kung...
Unknown
Saturday, March 03, 2012
Kung Ibig Mo Akong Makilala
ni: Juan Nicolas
Kung ibig mo akong makilala,
tumbasan mo ang galit sa aking mga mata,
ang titig kong mapanghusga –
dumadaloy nang pailalim sa bawat agos
ng kahapon ko’t bukas.
Kung ibig mo akong makilala
sisirin mo ako sa dagat na malalim
at sa kahariang nilimot ng daigdig,
iahon mo ako at saka tuluyang palayain.
Isang pag-ibig na minabuting itago,
sa lugar na malaya sa takot at sumbat
may dalang tuwa't nag-iisang pangarap –
tumbasan mo ang galit sa aking mga mata,
ang titig kong mapanghusga –
dumadaloy nang pailalim sa bawat agos
ng kahapon ko’t bukas.
Kung ibig mo akong makilala
sisirin mo ako sa dagat na malalim
at sa kahariang nilimot ng daigdig,
iahon mo ako at saka tuluyang palayain.
Isang pag-ibig na minabuting itago,
sa lugar na malaya sa takot at sumbat
may dalang tuwa't nag-iisang pangarap –
ianod mo lahat papalapit sa akin
kung nais mo ako’t ibig kilalanin.
Kung ibig mo akong kilalanin,
haplosin mo ako hanggang buto,
lunurin mo ako hanggang utak,
lumangoy ka hanggang kaluluwa –
hubad ako roon: mula ulo hanggang paa.
kung nais mo ako’t ibig kilalanin.
Kung ibig mo akong kilalanin,
haplosin mo ako hanggang buto,
lunurin mo ako hanggang utak,
lumangoy ka hanggang kaluluwa –
hubad ako roon: mula ulo hanggang paa.
_________________________________
Inspired from "Kung Ibig Mo Akong Makilala" by Ruth Elynia S. Mabanglo