tiis = tisis

gaano man kahirap ang bawat pagbangon ko sa araw-araw

kailangan kong tumayo mula sa pagkakahimbig at maglakad

harapin ang lubak-lubak na daan at mga tampalasan sa gubat

di maiwasan masugatan, masaktan at mapuno ng iyong galit

di naman kasi pwedeng tumigil, sa paglalakbay ay mahuhuli

alam ko namang hindi ako nag-iisa, marami kami't sama-sama

sige lang kayod lang at sa huling yugto makikita ang bahaghari

doon magsasaya kasama ang mga diwata at diyosa sa kalupaan

magdidiwang sa kasipagan at sa kagalingan na iyong ipinamalas

HUWAG KANG SUMUKO, KUNDI SA HULI IKAW AY TALO!