re-syu-mey
Unknown
Friday, April 20, 2012
Nabasa ko ito sa page ng Jobs in Bicol. Share ko lang. Matutuwa ka!______________________________________________________
Dahil gagraduate ka na, eto ang aking ilang resume writing tips kung pers time kang gagawa (at ilang preparasiyon bago isumite ang bakunawa)-- isang napaka-importanteng advice mula sa isang ekspertong kaibigang na ang ngalan ay NERY RONATAY.
1. Plantsahin ang resume. Hindi ito labanan ng kapal ng papel, kundi kung paano mo pina-package sarili mo. Pag-isipang mabuti kung nakarating ka na sa fourth page.
2.Mag-invest sa magandang papel at printer, at pumili ng behave na font (Times New Roman, Trebuchet, Arial..). Anong mensahe mo naman kung ang font mo ay Magnetto at Monotype Corsiva, aber?
3. Ang resume ay hindi gamot. BAWAL ANG GENERIC. Araling mabuti ang job description at i-tailor dito ang resume. Kung hindi mag swak, baka hindi mo dapat aplayan.
4. Wag isnabin ang mga volunteer works mo. Malaki ang sinasabi sa pagkatao mo kung anong bagay pinagvo-volunteer-an mo. Kaya kung estudiyante ka pa, mag-volunteer at maging masigla sa extra curriculars para may laman ang fresh na fresh mong CV.
5. General cleaning ng Facebook. Ok kung private ka, pero puwede mo naman i-public yung mga bagay na mas makakadagdag pogi points sayo, halimbawa mga Likes and Interest. Iwasan ang bayolente at mga misleading na Pages na nila-like mo. Sige nga, anong impression ang iiwanan mo kung ang FB Interest mo ay "I Heart Osama" at "Kimerald: Do or Die"? At ang public pictures mo ay humihila ka ng patay na daga at links mo ay "rape" website? In short, make your FB your marketing friend.
6. Now that we are at it, i-google ang sarili (at ang email mo, you'll be surprised). Linisin ang digital footprint. bakita makita na internet troll ko o basher ka ni Sharon Cuneta.
7. Eto pa, gawing friendly ang username ng email address. Kung ang email mo ay wanker4ever@yahoo.com or radioactive_pekpek@hotmail.com-- palitan! Humanap ng hindi tunog mental.
8. Ang resume ay hindi slumbook. Alisin ang mga clutters: pangalan ng magulang, hair color/body weight/height (makikita naman nila sa interview, unless may physical requirement).
9. Ang goal ng cover letter: AKITIN MO AKO. Ang cover letter mo ay dapat level lang ang haba pero dito mo sinasabi kung bakit dapat kang pag-interesan. Walang fast rule sa tenor/dating/tunog/atake ng pagkakasulat ng resume, DEPENDE yan sa nature ng org na inaaplayan. Mas may leeway sa creative industries. Eto lang, when in doubt, be safe.
10. Unless hingin, hindi required na mag-attach ng barangay clearance, "good moral character," endorsement ni meyor, transcript/diploma, most punctual certificate, etc. Pero dapat ready siya lalo kung dumating sa interview at hingin sayo. Ang prinsipyo, pag di hiningi, hindi kailangan.
11. Kumodak ng bongga. Tandaan, ang picture sa resume ay hindi parang passport na hindi ka pede ngumiti. Wag gumamit ng glamour shot (mukha kang mag-a-audition sa bikini open) or stolen shot (ano, kiber-kiberan look?).
12. Maging grammar at spelling Nazi. Kung hindi confident, ipabasa sa mas marunong. Marami ang nare-reject dahil hindi ma-spell ng maayos pangalan ng kumpanya. Mag-ingat, kung sabay-sabay na magsi-send, i-track ng mabuti dahil baka magpalitan ang pangalan ng kompanyang inaaplayan mo.
13. Oo nga pala, sa cover letter mo, wag mo nang uulitin yung mga detalye sa CV mo, unless iha-highlight mo or you'll have a new way of way of saying it. Halimbawa, imbes na "In 2012, I earned a degree in Accounting from so so and so" gawin mong "Earning a degree in Accounting has taught me the values of diligence and trust"
14. Ang reference ay dapat familiar sayo: puwedeng teacher, coach, club adviser, or elder ng mga pinagkakaabalahan mo. Ang mahalaga, kinuha mo permiso nila at merong silang contact details.
15. Magdasal ng super. Kung may ini-stalk ka talagang job, araw-araw dasalan. Mag-visualize na kinakamayan ka ng boss at sinasabi sayo na "welcome to _______ (FITB)." I-claim ito, at magpa-advance thank you. And everytime na naiisip mo ang job, feel good about it, yung tipong it's not a question kung makukuha mo ba ang job o hindi, but KELAN mo ito makukuha. Remember, the universe is fulfilled when it makes your dream come true.