inLAB eh!

"All of us have someone who is hidden in the bottom of our heart,
when we think of him/her, we will feel like um-mm...
always feel a little pain inside,
but we still want to keep him/her.

even though i don't know where she is today,
what is she doing,
but she is the one who makes me know this,
a little thing called LOVE."

It was just yesterday when my big bro pushed me to watch this movie entitled First Love (A Little Thing Called Love), so that i could tell him if it's worthwhile to watch. *grrrr* I was unwilling at first because it's almost a 117 minuter Thai movie and I have already seen the teaser of it on ABS-CBN, and that didn't catched my appetite. However, he still managed to put me in front of the computer and found myself enjoying the film until the last frame. But actually what made me finished the entire film was it showed me a very good introduction through a voice over narration on the first few scenes uttering the quotations above. Every single line brought me so much emotion and was very reflective on my part, on my best bud part.

I will not write this entry alone, i am writing this because i feel it and i sympathize to every individual who feels the same way. To those who love tenderly but just hiding the pain they feel inside. To those who give too much but love becomes too unfair. To those who always try to be strong but at the end of the day they end up knock off in bed. For and To someone i know, you are always with me.

S - I
Oo, hindi ko man sabihin may isang tao na nakatago sa kailaliman ng puso ko, at kailanman walang makakaalam sa totoong pagkatao niya. Kung meron man, siguro pinahintulutan ko ang taong yun manghimasok sa buhay ko. Hindi sa ikinakahiya, ipinagdadamot, tinatago ko o ano man basta ayoko lang sapagkat makasarili ako, gusto ko akin lang siya (hehe). Pero ang tanong naman sakin, ako lang din ba ang nasa puso nya. Di naman sa ako'y umiiwas pero sadyang pagdating talaga sa pribado kong buhay ayaw ko na itong napag-uusapan. Natuto na ako ng magkailang beses at sa tingin ko mas makakabuti ng ganito.

S - II
Sa araw araw na naiisip ko siya, sa bawat oras na pinapasok nya ang utak ko di ko maipaliwanag kung ano bang tunay na nararamdaman ko. Siguro nag-uumapaw nga ang aking saya na kahit ako'y nakatalikod na makikita mo parin ako'y nakangiti o nakatawa. Datapwat sa tingin ko di na normal iyon. Minsan nga nagsisi na akong nakilala ko siya, kung bakit pa siya dumaan daan sa buhay ko, kung bakit ko pa pinayagan ang dapat alam kong hindi ko muna ginawa. Papanga-pangako pa ako sa lahat na mag-aaral muna ako pero ano, wala kinain ko lahat ng sinabi ko. Ano naman sakin ngayon, gaya nga ng sabi ko MASAYA ako.

S - III
Masaya nga ba ako? di ako magsasalita ng tapos kasi hangang ngayon alam kong nasasaktan parin ako, nahihirapan sa bawat araw na dumadaan at umiiyak paminsan minsan. Subalit sa tuwing makakasama ko na siya, kakarampot lang siguro ang sakit na yon kumpara sa laki ng ginhawa sa puso na inihahatid niya. Minsan nga parang limot ko na lahat ng problema kasi lagpas kalahati ng problema ay kapag hindi siya kasama. Ganyan talaga siguro kapag nagmamahal, handa ka masaktan, hindi naman pala sa masaktan mas nagiging manhid ka lang sa mga bagay-bagay.

S - IV.
Sa kabila ng lahat, kahit patuloy kang nasasaktan, patuloy kang nagpapakatanga, nagpapakabobo, napapakamartir, patuloy ka parin sa pagmamahal ng lubos at totoo sa taong yun. Na kahit hindi niya man masuklian lahat ng ginagawa mo, na kahit hindi nya magawang sabihin ng diretso sayo ang mga dapat mong marinig, na kahit ganyan sya ay okay lang lahat sayo. Iiyak mo nalang sa ilang minuto o oras hangang sa matuyuan kana ng luha, at pagkatapos okay ka na naman basta para sakanya. Mahirap talaga itama ang isang mali mong gawain lalo na kung ito mismo ay nagdudulot ng ligaya sayo. Hahayaan mo nalang kasi masaya ka at anong magagawa mo kundi itago mo nalang uli sya sa puso mo.

SPACE
Sa mga nasimulan ng basahin ito. Oo talaga masyadong OA at siguro masasabi ng iba na napakababaw. Iba iba kasi tayong paraan kapag nagmamahal, nagkakaiba sa pag-ibig. Eh ganyan talaga. Pero salamat nagbigay ka ng konting oras magbasa salamat talaga at salamat din sakanya.

S - V
Kahit hindi ko man alam kung nasaan sya:  kung saang lugar at kung kumain na ba sya, at kung isa pa ba ako sa mga laman ng puso nya. Hanga't sinasabi nyang mahal nya rin ako at alam ko naman na mahal ko rin sya, patuloy akong magmamahal ng totoo at magpaparaya. Siguro di naman sya manggagamit, sadyang mapagbigay at mapagmahal lang siyang tao.

S - VI
Kahit hindi ko man alam kung anong ginagawa nya: kung anong pinagkakaabalahan at pinagkakalokohan nya ngayon. Basta sabihin nyang masaya at nasa maganda naman syang kalagayan, mapapanatag ako at mag-iisip nalang kung paano siya mapapasaya sa panahong kami'y muling magkakasama.

S - VII
Bago ko tapusin ang kagaguhang ito. Gusto ko lang iparating sainyo na kahit ganito, kahit na masyadong unfair at walang kwenta ang bagay na pinag-aalayan ko. Na halos bahagi na ng buhay ko ay nasasayang sa iisang bagay na walang kasiguraduhan. OKAY LANG AKO, wag mo masyadong damdamin at seryosohin ang mga pinagsasasabi ko, buti ka nga hindi mo to nararanasan, masyado ko lang sigurong na-exaggerate, kung hindi man hayaan mo na ako kasi nga siya ang taong who makes me know this thing.... sa paraang kakaiba at espesyal at sa paraang cloud nine ang pakiramdam.

S - VIII
a little thing called pag-PADANGAT nin totoo hale sa boot asin puso, na mayong hinahagad nin ano man na karibay.

END
Sa huli, bago matapos ang araw walang ibang makapagsasabi kung sino ang nararapat para saiyo, walang iba kundi ang sarili mo. Hindi ang nanay mo, ang tatay, kuya, ate, tito, tita o kung sino mang poncio pilato. Ikaw ang mas nakakakilala sa sarili mo higit kanino man, IKAW dapat ang may alam sa kung saan ka tunay na magiging maligaya. SAKANYA ko natagpuan yun.
_______________________

You may wonder if this is real happening in my life. Yes it may or may Not but one thing is for sure, it is someone's story which i am trying to understand and to know. :3