Ngayon, Ang Hangin ay Amihan
Unknown
Tuesday, June 12, 2012
***
Noong isang araw lamang,
mapait at mapakla ang lasa
ng prutas na dalwang buwan
ko nang binabantayan.
Noong isang araw lamang,
nasobrahan sa tabang
ang sabaw ng karne
na nagbibigay init sa bahay
Ngayon ay dahan dahang
tumatamis at sumasarap ang prutas,
ang sabaw ay muling nagkakasustansya…
ang buwan ay magpapaalam
habang ang araw sa silangan
dahan dahan nang sumisilip sa kagubatan.
---
Ito na ang simula.
Wala na akong balak malungkot, ngayon o bukas.
Tapos na ang kahapon.
Ito na ang bagong araw na susundan.
***