti na lang
letse! pero iniingatan ko yun sapagkat may sentimental value ba
sa kasamaang palad ninakaw, na todos losantos sa apartment
alam ko naman na maibabalik yun sa akin tinatamad lang ako kunin
pero sa mga panahon ngayon na kailangan na kailangan ko sya, wala!
oo stuff toy lang yun pero malaking bahagi sya ng pagkatao ko
hahaha at dahil sa layout na palaka at PAENG ang pangalan nya
gagawin ko nalang itong blog ko na blog din nya para masaya
nakakainis lang yung pangalan na KIMIKO, di ko alam pano alisin
kaya mula ngayon si PAENG na ang magba-blog para sainyo.
obvious ba na yung green si PAENG |