inLAB eh!

"All of us have someone who is hidden in the bottom of our heart,
when we think of him/her, we will feel like um-mm...
always feel a little pain inside,
but we still want to keep him/her.

even though i don't know where she is today,
what is she doing,
but she is the one who makes me know this,
a little thing called LOVE."

It was just yesterday when my big bro pushed me to watch this movie entitled First Love (A Little Thing Called Love), so that i could tell him if it's worthwhile to watch. *grrrr* I was unwilling at first because it's almost a 117 minuter Thai movie and I have already seen the teaser of it on ABS-CBN, and that didn't catched my appetite. However, he still managed to put me in front of the computer and found myself enjoying the film until the last frame. But actually what made me finished the entire film was it showed me a very good introduction through a voice over narration on the first few scenes uttering the quotations above. Every single line brought me so much emotion and was very reflective on my part, on my best bud part.

I will not write this entry alone, i am writing this because i feel it and i sympathize to every individual who feels the same way. To those who love tenderly but just hiding the pain they feel inside. To those who give too much but love becomes too unfair. To those who always try to be strong but at the end of the day they end up knock off in bed. For and To someone i know, you are always with me.

S - I
Oo, hindi ko man sabihin may isang tao na nakatago sa kailaliman ng puso ko, at kailanman walang makakaalam sa totoong pagkatao niya. Kung meron man, siguro pinahintulutan ko ang taong yun manghimasok sa buhay ko. Hindi sa ikinakahiya, ipinagdadamot, tinatago ko o ano man basta ayoko lang sapagkat makasarili ako, gusto ko akin lang siya (hehe). Pero ang tanong naman sakin, ako lang din ba ang nasa puso nya. Di naman sa ako'y umiiwas pero sadyang pagdating talaga sa pribado kong buhay ayaw ko na itong napag-uusapan. Natuto na ako ng magkailang beses at sa tingin ko mas makakabuti ng ganito.

S - II
Sa araw araw na naiisip ko siya, sa bawat oras na pinapasok nya ang utak ko di ko maipaliwanag kung ano bang tunay na nararamdaman ko. Siguro nag-uumapaw nga ang aking saya na kahit ako'y nakatalikod na makikita mo parin ako'y nakangiti o nakatawa. Datapwat sa tingin ko di na normal iyon. Minsan nga nagsisi na akong nakilala ko siya, kung bakit pa siya dumaan daan sa buhay ko, kung bakit ko pa pinayagan ang dapat alam kong hindi ko muna ginawa. Papanga-pangako pa ako sa lahat na mag-aaral muna ako pero ano, wala kinain ko lahat ng sinabi ko. Ano naman sakin ngayon, gaya nga ng sabi ko MASAYA ako.

S - III
Masaya nga ba ako? di ako magsasalita ng tapos kasi hangang ngayon alam kong nasasaktan parin ako, nahihirapan sa bawat araw na dumadaan at umiiyak paminsan minsan. Subalit sa tuwing makakasama ko na siya, kakarampot lang siguro ang sakit na yon kumpara sa laki ng ginhawa sa puso na inihahatid niya. Minsan nga parang limot ko na lahat ng problema kasi lagpas kalahati ng problema ay kapag hindi siya kasama. Ganyan talaga siguro kapag nagmamahal, handa ka masaktan, hindi naman pala sa masaktan mas nagiging manhid ka lang sa mga bagay-bagay.

S - IV.
Sa kabila ng lahat, kahit patuloy kang nasasaktan, patuloy kang nagpapakatanga, nagpapakabobo, napapakamartir, patuloy ka parin sa pagmamahal ng lubos at totoo sa taong yun. Na kahit hindi niya man masuklian lahat ng ginagawa mo, na kahit hindi nya magawang sabihin ng diretso sayo ang mga dapat mong marinig, na kahit ganyan sya ay okay lang lahat sayo. Iiyak mo nalang sa ilang minuto o oras hangang sa matuyuan kana ng luha, at pagkatapos okay ka na naman basta para sakanya. Mahirap talaga itama ang isang mali mong gawain lalo na kung ito mismo ay nagdudulot ng ligaya sayo. Hahayaan mo nalang kasi masaya ka at anong magagawa mo kundi itago mo nalang uli sya sa puso mo.

SPACE
Sa mga nasimulan ng basahin ito. Oo talaga masyadong OA at siguro masasabi ng iba na napakababaw. Iba iba kasi tayong paraan kapag nagmamahal, nagkakaiba sa pag-ibig. Eh ganyan talaga. Pero salamat nagbigay ka ng konting oras magbasa salamat talaga at salamat din sakanya.

S - V
Kahit hindi ko man alam kung nasaan sya:  kung saang lugar at kung kumain na ba sya, at kung isa pa ba ako sa mga laman ng puso nya. Hanga't sinasabi nyang mahal nya rin ako at alam ko naman na mahal ko rin sya, patuloy akong magmamahal ng totoo at magpaparaya. Siguro di naman sya manggagamit, sadyang mapagbigay at mapagmahal lang siyang tao.

S - VI
Kahit hindi ko man alam kung anong ginagawa nya: kung anong pinagkakaabalahan at pinagkakalokohan nya ngayon. Basta sabihin nyang masaya at nasa maganda naman syang kalagayan, mapapanatag ako at mag-iisip nalang kung paano siya mapapasaya sa panahong kami'y muling magkakasama.

S - VII
Bago ko tapusin ang kagaguhang ito. Gusto ko lang iparating sainyo na kahit ganito, kahit na masyadong unfair at walang kwenta ang bagay na pinag-aalayan ko. Na halos bahagi na ng buhay ko ay nasasayang sa iisang bagay na walang kasiguraduhan. OKAY LANG AKO, wag mo masyadong damdamin at seryosohin ang mga pinagsasasabi ko, buti ka nga hindi mo to nararanasan, masyado ko lang sigurong na-exaggerate, kung hindi man hayaan mo na ako kasi nga siya ang taong who makes me know this thing.... sa paraang kakaiba at espesyal at sa paraang cloud nine ang pakiramdam.

S - VIII
a little thing called pag-PADANGAT nin totoo hale sa boot asin puso, na mayong hinahagad nin ano man na karibay.

END
Sa huli, bago matapos ang araw walang ibang makapagsasabi kung sino ang nararapat para saiyo, walang iba kundi ang sarili mo. Hindi ang nanay mo, ang tatay, kuya, ate, tito, tita o kung sino mang poncio pilato. Ikaw ang mas nakakakilala sa sarili mo higit kanino man, IKAW dapat ang may alam sa kung saan ka tunay na magiging maligaya. SAKANYA ko natagpuan yun.
_______________________

You may wonder if this is real happening in my life. Yes it may or may Not but one thing is for sure, it is someone's story which i am trying to understand and to know. :3


emo si Eloy?

*mmmn*

ang buhay ko?!
di kasing kulay ng buhay ng iba,
simple lang walang kakaiba..
walang maipagmamalaki..
okay lang naman sakin kahit na ano..
basta nandyan ka, masaya na ako..

*sigh*

di man maging tayo,
magpapasalamat parin ako..
magkaibigan parin tayo..
at sa paraan mo..
naaalis lahat ng takot ko..
magpapatuloy ang buhay ko..

*deep sigh*

ang buhay ko?!
nawalan ng sigla ng mawala ka..
buhay na sana maayos na..
baka sakaling sa pagkakataong ito..
maging sapat na ako sa pag-ibig mo..
maging karapat dapat para sayo..

*deep big sigh*

di man maging tayo,
ok lang walang problema..
sa panaginip nalang kita isasama..
malay mo sa ikalawang buhay..
doon may isa pang ikaw naghihintay
sa ating huling pag-asa.

*cry*


di ko maalala kung kailan, kung para kanino, at kung anong dahilan kung bakit naisulat ko ito, siguro mahal na mahal ko at napakahalaga nung tao na aalayan ko sana nito. ayoko na sigurong alalahanin, bukod sa napaka-korni na, masaya na ako ngayon. ayos na siguro yun. n_n


♥ tediBEAR

maiinis na sa'kin ang lahat pero hindi siya,
kasi mahal niya ako at siguro magkaugali nga kami.

Nang una ko s'yang makadaupang palad di ko lubos akalain na malayo at magiging malalim ang aming pagsasamahan, di naman kasi s'ya ganun ka-attractive (LOL) pero alam kong mabait siya.

Sa pagpasok ko sa lungga isa sya sa mga unang nagpakita at nagparamdam sa akin na ako'y may halaga at importante rin kahit papa'no sa buhay nila.

Kaya bilang pagbibigay pugay sa babaeng walang kapaguran sa buhay, babaeng di nasasawa tumambay sa office may ginagawa man o wala, babaeng ubod ng bait pero saksakan naman ng korni, babaeng siguro takot ng ma-inlab, at babaeng madami kang masasabi na maganda at kapuri-puri tungkol sa kanya.

Heto, ang entry ko sa ngayon ay inaalay ko sakanya kasabay ng pagbabago sa kanyang buhay. (sana magustuhan mo kahit churva churva lang)

Higit sa lahat at bago ang lahat, dalawang bagay pa ang hindi ko maipaliwanag kung bakit nga ba: siya ang isa sa mga babaeng patuloy nagpapatibok ng puso ko, at isa sa mga dahilan ko para bumangon sa araw-araw.

Kaya ito, gumawa na naman uli ako ng isang maikling presentasyon para sa ikatlong babae na bibigyan ko ng buhay sa walang kwentang blog ko.




SALAMAT sa lab, hugs and smile mo mamaBEAR,
you are one of those beautiful things,
that happened in my college life
and made it so worthwhile.
LOVElots!


♥ nicodemus

Feb. 18, 2011
10:34AM
__________________________________

kapag tinanong nila ako kung okay lang ako...
sila: okay ka lang?
ako: kung tatanungin nyo ako kung okay lang ako..eh okay lang naman ako.
        maganda naman ang pakiramdam ko. pero kung ibang bagay na itatanong
        nyo sakin. baka hindi na ako maging okay.
- hahaha!! scripted!

(text from anonymous, for now)
__________________________________

di ko masyadong gets kung ano man ang kanyang nararamdaman,
kahit nakausap ko na sya ng pang ilang ulit na,
siguro may mga bagay talagang di ko na kailangan unawain,
hahayaan ko na lang ang sarili ko na makinig at
hahayaan ko ang sarili ko na magbigay ng isang mumunting handog
para sa isang kaibigan na walang ginawa kundi...
ang maging tapat na kaibigan sa'kin sa araw-araw. =)


                                                                                                                                                   
                                                                                                                                                      
oh ayan,
sabi ko naman sayo ang 3rd entry ko ay inaalay ko para sayo
kaya dapat masaya at cool kana uli
at wak na wak mo kakalimutan ang pasalubong ko.

LOL


iingat ikaw lagi
superfriendsHUG
mwa


☺ sino ni?

i damn want to have my second entry already
but i have no concrete thought to start with.

maybe an introduction of my self is good
though so over rated, still i find it interesting.

i am somehow fond of sharing stupid things
in this way i am loved or criticized.

so i ended up writing a free verse
any thing that made me as crazy.

____________________

ako si NECU - Nico John... labing-pitong taong gulang at nag-aaral sa isang unibersidad na mas mahal pa ang tuition fee sa UP.

sandamukal na hindi mo na kailangan pang malaman:

1. liko-liko ang guhit ng palad ko
2. halos kalahati ng buhay ko mula fetus hangang grade 3 di ko maalala
3. mahilig ako sumakay sa unahan ng jeep
4. ibinubulsa ko lahat ng maliliit na papel na sinusulatan ko.. di ko iniiwan kung saan-saan
5. bulol ako sa R (lettew) kahit saang letra naman yata
6. gustong magpatattoo ng small star sa right waist line sa likod
7. at tattoo pa uli ng pangalan ng ex girlfriend nung highschool sa left naman (lol)
8. minsan gusto ko rin magpalagay ng hikaw sa left ear
9. mahilig akong manood ng mga indie films at documentaries
10. nahihilo ako sa mga pabango sa kotse lalo na yung may nakaukit na lito & nene
11. mahilig ako sa sinigang na baboy/baka
12. inihaw
13. seasoning at suka
14. tofu
15. cream-o (yung dinudurog)
16. mahilig ako sa tinapay
17. pizza
18. iced tea
19. acrophobic
20. may matinding takot sa ahas at ipis.. actually sa lahat ng hayop
21. may nunal sa tooot (lol)
22. laging puyat
23. malakas maglamaw
24. cokefloat
25. may kiliti sa kili-kili at talampakan
26. laging feeling natatae
27. mabilis mainlab
28. paranoid
29. may matinding pananampalataya sa diatabs
30. hindi pa nagkakapigsa
31. nahiwa ang ulo habang naliligo sa ulan
32. hindi sumasayaw
33. nakatupi yung dulo ng magkabilang tenga kapag natutulog
34. at di makatulog ng maayos kapag walang kumot kahit mainit
35. di mapigilang magmura minsan
36. bobo sa math
37. dating nangarap maging doktor ng baby
38. maliit ang paa
39. boxer shorts
40. adam
41. my sassy girl
42. patrick starfish
43. betina carlos
44. dennis trillo
45. mabilis maglakad
46. pawisin
47. bugnutin
48. hindi nagta tuckin
49. di kumakain ng isda
50. may ilang peklat dahil sa chickenpox
51. magaling mangtorture ng insekto
52. mahilig manipa ng pusa
53. naglalaway minsan pag tulog
54. hindi kayang pahabain ang dila
55. mahilig maligo
56. nangangagat kapag nang-gigigil
57. o mangurot sa katabing braso
58. di nakukontento sa sagot na 'OK'
59. oishi shoestring
60. loner (pagka anti-social)
61. laging feeling outcast
62. hindi marunong magdrive
63. walang sports
64. hindi marunong magbasketball
65. nagkukulangot pag nahihiga at walang tao
66. hindi kayang umihi basta basta sa kalye
67. mahilig sa gulay
68. kayang maligo at tumae ng sabay
69. nasusuka sa mga toothpaste na may kulay
70. most behave daw nung kinder at elementary
71. suspended sana ng ilang weeks dahil pasimuno ng inuman nung CAT Ball sa high school
72. kickout sa catholic school
73. allergic sa itlog at manok (pawala na)
74. sugat lagi ang kuko kapag nagsasariling nail cut
75. mahilig makipag debate (kung kanino lang at walang magawa)
76. unappreciative
77. dating naniniwala na ako si red ranger
79. nagigising pag may humahawak sa paa
80. may mga naging syota pero isa lang naging girlfriend (lol)
81. mahilig mag senti
82. nikon D60
83. dise-siete nung natutong mangarap
84. malimit sumpungin ng mood-swing
85. mahilig maasar sa sarili
86. hindi mahilig sa isdang may sabaw
87. claustrophobic
88. ayaw ng pinupuri ng harapan (bihira naman mangyari yun.. bwahahahaah)
89. mahilig umamoy sa kamay
90. laging nagko-cotton buds pagkapaligo
91. nadidiri sa putik o sa basang lupa
92. mahilig mantesting ng mga rules
93. walang tiwala sa sarili
94. mahilig magbasa pero bihira tapusin
95. nakapamulsa / nakahalukipkip / nakapamewang
96. hindi ako naliligo sa mas maganda naming banyo.. kahit na may gumagamit ng lumang banyo.. hihintayin at hihintayin ko siyang matapos
97. hindi ako nag-iiwan ng basong may lamang tubig sa lababo.. it's either oobligahin kong ubusin yung laman o itatapon ko na lang
98. hindi mahilig uminom ng kape
99. impulsive buyer
100. always OC (obsessive compulsive)
101. mahilig sa mga shorts
102. matalino nung bata
103. magaling pumili ng kanta sa videoke
104. mas malaki ang posibilidad na mawalan ako ng gamit sa loob ng bahay kesa sa labas
105. foreign singer – michael bublae at john mayer
106. mahilig magkuyakoy
107. may tourette syndrome yata ako pag nakatayo.. hindi pwedeng tumagal ako na hindi kekembot o iuuga ko yung katawan ko
108. takot sa luka luka
109. mahilig magkagat ng kuko
110. spongebob, dora, funboy and chumchum
111. hindi morning person
112. bagong oishi marty's
113. chowking’s sweet n sour lauriat / naicha
114. hindi ako nakakapag isip pag hindi kumukunot ang noo at humahaba ungos ko’
115. sobrang kagatin ng lamok
116. naka todo yung electric fan tapos nakakumot pag natutulog
117. madami maglagay ng yelo mas madami pa sa inumin
118. walang FB account
119. mixed bailey's
120. royal true orange
121. c2 yellow mixed with mountain dew
122. matipid sa pera

.. to be updated!