kalabaw lang ang tatanda
Unknown
Saturday, July 30, 2011
Ang tao kagaya ng puno sa paglipas ng panahon lumalaki at tumatanda. Parang bulaklak din na yumayabong at unti-unting nalalagas. Ganyan ang buhay sa mundo mabilis ang takbo, kaya dapat ariin mo at sulitin ang bawat oras at minuto na ibinigay ng tadhana saiyo. Datapwat sa musmos na kaisipan maaring hindi pa natin ito lubos batid, kaya sa pagtanda maraming bagay na gusto mong balikan at sariwain. Minsan nga kulang nalang hilingin mo sa langit na ika’y ibalik sa pagkabata.
Sino nga naman ang ayaw manatiling bata: sa panlabas na kaanyuan, sa puso, sa diwa at sa pakiramdam? Talagang napakasarap at napakasayang maging bata. May magkailang bagay na pawang bata ang tanging nakadarama hangang sa ika’y magbinata o magdalaga na.
Dahil dyan gusto ko muling maging bata. Ang bata walang inaalalang problema puro lang laro at kung ano-anong walang kabuluhang bagay. Walang gaanong pangangailangan sapagkat Koko krunch lang at kendi sapat na. Wala pa masyadong pakiramdam dahil laging masaya at nakatawa. Wala yung taong itinuturing na espesyal kasi lahat ng tao tingin ay kalaro at kaibigan. Nakakalungkot man ding isipin, madaming bagay sa aking pagkabata ang nais kong balikan.
Gusto ko ulit maging bata dahil ayaw ko ng pakiramdam ng isang nagbibinata. Hindi ko naman masabing masakit at mahirap pero nandun yung bugso na TUUGSSSH na di ko maipaliwanag. Naiirita nga ako minsan dahil kahit sarili ko hindi ko na maintindihan. Ganito ba talaga? Kung oo pwedeng huwag nalang? Gusto kong maglaro muli ng habulan at tago-taguan. Gusto ko maligo at magbabad sa ilalim ng langit habang umuulan. Gusto ko makipagpikunan hangang isa samin ay maasar. Gusto kong matulog kung saan ako abutan ng antok. Gusto ko yung easy easy lang walang magtatangka bumatok. Gusto ko magsisigaw, magsayaw at kumanta kahit walang dahilan. Wala lang nasanay lang siguro akong maging bata at siguro natatakot akong tumanda, ayaw kong matulad sa mga puno at mga bulaklak.
___________________________________________
haha... lahat ng yan ay dahil kay ma'am ibarbia na aming butihing guro sa filipino 3.
___________________________________________
haha... lahat ng yan ay dahil kay ma'am ibarbia na aming butihing guro sa filipino 3.